Permission to post! TULO (GONORRHEA): KAALAMAN AT LUNAS Ang...

Permission to post!

TULO (GONORRHEA): KAALAMAN AT LUNAS

Ang sexually-transmitted diseases (STDs) ay mga sakit na maaaring mahawa sa anumang uri ng pakikipagtalik o sexual contact. Ang mga sexually transmitted diseases ay maaari ring tawagingvenereal disease o VD pero sa Pilipinas ay madalas na gamitin ang mga katagang STD.

Dahil nakakahiyang pag-usapan, maraming mga STDs na inililihim at hindi ikinokonsulta. Ang nangyayari ay paggagamot sa sarili o self-medication. Ngunit hindi ito magandang gawin. Una sa lahat, tama nga ba ang iyong haka-haka kung ano nga ba talaga ang iyong karamdaman? Paano kung magkamali ka? Huwag mahiyang lumapit sa doktor sapagkat ang mga doktor ay may prinipsyo ng “confidentiality” na nagsasabing hindi kailanman maaring ipagkalat ng doktor ang anumang sasabihin mo sa kanya.

Tiyak na narinig na natin ang “tulo“. Ito ang pangkaraniwang tawag sa kundisyon kung saan may nana na tumutulo (purulent discharge) na nagmumula sa ari ng lalake (penis). Maari ring makaramdam ng kirot, hapdi, o iba pang masakit na pakiramdam habang umuuhi o di kaya’y kirot na nanananatili sa ari.

Sa babae na may tulo naman, maaaring walang sintomas na maradamdam sa mahigit na kalhati ng mga kaso (>50%). Maaaring may kaunting kirot kapag umiihi (dysuria or painful urination). Maaari rin namang may mabaho o malansang amoy mula sa pwerta ng babae (vagina) na kadalasang kasama ng mabahong likido o nana na sya na ring binansagang ‘tulo’ (purulent discharge).

Ang sanhi ng ‘tulo’ ay ang bacteria na Neisseria gonorrhoeae, kaya ito ay tinatawag na sakit na “Gonorrhea”. Gaya nang nabanggit, ito ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng anumang uri na pakikipagtalik. Dahil ito’y maaaring walang sintomas o senyales, posibleng makipagtalik nang hindi nalalaman na may tulo o gonorrhea pala ang katalik. Sa mga lalakeng mahilig gumamit ng pokpok oprostitute, kahit mukhang malinis sa iyong inspeksyon ang hindi nangangahulugang walang tulo (gonorrhea) o iba pang STD ang babaeng ito. Sa kabilang banda, kapag ang lalake ang may tulo, mahilig sa kalhati ay probabilidad na mahawa niya ang babae sa isang pakikipagtalik lamang kaya dapat magiging maingat din ang mga kababaihan.

Ang nakakatakot sa tulo o gonorrhea ay ang mga complication; maaaring ipanganak na bulag o may problema sa mata ang isang sanggol kung nagkaroon ng tulo ay kanyang nanay habang siya ay pinagbubuntis. Maaari ring magdulot ng isang malalang impeksyon (pelvic inflammatory disease) sa mga babae. Sa lalake naman, maaaring ma-impeksyon ang prostata o ang epididymis na bahagi ng dinadaanan ng semilya. Sa ibang tao, nagiging sanhi ito ng pagkabaog (sterility).

Ano ang gamot sa tulo o gonorrhea? Antibiotiko o antibiotics ang solusyon. Kinakailangang ipatingin sa doktor kung anong uri ng antibiotiko at gaanong kadami at gaanong kadalas (dose and frequency) ng gamutan. Kung mayroon kang tulo o gonorrhea, malamang ay mayroon ring tulo ay iyong asawa o sexual partner kaya dapat siya ay ipatingin at gamutin rin.

Ang tulo o gonorrhea ay maaaring may kasamang iba pang STDs, lalo nasa mga taong may high risk behavior gaya nang pakikipagtalik sa mga prostitute, pakikipagtalik sa kapwa lalaki (Men having sex with Men o MSM), at iba pa. Kapag kabilang ka dito, magandang magpasuri rin sa doktor sa ibang mga STDs gaya ng HIV/AIDS.

Paano nga pala maiiwasan ang tulo o gonorrhea? Ang pinaka-mabuti parin ay ang pagiging matapat sa asawa, o kaya pag-iwas sa pakikipagtalik (abstinence). Ang paggamit ng condom (safe sex) ay makakaiwas rin sa tulo o gonorrhea, ngunit hindi ito 100% na sigurado sapagkat maaari ring makuha ay gonorrhea sa pakikipaghalikan o kaya oral sex.

Para sa alternatibong kalunasan sa problemang ito, kailangan mag-blender ng 100 grams Fresh Malunggay Leaves, 100 grams Fresh Sweet (Camote) Potato Tops, 100 grams Saluyot Leaves, 100 grams, 100 grams Fresh Young Native Papaya Leaves with stem, 100 grams Ripe Lakatan (Banana), 100 grams Kinchay, 100 grams chopped ginger, 100 grams chopped fresh ampalaya fruit, 200 ml Fresh matured coconut juice at haluan mo ng 500 grams ng 100% pure Honey... Uminom ng 1 tablespoonful 30 minutes bago mag breakfast, 2 tablespoonful 30 minutes bago mag lunch, 1 tablespoonful 30 minutes bago mag dinner at 2 tablespoonful 5 minutes before bedtime. Gawin ang pag-inom sa loob ng 14 araw kahit nakaranas na ng paggaling. Tapusin ang alternatibong panlunas.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie