PLEASE SHARE: COCOLIFE, SCAM OR NOT? Una sa lahat, COCOLIFE...

PLEASE SHARE: COCOLIFE, SCAM OR NOT?

Una sa lahat, COCOLIFE is legit at kabilang sila sa Top 5 Insurance companies. Ang hindi katanggap-tanggap ay yung marketing strategy nila maging yung marketing agency nila na "All the Best" ang pangalan. Ang tawag nga ng iba sa kanila ay "Legal Thief" o legal na budul-budol.

I REPEAT, COCOLIFE IS A LEGIT INSURANCE COMPANY. You can continue your insurance in COCOLIFE if you want dahil legit naman kung anuman ang policy or Insurance coverage na ibinigay nila.

Kung may katanungan kayo kung paano i-cancel or i-refund (within 15 days only), join this group: https://www.facebook.com/groups/cocolifecocoswipe/

Cancellation of insurance policy: https://www.bankbazaar.ph/life-insurance/how-to-cancel-life-insurance-policy.htmlfbclid=IwAR0vb2Qm1NSpmgDp9pOFyPuP76QRXfxeBqHyfi4_p-FfpTxSSM6J1ejsf5I

How to identify SCAM: http://www.dti.gov.ph/images/ConsumerTips/pyramidscam.JPGfbclid=IwAR3jsQ0_irOosDP8fliKLEU2hG-ZXkjBARpNimcKR7kX2NwbtZK_TXr75GY

NOTE: Huwag matakot sa mga nag aalok ng credit cards o condominium sa malls dahil hindi naman sila agresibo. Mas maganda rin magbasa ng comments dito kaysa sa actual post ko. ?

Ayoko na sana itong i-share dahil September 2016 pa ako nabiktima sa SM North EDSA (sa labas ng cinema sila nakapwesto doon sa pagtawid mula SM North Annex) pero naaawa ako sa mga nabibiktima araw-araw dahil lahat ng major malls sa Pilipinas like SM Malls ay mayroon silang branch. Lalo na ngayong Christmas season, maraming pumupunta ng malls kaya tiyak na marami rin silang nahahatak sa isang araw. Syempre magtitiwala ka agad sa kanila dahil sa malls sila nakapwesto. Pero bakit nga ba patuloy na pinapayagan ng Mall Admins ang ganitong scam, eh araw-araw naman ay may nagrereklamo sa kanila about COCOLIFE?

Sabihan niyo na akong t***a kung bakit ako naloko. Pero ayon nga sa kasabihan, matalino man ang matsing, naiisahan din.

Huwag niyo papansinin ang mga agents na haharang sa inyo sa mga malls kapag tinanong kayo kung may Credit card ka ba o ATM at huwag titingin sa kanila kahit tawagin ka nang tawagin or kahit magmakaawa pa sa inyo dahil once na pinansin sila, YOU'RE TRAPPED.

Una, sasabihin nila na eligible ka sa raffle nila na trip to Hongkong kaya bibigyan ka ng raffle stubs kapag may ATM o Credit card ka. Alam ko naman na suntok sa buwan ang mga ganyang raffle pero pinagbigyan ko nalang dahil pagod na pagod na ako that time galing work. Then after masulatan ang stubs, sasabihin nila na may kapalit ang raffle stubs. Required daw pumunta sa office nila for a 45-minute product presentation (na actually 2 hours ang itinagal). Makinig lang daw ako sa agent para matapos agad at wala naman silang ibebenta. Tapos binola-bola ako nung baklang agent habang papunta kami sa office nila sa SM Annex.

Then ayon nga, kinakausap na ako nung isang agent na nagpre present ng Future Savings Plan nila. But before that, magtatanung-tanong muna sila ng basic info then kung magkano credit limit, kailan huling ginamit yung Credit card. Then magpapagawa siya sa kasama niya ng parang Insurance proposal based dun sa credit limit.

In-explain sa akin ang importance of insurance lalo na kapag umabot na ako ng 60 years old. Ipinakita pa sa akin yung Sensitive Personal information nung ibang nag avail sa kanila, pinakita yung presyo nung kinuhang nilang insurance. Doon palang nagduda na ako, sabi ko sa sarili ko, bakit niya pinapakita yung mga sensitive information ng iba, meaning hindi safe at hindi tinuturing na confidential ang mga Personal information ng mga clients. Pero dahil antok na antok na ako, gusto ko nalang matapos yung usapan at sakyan nalang yung agents.

Sabi nung agent, "FOR BANK APPROVAL" daw yung pagkuha ng insurance. Kapag approved daw ng bank, tuloy ang insurance. Kapag hindi approved, tapos na raw usapan namin, kalimutan nalang daw yung naging usapan namin at uwian na raw. Tinanong ko siya, paano yung bank approval na yun. Kung may bank representative ba sila dun na kakausapin ko or may Online assessment bang sasagutan para malaman kung ready na ba talaga akong mag Insurance. Then di makasagot nang diretso yung agent, basta online daw. So inisip ko, baka online assessment nga.

Then hiningian ako valid IDs at Credit card para ipa-photocopy raw nila. Tapos may pinapirma sa akin na forms. Eh syempre gusto ko muna basahin kung ano yung pipirmahan ko pero sabi ba naman ng agent pirmahan ko nalang daw agad. Eh antok na talaga ako so pinirmahan ko nalang without reading the entire content.

Dumating na sa punto na gagawin na yung sinasabi nilang "BANK APPROVAL" at hiningi ulit yung credit card ko. Inisip ko na baka hindi online assessment, baka tatawagan yung bank kaya hiningi Credit card ko. Nung time na yun, pinapanalangin ko na wag sanang aprubahan ng bank.

Then kausap ko na yung branch manager nila. Sabi niya isa-swipe daw sa terminal para malaman kung approved ba ng bank. So mali pala yung naisip ko na online assessment or bank calls. Kaya sabi ko baka makikita dun sa terminal kung approved o hindi yung Insurance. Syempre pinapanalangin ko na hindi approved kasi tight pa ako sa budget.

So ang sistema ay trial and error pala yung gagawin ng branch manager. Unang swipe niya ay 14K (kasi sabi ko sa agent earlier na 28K yung total Credit limit ko at kakagamit ko lang) pero nag failed kasi nasa 5.5K nalang yung limit ko that time.

Dahil failed yung 14K para sa "Future Savings Plan," ita-try daw niya ulit with smaller amount. So nag try siya mag swipe ng 5.1K, then BOOM, jackpot siya dahil tinanggap ng terminal. Then nagbabalak na naman mag swipe ng 2K for one year insurance pero nag failed kasi kapos na sa limit.

So ayon pala ang totoong meaning ng "FOR BANK APPROVAL" sa kanila. Medyo shocked din ako dahil nakaltasan ako 5.1K ? Di ko na malaman ang gagawin ko that time. So kinumbinsi ko nalang ang sarili na mag Insurance. Then may binigay sa aking parang Insurance coverage at natapos na ang usapan.

Syempre nagdadalawang isip pa rin ako kung dapat bang mag Insurance or maganda ba talaga sa COCOLIFE. Pag uwi ko, natulog muna ako sa sobrang pagod at antok. Paggising ko, sinearch ko agad yung COCOLIFE sa net. Maraming blog akong nabasa na scam daw ang COCOLIFE so nataranta bigla ako na sayang yung 5.1K ko.

Nakita ko sa FB ang "COCOLIFE SCAM OR NOT" group at nagulat ako na marami na pala ang nagrereklamo. Halos 3,000 ang members ng FB group na yun at maraming nag advised na bumalik sa branch para i-cancel. Gumawa ako ng Cancellation letter at tumawag sa Insurance Commission to seek legal advice. Pwede raw i-cancel within 15 days.

Bumalik ako kinabukasan sa branch nila sa SM North Annex. Marami na akong energy that time dahil nakapag rest na ako. First time ko talaga magalit ng todo at makipag-confront dahil introvert or mahiyain talaga ako. Kinausap ko yung branch manager na nag-swipe ng Credit card ko at lagi siyang naka poker face. Yung mukha na kahit sobrang inis na siya ay pinipilit niya ngumiti at magmukang mabait.

Pinaupo niya ako sa kung saan nakatapat yung CCTV nila para siguro may ebidensya sila sa panahon ng kagipitan. Nagmamakaawa siya na matatanggal daw siya sa trabaho dahil sa reason ng cancellation ko na hindi ko naman talaga siya in-authorized na mag deduct sa credit card ko (misleading yung term na FOR BANK APPROVAL).

May anak at pamilya raw siya. Todo makaawa dahil siguro naka record sa CCTV. Papalabasin siguro na siya yung api at ako yung war freak. Tapos pinipilit akong baguhin yung Cancellation letter ko. Sinadya ko talagang naka hand written yung cancellation letter ko ayon na rin sa advise ng iba kasi sasabihin raw na kinopya ko lang sa internet. Pero as expected, kahit naka hand written na, sinabi pa rin ng branch manager na kinopya ko lang daw sa blog (so alam pala talaga nila yung mga sites ng mga nagrereklamo). Nakipag matigasan ako, hindi ko pinalitan yung cancelation letter ko. Pinaghirapan kong isulat yun tapos ipapasulat ulit ng bago. Edi wow. Sabi ko sa kanya, "minamaliit mo ba ang kakayahan ko na gumawa ng letter at sinasabi mo na kinopya ko lang yun sa blog." So mga 15 minutes siguro na paulit-ulit siya na nagmakaawa na palitan yung reason of Cancellation ko pero ayoko talagang palitan.

So pinirmahan na rin niya yung cancelation letter ko then ipa-process nalang daw yung refund within 30-45 working days. Wow ah, antagal ng refund process samantalang isang iglap lang kung makapag-swipe. Pero nabawi ko yung 5.1K on October 2016 (35 days).

Bakit nga ba nasabing SCAM ang COCOLIFE (agents)?

  1. Ayon sa DTI, kapag pinagbabayad ka sa loob ng maikling oras at may inaalok na raffle na valid lamang sa isang araw, ito ay SCAM.

  2. Walang DTI permit yung trip to HK raffle nila.

  3. Sinungaling yung mga agents dahil magkaiba yung sinabi nila kaysa sa actual na coverage nung insurance. Magtitiwala ka pa ba sa kanila kung mismong mga agents ay misleading? Kung sa maliit na bagay ay nakakapag sinungaling sila, paano nalang sa malaking bagay?

  4. Sinungaling ang mga agents dahil sinasabi nila sa ibang nagpapa cancel na hindi na pwede i-cancel. Pero ang totoo, pwede i-cancel within 15 days ayon sa Insurance Commission.

  5. Kumikita sila hindi dahil sa ganda ng Insurance nila. Kumikita sila sa panghahatak at pag prepressure ng mga tao sa lahat ng Malls. Kahit marami ang nagpapa cancel ay kumikita pa rin sila dahil 30-45 days bago ma-refund yung pera. So wala silang lugi dahil araw-araw marami silang nabibiktima. Tuluy-tuloy ang pagkuha nila ng pera para mapasok sa stocks.

  6. Nakakapag swipe sila ng mahigit 100K lalo na kapag 6-digit ang credit limit. Kung tutuusin, mababa pa yung nakuha nila sa akin na 5.1K. Kadalasan nasa 20K-80K nakukuha nila sa ibang biktima.

  7. Kumikita rin ang COCOLIFE dahil karamihan ay hindi aware na pwede i-cancel within 15 days. So yung iba, tumitigil nalang sa paghulog. So jackpot ang COCOLIFE.

  8. Pine-pressure nila ang mga tao. Hindi nila binibigyan ng enough days ang mga tao para pag isipan kung kukuha ng Insurance. Hindi ka nila titigilan hanggang hindi ka nakukuhanan ng pera.

  9. May ibang gustong umalis or tumatanggi na magpa swipe. Pero di nila hahayaan na makaalis dun hangga't di ka nakukuhanan ng pera. Magtulung tulong pa yung mga agents para pigilan kang umalis at para mapapayag kang magpa swipe. Hindi ka makakaalis kung masyadong mabait. Makakaalis ka lang kapag sobrang galit ka o sumisigaw ka na.

  10. Hindi naman ganyan sa ibang Insurance companies. COCOLIFE lang ata yung nagkalat sa lahat ng malls para makahatak na para bang desperado na magkaroon ng clients. Sa ibang Insurance companies naman binibigyan ka ng enough time para pag isipan at no pressure.

  11. Kung di ka pa ready mag Insurance, wag ka mamansin ng mga agents sa malls. Diretso lang ang paglalakad. Pero kung gusto mo naman ng Insurance, huwag sa COCOLIFE.

  12. Kahit hindi scam ang COCOLIFE, wag ka mag invest dun. Dahil marami ang nagpapa cancel at baka lugi na yung COCOLIFE kapag tumanda ka na. Wala ka rin mapapala sa pinaghirapan mong hulugan.

  13. Sila mismo ang namimili ng option sayo so no choice ka. Sa iba naman, ikaw ang mamimili ayon sa preference mo.

  14. Kung sa ibang Insurance companies, sila mismo nilalapitan ng mga tao. Sa COCOLIFE naman desperadong makahatak.

  15. It's COCOLIE not COCOLIFE kasi lahat sila sinungaling. Sabi pa nung agent, may partnership sila sa lahat ng banks pero ang totoong meaning pala nun ay merchant lang sila ng banks dahil may terminal machine silang pang swipe ng credit card. ? Ang alam kong meaning ng partnertship ay yung pinopromote or advertise ng banks yung COCOLIFE.

  16. Daig pa nila ang budul-budol gang. Labag sa batas yung hawakan at ayaw bitiwan ng agents. Kung ayaw nung tao dapat wag na pilitin. Hindi yung parang walang narinig sa pag declined ng tao.

  17. Maraming nabibiktima ay sa SM Baguio dahil maraming nagbabakasyon doon. Alam nila na hindi na sila mababalikan ng mga biktima nila doon dahil taga-Metro Manila kadalasan pumupunta sa Baguio.

  18. Favorite nilang target ay mga mag aabroad or mga seaman dahil alam nila na matagal pa bago ulit umuwi mga yun.

  19. Marami na rin akong closed friends na nabiktima ng COCOLIFE so ayoko na madagdag ang bilang ng nabibiktima.

  20. Puro against COCOLIFE lang ang natatanggap ng Insurance Commission, wala ba silang gagawing aksyon? Maging yung mga Mall Admins dapat i-banned na yang mga COCOLIFE agents na yan sa dami ng nagrereklamo sa kanila. Dahil ba sa malaking company ang COCOLIFE kaya walang ginagawang aksyon?

  21. Imbis na mag enjoy mag shopping, inconvenient tuloy dahil iniiwasan yung mga agents ng COCOLIFE. Sana alisin na sila dyan.

  22. Kapag mabait kang bumalik sa COCOLIFE para magpa cancel, uutuin ka lang ng mga agents sa mga kasinungalingan nila.

  23. May bago silang tactics, kapag nagpa cancel ka, papapirmahin ka raw ng waiver na wag magsampa ng kaso or mag share sa social media. So talagang may bahong tinatago kaya nagpapapirma ng ganun? ?

  24. May ibang cases na habang nagwi withdraw sa ATM, biglang kinukuha ng agents yung transaction receipt. Kapag nakita na malaki balance mo, kukulitin ka na. Tama bang kunin nalang bigla yung receipt without the consent of the owner? Daig pa snatcher.

  25. Libu-libo na ang nabibiktima at nagrereklamo. Sana wag na madagdagan pa sa pamamagitan ng public awareness na ito.

  26. Sana makarating kay Pangulong Duterte ang mga reklamo ng mga biktima. Hindi ako ang rightful person para mag escalate ng issue na ito. Sana may mag initiate na tawagan ang presidente sa 8888 para maalis na yang mga COCOLIFE agents na yan.

So ingat nalang sa mga malls at baka ma-holdap in a legit way. ????

https://www.facebook.com/permalink.phpstory_fbid=1399121456766771&amp=;id=161973220529779

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie