Pangwelcome ulit sa mga new members na'tin! Nasa 80,000 Members...

Pangwelcome ulit sa mga new members na'tin!

Nasa 80,000 Members na tayo at bukod sa mga tips, alam ko kakailangan niyo itong munting inspirasyon na natanggap ko ngayong umaga lang.

SOBRANG BONGGA NI MOTHER!!!

Dating Ukay-ukay Seller ngayon ay working from home na. Kinikita niya na ngayon sa 1 week niya ang dating pang isang buwan.

Sobrang naiiyak ako kasi ito talaga yung mga messages na nakakapagpabuhay sa akin. Alam ko sobrang dami ng problema ng Pilipinas ngayon, idagdag pa ang darating na Bagyo, pero mga Momshies, kapit lang, laban lang.

Ipopost ko ulit sa comment section 'yung post na sinasabi ni Mommy na nabasa niya para matuloy tuloy niya ang paghahanap ng Online Job.

Lahat na ng mga kailangan niyong malaman, available na, kailagan nalang paglaanan ng oras para mahimay himay.

Marami kaming tutulong sa inyo dito, pero kailangan niyo ring tulungan mga sarili niyo.

Tulong tulong lang tayo mga inay! ?

By the way pala, merong kaming GOLDEN RULE sa group to keep the positive vibes. Bawal makipagaway at magmaldita. Kung matutulungan rin kayo ng group, kailangan niyong maipasa ang blessings. Either give back to the community, help a mommy member or your mommy friend.

OUR TAGLINE:

Moving Forward, Giving Back. ???

Kapag may mga questions kayo, comment down.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie