Sabaw para sa panahong maginaw ? Tinolang Manok ng #feelingerangkusinera...

Sabaw para sa panahong maginaw ? Tinolang Manok ng #feelingerangkusinera ?‍?

Mga Sangkap 1/2 kilo manok 1 papaya 1/2 cup dahon ng malunggay or sili sibuyas bawang Luya Patis Paminta

Paraan ng Pagluluto

  • Matapos hugasan ang manok, ilagay sa kaserola at pakuluan. Lagyan ng 2-3 baso ng tubig (depende sa dami ng gusto mong sabaw).
  • Balatan at hiwain ng maliliit na pahalang ang papaya. Isama sa manok para lumambot.
  • kapag luto na ang manok at papaya, hanguin ito. Ihiwalay sa sabaw.
  • Isangkutsa ang manok sa bawang, sibuyas, at luya. Lagyan ng paminta.
  • Ibuhos ang sabaw ng manok, ihalo ang papaya. Haluin at timplahan ng patis. Maaring lagyan ng 1 chicken cubes. Pakuluin.
  • Kapag kumukulo na, ilagay ang dahon ng malunggay. Haluin ng bahagya. Patayin ang apoy matapos ang ilang minuto.
  • I-served kasabay ng kanin.

Maligayang Pagkain ?️

For more recipes, please visit my Feelingerang Kusinera Page.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie