USAPANG KALUSUGAN muna tayo. Tag mo yung kilala at kaibigan...

USAPANG KALUSUGAN muna tayo.

Tag mo yung kilala at kaibigan o kamag-anak mong acidic.

BASA!!!! Kapag acidic ang isang tao, humihina ang immune system at madaming sakit ang dumadapo. kaya kailangan ALKALINATED at OXYGENATED ang ating katawan. Bakit nagiging acidic ang isang tao? Dahil sa hindi tamang pagkain, walang ehersisyo, pag-inom ng alak ng walang laman ang tiyan, pagpapa-gutom paninigarilyo at pagpupuyat.

*Sintomas ng Gerd o Acid Reflux: Panlalamig Sorethroat Parang sinasakal Sakit ng ulo Bara sa lalamunan Dry cough Bloated Hirap huminga Dighay at utot Anxiety Hilo Pananakit ng mga buto Panghihina Chest pain Hirap sa patulog Pagbilis ng tibok ng dibdib Pananakit ng tenga dala ng pasulpot sulpot na sipon *Kadalasang mga komplikasyon: Paghina ng immune system Allergies (hika,ubo, sipon, sakit sa balat) Pamamaga ng esophagus Laryngitis Mabilisang pagpayat

*Mga bitaminang nawawala sa katawan: Magnesium Calcium Protein (Wag kakalimutan mag vitamins na rich sa mga ito) *Mga dahilan ng pagsumpong: Kapag ang tyan natin ay madaming bad bacteria o ang mga kinakain natin ay matakaw ang bad bacteria tulad ng carbohydrates, dumadami ang bacteria nagiging sanhi ng pag utot at dighay.

  • Mga remedy: Mga pagkain at inumin n mayayaman sa Alkaline- Green na gulay Mga prutas na makakatas (walang citrus) Alkaline water Probiotic drinks (yakult, WKG-water kifer grains) Vitamins na non acidic Saging Soy food *Mga pagkaing dapat iwasan: ➖Kape, Wine ➖Mga pagkaing mahirap tunawin ng tyan ➖Red meats ( mahirap matunaw) ➖Mga starchy fruits at vegetables ➖Pagkaing mayaman sa unhealthy carbohydrates: -cake, softdrinks, etc ➖Prutas na maasim ➖Pagkaing mamantika
  • Mga dapat gawin: ➖Nguyain ng maigi ang pagkain ➖Sumubo ng konti lamang tuwing kakain ➖Huwag hihiga agad pagkakain, mainam na maglakad lakad muna ➖Matulog ng mataas ang unan (upang hindi umakyat ang acid pataas) ➖Matulog pakaliwang bahagi ng katawan para ma balance ang acid sa tyan habang tulog ➖Kontrolin ang utak kung nakakaramdam ng kaba, sanayin ang katawan at isip sa pabago bagong mood ng katawan ➖Tanggapin ang sakit at tulungan ang sarili makabawi ➖Uminom 1 oras bago kumain ng alkaline water/ wag iinom habang kumakain/ uminom pagkatapos ng 30mins pagkakain ➖Iwasang magpupuyat at magpapagod ➖Iwasang magpapagutom ➖Iwasang magpapakabusog para hindi mabloated ang tyan na nagiging sanhi ng reflux ➖Maging positivo at lakasan ang loob ➖Tigilan ang bisyo

Ang ACID REFLUX/GERD ay nagagamot NGUNIT bumabalik oras na maulit ang pagbalik ng mga bad bacteria at sobrang stress, HINDI ito nakamamatay. Nagtatagal ito sa katawan DEPENDE kung gaano kadami ang bad bacteria sa tyan o kung paanong diet ang ginagawa. Sundin ang healthy lifestyle kung kinakailangan upang mabilis gumaling. Gawing positibo ang araw araw na gawain dahil ang stress at galit ay nag-produce ng acid sa katawan kaya mahalagang laging masayahin at maayos na pagkain...

At wag kalimutang kumunsulta lagi sa Doktor.

https://www.facebook.com/uyay.oinabla__tn__=%2CdCH-R-R&amp=;eid=ARBQEP3T_UhSZRNsxqYzyvP3IF4LZG6bms4auyG7LcxSG4ramXkBMyS2_QnaibF1kr6JWBx7pS6AudF2&hc_ref=ART0BE8Cvx8XSjLUlLJa0P_hzPSs0jnO9epBhHV54VaNRwO5kdww5HNg43oig8yrrHQ&fref=nf&hc_location=group

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie