Since medyo umaayaw si baby (2 1/12 y/o) sa mga gulay and fruits...

Since medyo umaayaw si baby (2 1/12 y/o) sa mga gulay and fruits lately na nakakaguilty dahil baka dahil yun sa napadalas yung pagbibigay sa kanya ng cereals and icecream ? nag decide kami i-try ang vitamins.. Reseta ng pedia nya pero diko alam kung ano basehan nya sa pagbigay nito.. anyways binili at pina inum naman namin nakaka 1 week na... until ⬇️

MUST READ ?

These are all comments from mommies supporting NO VITAMINS sa babies na wala namang labtest na nagpapatunay na kailangan nilang uminom ng vitamins.

Mom1) May laboratory tests ba si baby to check if meron syang vitamin deficiency? *Kung wala naman deficiency hindi need bigyan ng synthetic vitamins si baby kasi pinapahirapan lang ang katawan salain ito at magabsorb ng micro nutrients ng breastmilk.

Mom2) Hindi ko maintindihan kung bakit sa Pilipinas vitamins agad ang mga baby kahit bagong silang palang. Parang grabe naman ang stress sa liver nang babies. Dito sa Canada, nagka stomach flu na ang baby ko, ayaw pa din i-medication sa emergency. Kapag malala lang nila binibigyan nang medicines. Sa vitamins naman, ang mabibili mo lang sa kahit anong botika ay Vitamin D (kasi pag winter walang sunshine masyado) para sa infants until 2 years old. it does not discriminate wether bf or formula. So I don't think you should give vitamins mommy.

Mom3) Same sa US, kapag walang deficiency hindi magbibigay ng vitamins. Yung 3 year old ko binigyan ng Vit D noon kasi winter baby siya at di mapaarawan dahil super lamig. Ngayong nakita sa blood test na slightly anemic siya, iron rich food lang talaga recommendation instead of vitamins. They even told us na no cough and cold meds for kids under 6 years old.

Mom4) Same in europe, vit d lang during winter. Pag anemic, kain ng maraming spinach or broccoli. Sa pinas adik na adik sa vitamins.

Mom5) Yes mommies. Can we imagine the stress on the liver? The amount of nutrients that the baby liver has to metabolize ?

Mom6) Hindi lahat ng pedias are bf advocate at nakasanayan na nila magreseta ng vitamins sa babies. Some pedias also get money para magreseta ng vitamins. Mas maigi pa na sabihin sa pedias na magundergo ng laboratory testing ang baby bago uminom ng synthetic vitamin. Kesa naman mahirapan ang mura nilang katawan salain ang chemical. Na-o-overload din ang liver ng chemical lalo na di kailangan. Hindi dahil binigay ng pedia bigay kaagad. Vitamins are not preventive measures para di magkasakit, it is supposed to treat deficiencies Its the reason why EBF babies or fm do not need vitamins right away without laboratory testing.

Comments credit to the owner.

OPO mga inay, learn from this parents na may mga doctor na talagang concerns sa health ng babies natin, kawawa talaga ang liver at kidney ng inyong anak sa murang edad na sumasala na ng synthetic chemicals at wasted kung hindi naman kailangan ng katawan hindi ito iaabsorb ng kanilang dugo, bago ilabas sasalain ito ng kidney at liver, naisip niyo ba ang mga ito mommies na sa murang edad sumasala na ng matitinding chemical ang papamatured palang na organs ni baby, madadagdagan pa ito ng ilang uring antibiotic at pangsipon kung magkasit si baby. Imagine it. Think of it.

Around the world pilipinas lang ang talamak magrecommenda ang mga doctor ng mga ibat ibang klaseng vitamins without lab test na magpapatunay na kailangan ni baby, aside if ebf advocacy si doc na checheck up-in niya mabuti muna bago magrecommend. Sila yung concerned. So bakit yung iba basta na lamang nagrereseta? Dahil sa trabaho nila, at may makukuha silang konting pera sa isang company ng vitamins in every reseta, dahil commercial ito. At wala silang pakialam sa epekto ng pag inom ng mga vitamins na hindi naman kailangan ng katawan. Basta sila nagpopromote ng items. Im working as TA sa isang nursery and kindergarten abroad(hindi sa pagmamalaki) there are hundreds of children ibat ibang nationality at lahat ng bata starting 2months to 5yrs old wala akong nakikitang pinapainom ng vit ng nanay o may baon na bottle. (Even those teenagers) Mapa fm or bm NO NEED kung walang test na nagpapatunay na walang vitamin deficiency si baby. Imaginine niyo nalang mga mommies na hindi pa matured enough ang liver at kidney ni baby pero heto kayo nagpapaligsahan sa brands at sa dami ng vitamins ni baby to protect him from viruses at bacteria. Maling mali dahil airborn ang mga ito at nalalanghap ni baby, napupulot kung saan, at naipapasa ng nag aalaga na hindi concerned sa proper hygienic. Natural magkakasakit. Kung oobserbahan kahit 3 pa ang vitamins ni baby kung nilalapit niyo sa maysakit at hindi kayo malinis in and out madali silang kapitan ng ubot sipon.

When babies don’t get enough iron, they may show these signs:

Slow weight gain. Pale skin. No appetite. Irritability (cranky, fussy). Babies with an iron deficiency may be less physically active and may develop more slowly.

In children, iron deficiency can affect how they do in school. Not having enough iron can lead to problems concentrating, a shorter attention span, and poor academic performance. Low iron levels can make you feel tired and weak.

How much iron do babies and children need?

Babies are born with a reserve of iron, which comes from their mother’s blood while they are in the womb.

Ctto ( hindi ko ma tag si mommy na original na nagpost nito hindi ko na makita ulit since nabasa ko lang to dahil may nagpatulong mag search sakin about virgin gut and vit.. may point kasi din kahit na aminado tayo na grabe ang polusyon sa atin.. sinabi din naman sa reaction ni dr.Mata na it is just “saling pusa” [ sa akin para itong hindi masyadong nakakasama pero hndi rin naman masyadong nakakabuti? Gulay prutas parin pero kung aminado ka na wala ka budget at time magprepare araw2x nito then vit/supplements nga ang ibibigay mo para kahit paano may source ] db... so nasa atin na talaga mga mamsh kung ano ang mas dapat o hindi sa mga anak natin at gusto lang naman natin ang mabuti at the best para sa mga anak natin ? )

Plus, check the photo below..

Kahit ayaw ko na ituloy hndi naman pwedeng bigla nalang ihinto sabi ng pedia so tatapusin namin siguro kahit 1month... ( bumili kami ng bago tapos ibang dropper )

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie