Paksiw na tilapia 1 kilo Tilapia Oman ?? ? arabong tilapia...

Paksiw na tilapia 1 kilo Tilapia Oman ?? ? arabong tilapia ? 1 piraso sibuyas na pula (malaking size) 3 butil ng bawang (malaking size) hiwain ng maliliit Luya (mas malaki sa size ng posporo) hiwain ng strip ½ kutsarita ng crack na paminta 1kutsara ng mantika 4piraso siling pamaksiw 2 1/2 tasa ng Datu Puti na suka 1 tasa ng tubig ¾ kutsara ng asin Patis pang timpla

Pamamaraan ng pagluluto

Linisin ang tilapia o kahit na anong isda na gustong i-paksiw.

Sa kawali ilagay ang sibuyas, luya, bawang, paminta (magtira ng kunti para ilagay sa ibabaw ng isda) asin, mantika at 2 piraso ng siling pamaksiw.

Ilagay ang isda sa ibabaw ng mga pinagsama-samang sangkap.

Kapag nailagay na ang isda, ilagay sa ibabaw nito ang itinabing sibuyas, luya, bawang at paminta.

Ilagay ang suka.

Takpan at pakuluan ng mga 5 minuto.

Ilagay ang natitirang siling pamaksiw at tubig.

Timplahan ng patis at takpan ulit at pakuluan ng 5 minuto.

#MANANGBIDAYRECIPE @JENNIFER’S KITCHEN Mangan tayun kakabsat

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie