PAGBABAHAGING KOMENTARYO NI KUYA (No.3 – 4/21/2017) MULA SA...

PAGBABAHAGING KOMENTARYO NI KUYA (No.3 – 4/21/2017) MULA SA KOMENTO Ni: Oliver Somera ([email protected] Member) (Isang paksa na naman ang nasumpungan ni Kuya sa loob ng Forum at ito ang tanong na: “Gud pm po,,kuya ano daw po mbisang halaman gamot s almoranas kc ung kaibigan k, ooperahan daw po,e bka po mgamot p po ng halaman,,,salamat po”. Nais ko pong ibahagi ang aking komentong tugon, upang may dadag impormasyon o kaalaman din po ang ibang myembro sa kondisyong ito? And I Quote: “Ok.. Oliver this is Kuya. Before i proceed, i have to tell some info. regarding sa sakit na almoranas o "hemorrhoids". You know Oliver there are two (2) types of hemorrhoids o almoranas, #1. The internal hemorrhoids (almoranas na nasa loob ). #2. The external hemorrhoids (almoranas na nasa labas). So ano sa dalawang uri nito ang sa kaibigan mo? Ok para lumalim pa ang kaalaman mo sa kondisyon na ito ibabahagi ko kung ano ang puno nito! Ang almoranas o 'hemorrhoids' ay isa lamang sa mga problemang komplikasyon ng ugat o veins! Sa kondisyong ng iyong kaibigan ang veins o mga ugat sa puwet ay namaga o lumalaki ng higit sa normal. Ito ay hindi pangkaraniwang kundisyon ng ating ugat o veins kapag may pwersa o "pressure". Walang pinagkaiba ito sa mekanismo ng kondisyong "varicose veins". May pamamaga ng mga ugat (veins). Ano ba ang ugat o veins? Ito ay ang ugat na dinadaluyan ng dugo na walang oxygen o dugo na pabalik sa puso upang may mai-pump ulit ang puso na dugo na pang-supply sa katawan. May isang ugat na tinatawag na artery, ito ay ang ugat na dinadaluyan ng may oxygen na dugo na pang-supply sa buong katawan. Ang pagkaka-iba ng dalawa ay ang artery ay may matibay na wall o ding ding ng ugat at ang vein ay mahina kaya madali itong lumalaki at nasisisra o pumutok. Ngayon Oliver bakit namamaga ang ugat o veins? May posibilidad na maaaring may naipit na malaking ugat sa parte ng tiyan na may dalang dugo pabalik sa puso at ang malaking bitukang loaded ng tae na hindi naiilabas dahil sa kakulangan sa fiber nakakapipi sa ugat sa tiyan kapag ito ay laging puno at 'di naiilabas., ang mga malalaki ang tiyan isang dahilan din ito upang magkaroon ng pressure ang mga veins dahil sa maaaring pagkaipit din. Ang iba pang dahilan ay ang pagbabara ng ugat sa ibat-ibang parte ng katawan dahil sa parasites, toxins, at ibang subtances na nakakabara dito? At isa na dito ang pagtaas ng asukal sa dugo ito ay mabilis nakakabara, dahil ito ay pagkain ng mga parasites, kapag ito ay pinagpyestahan ng parasites sa dugo ito ay magiging dahil ng pagbabara at ang dugo ay hindi na makakadaloy at magkakaroon na ng pressure sa ugat at dito na magsisimulang magsilakihan o magalit ang mga ugat at maaari na ring tumaas ang presyon (hypertension) o bumaba (hypotension). So ngayon Oliver naimagine mo na ba na ganito kalawak ang maaaring ibigay na komplikasyon ng ating ugat o veins kapag may problema dito? At ito ay maaaring maganap lamang kung tayo ay magpapabaya o hindi batid ang kondisyon ng ating pangangatawan. Ok.. dahil ang kaibigan mo ay nasa ganitong kondisyon? Mainam na prebensyon ang umiwas sa mga maaaring mag-trigger o risk factor na tinatawag sa almoranas na kondisyon gaya ng mga sumusunod: Umiwas sa mga mamantikang pagkain, limitahan ang asukal o matatamis na pagkain, kumain ng mga pagkain mataas sa fiber,pagkain ng maaalat nakaka cause ito ng water retention sa ating katawan at kadahilanan mag bigay pressure din ito sa ugat, pagsuot ng masisikip na pang ibaba na nakakapigil ng magandang pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat, magpamasahe o mag-pahilot paminsan-minsan lalo na sa parteng tiyan upang maging maayos ang daloy ng dugo, this are the preventive measures... Kung sa natural na halamang gamot na pagbabahagi, babahagian kita ng maaari mong ibahagi din sa iyong kaibigan? Mainam ang pinaglagaan ng ugat ng "OKRA". 1 puno ng okra ang ugat nito ay pakuluan sa loob ng 30 minutos, sa 750ml. na tubig, 1-2 baso isang araw ito iinumin after meal. May benipisyong taglay na mga kemikal na palmitic acid, stearic acid, arachidic acid, oleic acid, at linolic acid. Ang bunga naman nito ay may taglay na vitamin C.thiamin, riboflavin, niacin, pantothenic acid, folate, choline, ß-carotene, vitamin A, vitamin E, at vitamin K. mainam din na kumain nito para sa iyong digestive system. Ang "TANGLAD" ay isa ding mainam sa mga may problema sa ugat, ang pagpapakulo nito sa infusion process na 15 minutos na pakukuluan ang 3 buong puno(branch), sa 1 litrong tubig, uminum ng 2-3 beses isang araw after meal. Alin sa dalawa (2) na naibahagi ni Kuya na maaaring makatulong sa iyong kaibigan ay pwede mong pagpilian mo ipag-sabay, into alternate intake procedure... Ngunit pakakatandaan na kailangan ay sundin ng tama ang cycle nito sa loob ng 15 days o higit pa kung kinakailangan sa kondisyon ng iyong kaibigan, at umiwas lalo na sa mga risk factor nito? Maraming Salamat nawa'y nabahagian ni kuya ng isang kapakipakinabang na pagbabahaging halamang kagamutan... God Bless..."

Nawa’y itong pagbabahagi ni Kuya ay mamulat ang bawat isa sa atin kung ano ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa ating kondisyong pisikal at paggamit ng wasto sa larangan ng Natural Na Halamang Pangkagamutan? Maraming Salamat Po & God Bless to all Halamang Gamot @ Sakit Members!

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie