Payong makaluma, pero hanggang ngayon ay epektibo at talagang...

Payong makaluma, pero hanggang ngayon ay epektibo at talagang di pa rin kumukupas ang bisa.

Sa panahon ngayon na halos lahat ng mga remedyo na ipinapayo ng mga doktor ay may halong negosyo, di tayo nakakasigurado kung siguradong epektibo bukod sa napakamahal ang presyo. Tulad halimbawa ng sakit na KANSER SA LALAMUNAN na napakauso ngayon sa ibang bansa. Maraming mga naooperahan at namamatay dahil ang mga naging biktima ay hindi naman napayuhan ng husto kung papaano ito maiwasan pagkatapos mabigyan ng mga mamahalin na gamot.

Ano nga ba naman ang ipapayo ng mga doktor ngayon eh, masyado naman silang tiwala sa siyensya at binale wala na ang mga makalumang payo ng ating mga ninuno na talaga namang batay din sa kanilang mga karanasan, na kung tutuusin ay isang klase din ng agham dahil maraming eksperimento din ang ginawa (sa pamamagitan ng obserbasyon sa mga resulta ng kanilang mga ginagawa gaya sa kalusugan) bagaman walang tala o rekord na ginawa.

Isa dito ay ang kung papaano maiwasan ang sorethroat o sakit sa lalamunan na kadalasan, pag hindi maagapan o hindi mag-iingat ang tao ay nagreresulta sa “THROAT CANCER” o KANSER SA LALAMUNAN.

Malamig na inumin: Sanhi ng KANSER SA LALAMUNAN

Ano ba ang mangyayari kung uminom ng malamig kapag galing sa mainit?

Kapag galing ka sa mainit at uminom ka agad ng malamig na tubig, ang resulta ay mas lalo kang mauuhaw at gusto mong uminom ulit at ito ay paulit-ulit dahil hindi napapawi ang pagkauhaw. Ang kadalasang resulta nito ay ang pagkabusog o Bloating sa englis na dimo maipaliwanag kung ano ang nararamdaman. Ang tawag dito sa ating mga pinoy ay SINISIKMURA o nalamigan.

Pangalawang hindi magandang resulta ng pag-inom ng mga malamig na malamig na inumin kapag galing sa mainit o kaya’y pagod, ay ang pagkasira ng LALAMUNAN. Kapag di natin ikontrol ang sarili natin na uminom ng mga malalamig ay palagi rin matatamaan ang ating lalamunan at sa kalaunan ay nagreresulta sa pamamaga at pananakit na pwedeng maging sanhi ng sakit na KANSER SA LALAMUNAN(THROAT CANCER)

Mga Payo ko sa pag-alaga ng lalamunan

Kadalasan, kapag ang isang tao ay nauuhaw ay gusto niyang uminom ng malamig na malamig na tubig o sa ngayon ay ang pag-inom ng mga kola. Ang ugaling ito ang mahigpit na ipinagbawal sa akin ng aking nanay noong bata pa ako dahil ayon sa kanya ay hindi maganda sa lalamunan at sa katawan. (Eto ay natutunan din nya sa kanyang ina noong sila ay bata pa na nagtatrabaho sa bukid sa kasagsagan ng mainit na araw)

Ang payo nya ay kapag galing kami sa init at nauuhaw, mas mainam na uminom ka ng mainit na tsa’a o TEA, o mainit na tubig para maiwasan ang pagkapasma (Biglang pagkakasakit at kung minsan daliang pagkamatay ng tao), o kaya ay ang pamamaga ng lalamunan o sorethroat. Kadalasan ay namamaus o nawawala ang boses, at pag namaga ay nagreresulta sa pagkainpeksyon ng lalamunan na bumabagsak sa KANSER kung hindi maalagaan.

Paano nila ito alam?

Ang tao ay binigyan ng MAYKAPAL ng sariling talino na sa pamamagitan lamang ng paulit-ulit at mataimtim na obserbasyon sa isang pangyayari ay nalalaman nya ang dahilan at mga bunga. Sa modernong panahon ay binigyan lang ng moderno din na pangalan kaya binabalewala ang ang mga kaalaman ng mga naunang tao noong unang panahon.

Eto ay mga simpleng bagay lamang pero hindi alam ng ating kababayan.

PAALALA

Sa ngayon ay maraming nagkakasakit ng kanser sa lalamunan kasabay ng pagiging madalian na lamang kasing buksan ang ref na palamigan ng inumin. Maliban sa kanser na mapapala ng tao ay malaking pinansyal ang gagastusin para magamot lamang.

Pero, kapag sundin ang simpleng payo na eto, ay magiging malusog ka na makakatipid ka pa sa gastusin.

Mahirap paniwalaan pero payo yan na sa ngayon ay namamatay na dahil mga matatanda ngayon ay di na iginagalang ang kanilang mga kaalaman.

At kung gustong patunayan, madali lamang... obserbahan ang reaksyon ng katawan sa sunodsunod na pag-inom ng malamig. At kung kayo ay may kanser na sa lalamunan iisa rin ang aking pinpayo ang pag inum ng green tea at goose grass o paragis ay na kakapag paliit ng kanser o tumor, inillaga ito ng isang litrong tubig at isang bugkos ng kamay pag ito ay inyong iinumin gawing mayat maya lalo na sa may kanser sa lalamunan. Wag matakot ito ay walang side effect. Kung kayo naman ay nahihirapan inumin maari ninyong haluan gaya ng juice na prutas pero hindi concetrate dahil yon ay may asukal na hindi dapat inumin ng kanser patient,dapat at prutas na ginawang juice mas maganda kung ito ay strawberry,green apple. Para masaya naman itong inumin dapat itong gawin natin paulit ulit hangang kayo ay gumaling. Ito ay hindi nabibili nabubunot lang sa daàn.

https://www.facebook.com/pagkainathalamansamaysakit/posts/323040871482883

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie