Ptp..ito naman napuyat ako nag padala asawa ko kaya nakabili...

Ptp..ito naman napuyat ako nag padala asawa ko kaya nakabili po ng cocoa sa tindahan at gatas peru naubusan din agad ng budget hindi po ako nakabili ng itlog.. paborito ng mga anak ko ang chocolate cake kaya sabi ko sa kanila sige gagawa ako peru wlang itlog sabi nila sige nay importanate may almusal daw sila kasi d rin naman daw masarap mga tinapay dito sa tindahan..kaya ito gumawa ako ng chocolate cake na wlang egg wlang evap ng imbento nlang nalang para makaluto..ito po recipe...

Eggless chocolate moist cake

1 cup all-purpose flour 1 cup brown or white sugar (para sa mga may budget pwede kayo 1/2 cup lang sa sugar total may frosting nmn po..sa di kaya ang budget na sa frosting 1 cup na sugar na para dina kelangn ng frosting)

1 tbsp baking powder 1 sachet birch tree + 1 cup water hindi hot water Tunawin ng mabuti ang powder milk sa tubig hanggang makita na wla ng buo-buo tapos lagyan ng 1 tbsp na white vinegar at rest po ng 10 minutes para mag curdle po sya.. gawin nyo unahin tunawin ang powder milk bago po kayo mag ready sa ibang ingredients.. 1/3 cup veg oil 1/4 tsp vanilla

Panu po

Paghalu haluin nyo po lahat ng ingredients hanggang wla na po kayo makitang buo-buo..at maglagya ng butter sa bking pan at taktakan ng harina para di dumikit..bake ko po yan sa improvised oven..bake po ng 25-30 min..

For frosting

1/4 cup evap milk 1/4 cup sugar 1&1/2 tbsp all purpose flour 2 tbsp butter 1/4 tsp optional

Pagsamahin at iluto sa low heat hanggang lumapot at wla na kayong makitang buo-buong harina hanguin na.. happy baking po

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie