Paano Maiiwasan Ang Mga Masasamang Epekto ng Cholesterol Ipinapaalala...

Paano Maiiwasan Ang Mga Masasamang Epekto ng Cholesterol

Ipinapaalala ng Department of Health lalo na tuwing Philippine Heart Month kada Pebrero na alagaan nating mga Pilipino ang ating kalusugan upang maiwasan ang mga sakit sa puso. Isang paraan upang magkaroon ng malusog na puso ay ang pagkontrol sa cholesterol sa ating katawan.

Walang sintomas ang mataas na cholesterol ngunit ito ay puwedeng magdulot ng mga malalalang sakit tulad ng pananakit ng dibdib, atake sa puso, stroke, diabetes at iba pa. Nangyayari ito kapag sumobra ang trigylcerides at low-density lipoprotein (LDL) cholesterol na maaaring makasagabal sa pagdaloy ng dugo sa katawan. Sundin ang tips na ito para mabawasan ang trigylcerides at LDL cholesterol (bad cholesterol) at mapanatili ang tamang dami ng high-density lipoprotein (HDL) cholesterol (good cholesterol).

Iwasan ang mga Masasamang Bisyo

Limitahan ang pag-inom ng alak lalo na ng beer. Ang sobrang dami nito ay kadalasang nagtataas ng bad cholesterol at triglyceride levels sa katawan. Iwasan o tumigil na rin sa paninigarilyo dahil ang mga carcinogen na laman nito ay magdudulot ng mga komplikasyon sa mga taong may mataas na cholesterol sa katawan.

Magkaroon ng Sapat na Ehersisyo

Masama ang obesity o labis na katabaan para sa iyong cholesterol level. Ang pagkakaroon ng tamang timbang ay nakatutulong sa pagbaba ng bad cholesterol at sa pagtaas ng good cholesterol.

Sikaping mag-ehersisyo ng 30 hanggang 60 minuto araw-araw o depende sa payo ng iyong doktor.

Kumain ng Balanced Diet

Bawasan ang mga high-cholesterol food na maraming saturated at trans fat gaya ng pula ng itlog, mga pagkaing niluto sa vegetable oil, prito at chichirya.

Upang bumaba ang iyong cholesterol level, kumain ng mga pagkaing masagana sa good cholesterol tulad ng mga sumusunod:

Whole grains gaya ng oatmeal at iba pang wheat products

Mga prutas at gulay na mataas ang fiber content gaya ng mansanas, saging, orange, green pea at broccoli

Mga mani gaya ng almond at walnut

Mga pagkaing maraming omega-3 fatty acids gaya ng tuna at flaxseed oil

Para makasigurado sa mga dapat kainin, maaaring kumonsulta sa isang dietician o nutritionist lalo na kung mayroon kang sakit.

Uminom ng mga Supplement at Gamot Kung Kinakailangan

Kung ikaw ay may problema sa iyong kolesterol, maaaring resetahan ka ng doktor ng mga dapat mong inumin para ma-maintain ang normal cholesterol level.

Siguraduhing magtanong muna sa iyong doktor kung ano ang nararapat mong inumin lalo na kung may iba ka pang mga gamot. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang masamang epekto kapag sabay mong ininom ang iyong mga gamot.

Magpatingin sa Iyong Doktor

Kasabay ng pagtanda ay ang pagtaas ng cholesterol sa katawan lalo na sa kababaihan.

Bago mag-menopause, mas mababa ang LDL cholesterol ng mga babae kumpara sa mga lalaking ka-edad nila. Subalit kapag dumating na ang kanilang menopause, nagsisimula nang tumaas ang kanilang cholesterol level.

Dahil dito, mainam na regular na magpa-check up sa doktor para mamonitor ang iyong cholesterol. Para sa accurate na resulta, huwag munang kumain o uminom ng kahit ano maliban sa tubig sa loob ng 9 hanggang 12 na oras bago ka kuhanan ng dugo.

Sa pamamagitan ng mga health tips na ito, maaagapan ang anumang problema sa iyong cholesterol na maaaring humantong sa sakit sa puso. Tandaan: ang isang healthy lifestyle ay hindi lang para sa iyong puso kundi pati na rin sa iyong pangkalahatang kalusugan.

#HealthTips #BadCholesterol #Cholesterol

https://www.facebook.com/notes/ritemed-gusto-mo-bang-gumaling/paano-maiiwasan-ang-mga-masasamang-epekto-ng-cholesterol/821433197983593/

https://www.facebook.com/CoachAgaAmbita111/posts/1531840006873899

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie