Sa mga nanghihingi po saken ng recipe ng moron suman ito na po...

Sa mga nanghihingi po saken ng recipe ng moron suman ito na po paki basa nalang po. Natutunan ko lang din sa isang food group ko.

CHOCOLATE SUMAN MORON NG LEYTE

Ito yung Lahat ng ingredients bago hatiin sa chocolate mixture at white mixture...

1 1/2 cups ordinary rice 1/2 cup malagkit 2 cups water ( pang babad) 1 cup white sugar 2 cups coconut milk 4 tbsp butter or margarine 5 pcs tablea Mani nakalimutan ko lagyan ang ginawa ko Banana leaves

Moron video tutorial:

INGREDIENTS FOR WHITE MIXTURE

Kalahati ng mixture na bigas na giniling na 2 tbsp butter or margarine 1/2 cup white sugar 1 cup coconut milk Mani nakalimutan ko lagyan ang akin. Banana leaves

INGREDIENTS FOR CHOCOLATE mixture

Kalahati ng mixture na bigas na giniling na 2 tbsp butter 1/2 cup white sugar 1 cup coconut milk 5 pcs tablea Mani nakalimutan ko lagyan ang akin Banana leaves

Procedure ng bigas 1.Ibabad sa 2 cups na tubig ang ordinary rice at malagkit na bigas overnight magkasama sa pag babad ang malagkit at ordinary 2.Kinabukasan salain ang binabad na bigas at huwag muna itapon ang tubig na pinagbabaran... 3.Eblender ang bigas note para hindi ma over heat ang blender gayahin yung ginawa ko naglagay ako sa blender ng tatlo na 1/4 cups na binabad na bigas at lagyan ng 4 tbsp na tubig yung pinagbabaran ng bigas...make sure na on and off ang blender para iwas over heat...

PROCEDURE FOR CHOCOLATE MIXTURE

1.Ilagay ang butter sa kawali or kaldero hanggang sa matunaw low heat only 2.Ilagay ang coconut milk at haluin. 3.Ilagay ang white sugar at haluin 4.Ilagay ang tablea at haluin hanggang matunaw 5.ilagay ang rice mixture at haluin hanggang sa wala ng liquid na matira like hanggang sa parang dough na siya... Make sure na low heat only until end.

Palamigin muna

PROCEDURE FOR WHITE MIXTURE

1.Ilagay ang butter sa kawali or kaldero hanggang matunaw low heat only 2.Ilagay ang coconut milk at haluin. 3.Ilagay ang white sugar at haluin. 4.Ilagay ang rice mixture at haluin hanggang matuyuan like parang dough na siya.

After lutuin ang chocolate at white mixture idarang na sa apoy ang banana leaves.ang ginawa ko sa akin nagpainit ako ng tubig sa kawali at doon ko pinainitan ang banana leaves 1by1 until matapos.

Pag ready na ang banana leaves punasan make sure na malinis din lagyan ng butter

Kumuha ng white mixture at pagulungin sa palad hanggang humaba nasa inyo na kung paano kayo magpahaba,,din ilagay sa banana leaves Din kumuha ng chocolate mixture at pagulungin sa palad at pahabain din ipatong na sa white mixture at ipaikot. Balutin na ng banana leaves at talian ang ginamit ko na pang tali ay banana leaves din.

Ilagay na sa steamer at steam ng 30 minutes sa malakas na apoy.

After 30 minutes ready to eat na ang masarap na moron.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie