Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor sa English, Alibum, Alimon,...

Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor sa English, Alibum, Alimon, Ayoban, Bukodkud, Dalapot, Gabuen, Gintin-gintin, Kambibon, Lalakdan san Visayas and Sob-sob, Subusub, Subsob sa Ilocos.) may sayantipikong pangalan na Blumea balsamifera isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas. Ito ay isang antiulithiasis ito ay tumutulong bilang isang diuretiko, ito ay nakakatulong na itapon ang labis na tubig at sosa (asin) sa katawan at tumutulong din matrato ang sakit sa bato, ginagamit din upang magamot ang sipon at katamtamang pagtaas ng dugo. Kilala din ito na nagtataglay ng Anti-diarrheic, Anti-gastralgic, anti-diarrhea at Anti-spasm.

Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dahon Tumutunaw ng bato sa pantog Manas Pagtaas ng dugo Rayuma Sipon Hika Bronchitis UTI Gamot para sa tiyan Vermifuge Mga problema sa paghinga Sugat Iti Namamagang lalamunan Bulate sa tiyan Pigsa Anti-diarrheic Anti-gastralgic

Tuyong dahon ginagamit na sigarilyo Sinusitis.

Ugat Lagnat

Paghahanda:

Inumin Hugasan ang dahon at hiwain ng maliliit. Sukating ang 2 baso ng tubig at isang basong hiniwang dahon. Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto sa kaserola na walang takip Palamigin at salaain. Uminom ng 1/3 baso, tatlong beses isang araw.

Paliligo

Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.

Panlunas para sa sakit ng ulo, pigain o durugin ang dahon at ihalo sa langis ng niyog, ipahid sa noo at sentido.

KAALAMAN TUNGKOL SA SAMBONG BILANG HALAMANG GAMOT Scientific name: Blumea balsamifera (Linn.) DC.; Conyza appendiculata Blume; Conyza odorata Rumph Common name: Sambong (Tagalog); Blumea Camphor (Ingles)

Ang sambong ay isang maliit na halaman na may mapayat ngunti matigas at mala-kahoy na katawan at nababalot ng mabalahibong dahon. Ang bulaklak ay tumutubo nang kumpol-kumpol sa isang sanga. Ito’y karaniwang tumutubo sa mabababang lugar at mga bakanteng lote sa ilang mga bansa sa Asya, kabilang na ang Pilipinas. ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SAMBONG? Ang iba’t ibang bahagi ng halamang sambong ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang halaman na sambong ay mayroong volatile oil, l-borneol, l-camphor, limonene, saponins, sesquiterpene at limonene, tannins, sesquiterpene alcohol, palmitin, myristic acid. Mayroon din itong flavonoids, terpenes (borneol, limonene, camphor, a-pinene, b-pinene, 3-carene, sesquiterpenes, monoterpenes, triteroenes, at cryptomeridiol), lactones (blumealactone A, B, C) ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO? Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng: Dahon. Ang dahon ng sambong ang bahagi ng halaman na madalas na ginagamit bilang gamot. Kadalasang nilalaga ito at iniinom na parang tsaa o kaya’y hinahalo sa tubig na pinangliligo. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan. Ugat. Maaari din gamitin sa panggagamot ang ugat ng sambong. Inilalaga ito at iniinom din na parang tsaa. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SAMBONG?

  1. Sugat. Maaaring ipantapal ang dinikdik na dahon ng sambong sa sugat na hindi madaling maghilom. Makatutulong ito upang mapabilis ang paggaling sa sugat.
  2. Lagnat. Dapat namang inumin ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng sambong upang mapababa ang lagnat na nararanasan.
  3. Karamdaman sa bato. Ang pag-inom din sa pinaglagaan ng dahon ng sambong ay mabisa upang mapabuti ang kondisyon ng mga bato o kidney. Tumutulong ito sa tuloy-tuloy na daloy ng pag-ihi.
  4. Rayuma. Mabisa naman para sa kondisyon ng rayuma ang pagbabad sa bahagi ng katawan na nananakit sa tubig na pinaglagaan ng dahon ng sambong.
  5. Sinusitis. Iniinuman din ng pinaglagaan ng dahon ng sambong ang kondisyon ng sinusitis upang mapabuti ang pakiramdam.
  6. Sipon. Ang regular naman na pag-inom sa tsaa na nagmula sa dahon ng sambong ay mabisa upang mawala ang mga sintomas ng sipon.
  7. Sakit ng ulo. Pinagtatapal sa noo ang dahon ng sambong kung sakaling makaramdam ng pananakit sa ulo.
  8. Hika. Mabisa pa rin ang tsaa ng sambong para sa kondisyon ng hika.

https://www.facebook.com/RickyBakerAndSinger__tn__=%2CdCH-R-R&amp=;eid=ARBsq7WA8sZUU8JnVLWwqYJU6u8N5rTGT7TiUxwiY7uYOSdtrADrM3DkBd5oVi0vD4RjI-OyNAxPtOlf&hc_ref=ARSLu6n9ft7U3JfE4SkMXCYBfhbUoTNuIBPJVi0X3SLaKl1X4HgwHgAEQ-ZNL3_pRd4&fref=nf&hc_location=group

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie