Para sa tag init...

Para sa tag init.. uso na naman ang singkamas. Kayo po ba ay diabetic patient kung ganoon alam ninyo ba na ang katas ng singkamas ay insulin. Napakainam po nito. Kung ang inyong anak ay may bungang araw balatan lang po at hiwain ng manipis at ikakas sa bahagi ng may bungang araw at sagana sa bitamina.

SINGKAMAS BILANG HALAMANG GAMOT Scientific name: Pachyrhizus erosus L. Urban; Pachyrhizus angulatus Rich.; Pachyrhizus jicamas Blanco Common name: Singkamas (Tagalog); Potato Bean, Jimaca (Ingles) Ang singkamas ay isang uri ng bungang-ugat na karaniwang nakikita sa mga pamilihan sa Pilipinas. Ang halaman nito ay gumagapang, at may bunga na kahalintulad ng bataw (legumes). Ang mga bulaklak naman ay maaaring kulay asul o puti, habang ang mga dahon ay maliit lang ngunit palapad. Ang bungang-ugat na karaniwang kinokonsumo ay bilugan at may makatas at maputing laman. Karaniwan itong tumutubo sa mabababang lugar at mga paanan ng bundok at orihinal na nagmula sa Timog-Amerika. ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SINGKAMAS? Ang iba’t ibang bahagi ng singkamas ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang bungang ugat ay mayaman sa carbohydrates. Mayroon din itong mga mineral na calcium at iron. Ang mga buto ay may talgay din na calcium at iron. ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO? Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot: Ugat. Ang bungang ugat ng halaman ay karaniwang nilalaga at pinapainom sa may sakit. Maaari din itong kainin lamang nang hindi niluluto. Tangkay. Ang malalambot na tangkay ng halaman ay maaari namang dikdikin ay ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SINGKAMAS?

  1. Hirap sa pag-ihi. Ang pinaglagaan ng bungang ugat ng singkamas ay mahusay na panlunas sa hirap sa pag-ihi.
  2. Pananakit ng kalamnan. Ang dinikdik na tangkay ng singkamas ay maaari namang ipantapal sa nananakit kalamnan sa katawan.
  3. Hirap sa pagdumi. Ang mga pagkain sa buto at mismong bungang ugat ng singkamas ay makatutulong sa kondsiyon ng pagtitibi o hirap sa pagdumi.
  4. Osteoporosis. Ang pagkain nang regular sa bungang ugat ng singkamas na mayaman sa calcium ay makatutulong sa kondisyon ng osteoporosis sa mga matatanda.
  5. Bungang araw. Ang starch o gawgaw na maaaring makuha sa katas ng ugat ng singkamas ay mabisang ipanlagay sa balat na apektado ng bungang araw.

Health benefits of Jicama Jicama is one of the very low-calorie root vegetables; carrying only 35 calories per 100 g. However, its high-quality phyto-nutrition profile comprises of dietary fiber, and antioxidants, in addition to small proportions of minerals, and vitamins. It is one of the finest sources of dietary fiber; particularly excellent source of oligofructose inulin, a soluble dietary fiber. The root pulp provides 4.9 mg or 13% of fiber. Inulin is a zero calorie sweet inert carbohydrate. It does not undergo metabolism inside the human body which makes jicama an ideal sweet snack for diabetics and dieters. As in turnips, fresh yam bean tubers are also rich in vitamin-C; provide about 20.2 mg or 34% of DRA of vitamin-C per 100 g. Vitamin-C is a powerful water soluble antioxidant that helps body scavenge harmful free radicals, thereby offers protection from cancers, inflammation and viral cough and cold. It also contains small levels of some of the valuable B-complex group of vitamins such as folates, riboflavin, pyridoxine, pantothenic acid and thiamin. Further, the root provides healthy amounts of some of the essential minerals like magnesium, copper, iron and manganese.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie