Part 4 (ORASYON) TITLE: GREEN LIGHT AUTHOR: EMMZZ

Part 4

(ORASYON)

TITLE: GREEN LIGHT

AUTHOR: EMMZZ

Sa pagpapatuloy

Nagtipon lahat ng hapon at nag umpisa na sila ng kanilang flag ceremony. At sa kalagitnaan ng flag ceremony ay may biglang namoon ingay na sumabog na maraming Granada na nagmula kina Gabriel sa kaliwa at sa Kanan naman kina algor. Maraming hapon ang namatay kaagad at Yung iba naka gawa pang pumasok sa mga bahay na gawa sa kawayan halos kaunti nlang ang buhay na mga hapon at pinasok ito Nina Gabriel. Gabriel: tra na sugud at patayin lahat Algor: sugod!!! Ubusin ang mga hapon!!! Nauna Sina algor sa pag sugod sa loob pinasok nila lahat ng sulok ng bahay na kawayan maging sa ilalim na bahay ay hinaloghog nila at kapag may hapon sila na makita pinapatay na nila ang mga ito Samantalang Sina Gabriel at ang ibang sumama sa kanya a sumogod papasok din ng biglang may isang putok ng baril na nag mula sa loob ng bahay na kawayan at tinamaan si max sa kanyang dibdib nito sa galit ni Gabriel ay pinasok nya ang hapon sa loob at pinugutan nya ito ng ulo. Habang si max ay inalalayan ng mga kasamahan nila. Max: di ko akalain na Hanggang dito nalang siguro ako pre. oho oho.paubo ubo pa ito Gabriel: wag ka mag salita ng ganyan pre mabubuhay kapa Habang naiiyak si Gabriel Naubos nga nila ang kalaban pero ilan sa kanila my namatay din.at ayaw ni Gabriel na mamatay dito sa panahon na ito ang kaibigan nya ay binuhat nila ito Gabriel: kunin nyu lahat ng mapapakinabangan natin at dalhan.kinuha naman nila iyon lhat mga baril bala mga alahas at saka Japan yen na mga pera Sako Sako ang dami ng mga papel na Japan yen na pera. Dinala nila ito sa kanilang kuta na tago.at saka doon nila iyon paghahati hatian lahat. Algor: salamat sa tulong mo kaibigan Gabriel dahil sa talino mo ay nagawa natin maubos ang mga hapon na sa kuta nila. Gabriel: Walang ano man yun. At nakaksiguro ako malalaman iyon ng ibang mga hapon na nasa ibang lugar at gaganti ang nga yun. Algor: alam ko na yan Gabriel wag ka mag alala nakahanda kami lahat dito mamatay para ipangtanggol ang aming karapatan ang aming bayan. Di kami Basta Basta susuko. Gabriel: ah pano nga ba kunin ko na Yung parte namin sa pera na nakuha natin para mapagamot namin si max. Algor: ah Sige ito ang parte nyu Gabriel hatiin nyu nlang dalawang sakong Japan yen yan. At Teka san mo ipapagamot ang kaibigan mo e malayo hospital dito? Gabriel maghahanap ako ng praan. Sige pano alis na muna kami at pupuntahan namin si eleonor pangako babalik ako dito. Tinungo nila ang kweba na kung saan sila pumasok. At nakita ang green light na nagdala sa kanila sa taong ito. Tinulungan nilang dalawa ni Alexis na bugatin si max dahil dito makagalaw sa sugat sa kanang dibdib na tumagos pa ang bala sa likod nya. Samantala hapon na nang makarating sila sa kweba. At pumasok silang tatlo. Mukhang gagabihin na tayo ah bukas nlang tayo pumunta ng bayan para makahanap ng hospital. Wika pa ni Alexis. Gabriel: oh sige magpahinga muna tayo dito sa kweba. Ayus lang ba sayo max.? At tumango lang si max. Bandang 11:40 ng gabi ng magising si Gabriel sa liwanag na nagmumula sa loob ng kweba na kung saan nagpapahinga sila at ginising nya si alexis. Gabriel; Alexis Alexis. Gising hoy gising. At nagising si alexis. Alexis: ano ba yun pre antok ako ee. Gabriel: nakikita mo ba nagliliwanag na naman ang kweba. Alexis: oo nga ah.mukhang san naman kaya tayo dadlhing siglo ng kweba na ito? Gabriel: hindi papano ngayon to my sugat si max. Tara labas tayu dito Alexis: sandali buhatin natin si max. Gabriel: Sige. Sa pagbuhat nila kay max ay nagising ito kaya nag sigaw ng aray ang sugat ko masakit. Binitawan naman ito Nina gabriel at sabi. Gabriel: max kaylangan natin makalabas ng kweba na to mukhang dadalhin na naman tayo sa kung saan siglo nito. Max: ha ano hindi pwede.tra labas tayu. Paika ika ito na inalalayan ng dalawa. Ng madapa ito. Max: aray sandali madapa ako. Gabriel: pano ba to unti unti na nawawala ang liwanag na berde mula dito sa loob ng kweba.. Max: tanggapin nalang natin kung saan mag siglo tayo nito dadalhin.ag kung mamatay man ako ikakasaya ko yun mga pre dahil nakasama ko parin kayo. At tuluyun na nga nawala ang liwanag sa kweba. Alexis: nakuh nakuh. Nawala na ang liwanag sa kweba. Nasa iba na siguro tayong siglo. Gabriel: hays ah Sige matulog nlang ulit tayo dito at malalaman natin yan bukas ng umaga. Kung nasaan man tayo. At matulog na sila. Nang nag umaga na nagising una si alexis: lumabas ito sa kweba at nag sisigaw kaya naman nagising din Sina Gabriel at max sa ingay nya. Alexis: yes yes yes. Hahaha nakavalik na tayo nakabalik na tayo Sigaw pa nito Gabriel: bakit ang ingay mo anong nakabalik? At laking gulat ni Gabriel ng nakita ang mga kulungan at mga itik sa labas. Gabriel: pano nangyari to nananaginip lang ba Tayo? Di si Gabriel makapaniwala na naka balik na sila sa year 2014 at inalalayan nila si max na makalabas sa kweba at dinala nila ito sa hospital. Ng nasa hospital na si max ay agad naman natahi ang kanyang sugat sa dibdib. At si alexis ang nagbabantay dun sa kanya dahil nagpaalam si Gabriel na may pupuntahan ang di ila alam babalik si Gabriel sa kweba dahil gusto nito makita ulit si eleonor. At bumalik nga si ga briel sa kweba bandang 11:45 ng gabi ng lumiwanag muli ang kweba at alam na nya na pag gising nito bukas ay babalik naman sya sa nakaraan kung saan nag simula ang world war 2. Nung nag umaga na hinanap ni Gabriel si eleonor at masayang masaya ito na nakita Niya ito ulit. Gabriel: eleonor hahaha. Biglang yumakap ito sa dalaga. Mabuti at di kayu nadakip dito ng mga hapon wala bang dumadaan na hapon dito.? Eleonor: meron parin pero nagtatago kami sa baba ng batis sa mga natauhan para di nila kami makita. Gabriel: ah sorry ha kung nayakap kita. Eleonor: ok lang Gabriel. Gabriel ah eleonor may ibibigay sana ako Sayo. Eleonor ano yan gabriel? Takang Tanong ni eleonor. Gabriel: pwede ba tumalikod ka at pumikit eleonor? Eleonor: ah ha? Ah Sige Gabriel: ito ang ibibigay ko sayo. Binigay ni Gabriel ang kanyang kwintas na may naka ulit na pangalan nya. Gabriel: idilat mo ang iyong mga mata eleonor Eleonor: ha bakit mo ibinigay sa akin ang kwintas mo Gabriel? Gabriel: ah gusto ko lang kasi malaman mo eleonor na mahal kita at aalis muna ako at babalik ako para pakasalan ka eleonor. Ang kwintas Nayan ang Tanda ng aking pag ibig sayo. Ingatan mong mabuti yan eleonor. At pangako babalik ako. Eleonor: mahal din kita Gabriel at unang kita ko plang sayo may naramdaman na ako lalo pa nung hinawakan mo kamay ko. At Teka san ka ba pupunta Gabriel? Gabriel; mahirap ipaliwanag eleonor alam ko di ka maniniwala pag sinabi ko. Eleonor: ano ba yan Sabihin mo Gabriel Gabriel: eleonor kasi alam mo nagmula ako sa hinaharap. At bumalik ako sa siglong ito. Na na kapanahonan pa ng aking lolo at Lola ito. Eleonor: haha hahaha nagpapatawa ka ba Gabriel haha pano mangyayari yan? Gabriel: mahirap ipaliwanag eleonor pero totoo ito sa kweba ako nang galing. Eleonor: kweba? Haha ano ka ba aswang? Haha Gabriel: hindi eleonor pero aalis muna ako at pangako pag balik ko pakakasalan kita at ingatan mong mabuti ang kwintas ko. Naguguluhan na di makapaniwala si eleonor sa narinig mula kay Gabriel. At bumalik na si Gabriel sa loob ng kweba nag aantay na gumabi at muling lalabas ang green light para makabalik na ito sa kasalukuyan. At 11: 45 ng gabi nag umpisa na ang liwanag sa loob ng kweba at matapos ito12:00 ng hating gabi. Alam ni Gabriel na andito na sya sa kasalukuyan sa taong 2014 Ng umaga na lumabas na ito sa kweba para kumain at pumunta sa hospital para bisitahin si max kung ok na ba ito. Pag dating nya sa hospital ay tinanong agad sya ni Alexis Alexis: oh Gabriel buti andito kana gutom na ako may pagkain ka bang dala jan? Gabriel sa bag kunin mo may adobo ako jan na niluto kanina. At sandali aalis muna ako para ipag palit ang pera ng hapon na parte natin. Alexis: oh sige pre ng mahati na natin yun para yumaman na tayo.at makalabas na dito si max kasi ok naman daw lumabas na sabi ng doctor di naman daw malubha ang sugat nya.at maaring bukas sa makalawa ay pwede na Syang lumabas. Gabriel: ah Buti naman kung ganon. Sige pahinga ka Muna jan max ha at babalik pa tayu dun sa mga hapon hehe. At natawa naman si max. Umalis si Gabriel at pinag palit ang mga Japan yen at hinati nila ito nagkakahalaga ang lahat ng 25 million pesos. Kaya tuwang tuwa Naman ang magkaibigan. At bumili si alexis at Gabriel ng pangarap nilang kotse. Ang ang dating kulungan ng itik ay pinaayos nila at pina semento ng pa hagdan hagdan paakyat papunta sa kweba. Naisip ni Gabriel na kung sa nakaraan nakilala nya si Eleanor e bakit sa panahon nila bakit di nya ito hanapin. At Walang ano mang umalis si Gabriel at hinanap kung nasaan ang tunay na eleonor na nakilala nya sa nakaraan ng pumasok sila sa kweba. Di nag dalawang isip na hanapin ito ni Gabriel kahit Walang kasiguruhan kung buhay ba ito o patay na kung totoo ba ang sa nakaraan nya oh hindi. Gusto nya ito tuklasin. Ay sa matiyaga nyang paghahanap ay nahanap nya ito. Pumunta sya sa bayan ng la Carlota negros dahil dun ang guro ng mga tao na napagtanongan nya na mga kapwa din matatanda. Pag dating nya sa lugar nakita nya ang isang babae. Gabriel; eleonor? Humarap ang babae Missy: po? Kilala nyu po ang Lola ko? Gabriel: ah ho oo kamukha mo kasi si eleonor. Missy; ah Lola ko po si eleonor at Nandun sya sa loob sa loob ng kabaong. Gabriel: ah ho kabaong? Di makapagsalita si Gabriel ng maayos dahil sa nakita at narinig Missy: ako po si Missy ginoo at app po ako ni lola eleonor sino po ba kayo? Gabriel; ah ako si Gabriel; pwede ko ba makita sa kabaong si eleonor? Missy ah Sige po pasok po kayo ka. Ah ka ano ano nyu ba si lola at bakit nyu sa Kilala. Gabriel; ah nagkakilala kami sa nakaraan Missy; ha? Nakaraan? Ee papano ee matanda na lola ko at kayo ay bata pa. Ay ilang taon na po ba kayo sir Gabriel? Gabriel; nakuh Gabriel nalang 24 na ako at ikaw naman ilang taon kana? Missy: ah 23 po ako at teacher ako at nagtuturo ako sa bayan. Gabriel: ah ganon ba buti naman. Missy; matanong ko lang pano mo nakilala si lola. At Gabriel pangalan mo lagi samin ni lola eleonor nakikwento si Gabriel na kanyang iniibig at hinihintay a Kaya nga di sya nag asawa ee. Gabriel: ha? E pano ka nya naging ap0? Missy: ah apo kasi ako ni lola pilar at dahil kapatid Siya ni lola pilar ay lola narin tawag ko kay lola eleonor. Gabriel: ah ganon ba. Ah miss pwede nyu po ba makuha ang kwintas ko sa leeg ng lola eleonor mo? Missy; ha?? Kwintas nakita ko meron sya kwintas. Pero sayo ba yun? Gabriel; oo akin yun kunin mo at tingnan andun pangalan ko. Di makapaniwala si Missy ng kinuha nila ang kwintas sa leeg ni eleonor dahil totoo nga nka ulit dito ang pangalan na Gabriel. Takang taka si Missy kung bakit nasa lola eleonor nya ang kwintas ni Gabriel samantalang matanda na at patay na lola nya samantalang si Gabriel ay kasing edad lang nya. Gabriel: oh nakita mo pangalan ko sa kwintas? Missy: ah oo pero bakit papano nangyari.? Gabriel: mahirap ipaliwanag kung sasabihin ko sayo ang totoo di ka maniniwala pero kung gusto malaman talagA ang totoo pwede ka sumama sakin para ikaw Mismo ang maka saksi. Ito yung calling card ko tawagan mo ako kung ano pasya mo. O pano alis na ako. At umalis na si Gabriel habang si Missy naman ay nagtataka parin sa lahat ng nangyari. Kinuha nya ang calling card ni Gabriel at tinago ito. Missy; huh totoo ba ito oh panaginip pero pano nangyari na ang kwintas ni Gabriel ay nasa kay lola? Yun ang mga tanong sa isip nya. Samantala naka uwi na si Gabriel gabi na sya dumating pumunta sya sa kweba para makabalik kay eleonor pero dumating ang 11:45 ay wala Syang nakita na green light nagtaka si Gabriel hinintay nya ito pero Hanggang umaga ay wala parin. Nalungkot si Gabriel kasi di na nya siguro makikita si eleonor. Makalipas ang isang taon marami ng negosyo Sina Gabriel max at Alexis. Kapwa busy ang mga ito naisipan nila pumunta sa kweba november 7 kasi naalala nila na yun date kung saan nagpapakita ah green light sa loob ng kweba. At nagtatapos ito ng November 14 7 days lang ang tinatagal ng liwanag at pagka tapos nito ay sa sa susunod na taon na naman ito lumalabas kaya naisipan nila pumunta. Ng bigla my tumawag kay Gabriel unknown number. Sinagot nya ito at babae ang nagsalita at nagpakilala na sya si Missy. Missy: ah Gabriel pwede ba tayong magkita naguguluhan talagA kasi ako ee gusto ko malaman ang Toto o tungkol kay lola eleonor ko. Gabriel: Sige saan ba Missy dito sa mall ngayun din Gabriel: ah Sige wait pupunta ako jan. At pinuntahan Nina gabriel si Missy. Pag dating sa mall Laking gulat ni max at Alexis nang makita ito sabay sabi. Eleonor?? Ikaw?? Gabriel: haha di si eleonor yan si Missy yan apo nya magkamukha lang. Missy: hehe Kilala nyu din ba lola ko? Max: abay panong hindi ee dun kami nang Galing sa nakaraan. Kung saan dalaga pa sya. Missy: ha? Ibig Sabihin buhay pa lola ko sa nakaraan at totoo mga sinasabi ni Gabriel sakin noon? Alexis: abay Malay ko nagkita na pla kayu ni Gabriel pero totoo yan at ngayung gabi nga sana bakal namin bumalik ulit doon. Missy: ah ganon ba pwede ba ako sa Inyo sumama gusto ko kasi makita ang namayapa kong lola sabay iyak pa nito. Dahil sa totoo lang mahal na mahal ni Missy ang Lola eleonor nya nung buhay pa ito. At sumang ayon naman ang tatlo na isama si Missy sa kweba. Nang makarating na sila ay di nila alam na sinundan Pala sila ng mga rebelde na magnanakaw. Balak nila holdapin si Gabriel. Dahil dinig nila na bigla itong yumaman dahil umano naka kuha sila ng ginto sa hukay. Nasa loob na ng kweba Sina Gabriel max Alexis at si Missy may dala silang mga pagkain mga damit delata mga kape sabon at kung ano pa. Kasama din mga binili Nina max at Gabriel na mga baril at mga bala. Bandang 11:30 pinasok sila sa loob ng kweba ng higit dalawampong mga lalaki na mga rebelde. Ben: wag kayung kikilos o baka sabog mga ulo nyu. Si Ben ang namumuno sa kanilang grupo. Gabriel: wag nyu kami saktan kunin nyu lahat ng gusto nyo at kung pera kahit ilan ibibigay ko basta wag nyu lang kami papatayin. Ben: aba ok yan kung ganon hehe. At sinuntok si Gabriel sa ulo at natumba ito. Max: ano ba kaylangan nyu bat nyu kami kaylangan saktan ibibigay naman namin lahat ng gusto nyu ah. Bandang 11:45 biglang lumabas ang liwanag sa loob ng kweba na ikinagulat naman Nina Ben at mga kasamahan nya. Ben: Anong kaguluhan to nangyayari siguro mga majikero kayo no? Alexis: hindi kami majikero at umalis na kayu dahil pag nawala ang liwanag na yan sama sama tayu na babalik sa nakaraan. Ben: pmo sabay suntok kay alexis. Ano ba pinag sasabihin nyu di kami aalis dito ng di namin nakukuha gusto namin. At bandang 12:00 nawala na ang liwanag. Alexis; wala na andito na kayo sa nakaraan kung saan nag simula ang world war 2 at meron nang mga hapon na makikita kayo. Ben: hahaha akala mo ba mabibilog mo ang ulo ko. Hindi at mga sinasabi mong yan lahat kabaliwan. Missy: Gabriel ok ka lang ba masakit ba? Andito na ba tayu sa sinasabi nyu na makikita ko si lola eleonor? Gabriel: oo andito na tayo. Ben; Anong pinag uusapan nyong dalawa ha tingin nyu makakatakas kayu hahaha hindi ko kayu pakakawalan. Men ilabas nyu mga karton na may laman na mga damit at pagkain kaylangan natin ang mga yan. At binuhat ito ng mga kasamahan nya. Ng biglang sumigaw ang isa na namilipit sa sakit. Ben: Anong nangyari ha Tauhan 1: si boknoy po boss nabali ang binti siguro dahil natapilok sya kasi nawala bigla ang sementong hagdan ee. Ben: hehehe. Nak Nam... Panu nawala yun? Tauhan 1: ewan ko boss ee bigla nawala ee. Ben: huh kayung apat kayu siguro may gawa nito noh. Sabay guro kina Gabriel Alexis max at miss.

Abangan ang part 5kain muna ako guys

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie