October 8, 2018 ang pinaka masayang araw para sa aming pamilya...

October 8, 2018 ang pinaka masayang araw para sa aming pamilya dahil ibinigay sa amin ni God ang aming unang apo na si Baby Drew, ngunit ang mga ngiting yon unti unting napapalitan ng pag aalala at pag kalungkot ng marinig namin ang kanyang kakaibang pag iyak, hindi katulad sa mga normal na iyak na mga bagong silang na bata, tila hinahabol din nya ang paghinga nya, bukod pa dun iba ang kanyang kulay at ang timbang nya isang kilo lamang.

Gang sa sinabihan kami sa lying na kailangan madala ang bata sa hospital dahil sa retraction at na may Pediatric Surgeon.

Nang mailipat na si Baby Drew sa hospital nagkaron ng mga test, na dianosed sya ng "diaphragmatic hernia" makikita sa kanyang x-ray na hindi na developed ang lungs nya dahil lahat ng bituka nya nasa taas ng kaliwang bahagi ng katawan nya at nakapalibot sa kanyang lungs, naging dahilan ito na mapunta ang puso nya sa kanang bahagi ng kanyang katawan kaya kinakailangan syang maoperahan sa lalong madaling panahon - bihira lamang ang may ganitong kaso.

Kaya po kame ay humihingi ng tulong sa inyo sa laban ni Baby Drew.

Tulungan nyo po kame maibigay kay Baby Drew ang pag kakataong masilayan nya ang magandang mundo na ating ginagalawan, bagamat hindi ito perpekto pero karapatan nyang maranasan ang masayang buhay ng normal kasama ng mga mahal nya sa buhay. Lalo na ang mga yakap at matikman nya ang napakasutansyang gatas mula sa kanyang ina, sa ama nyang pwede syang turuan pano sumakay ng bike pag sya ay lumaki laki na gusto din namin madinig ang una nyang salitang babanggitin, unang hakbang at pumasok sa school.

Nakakatuwa at nakakaproud ang APO ko, ngayon palang nakikita ko na ang tapang nya para lumaban sa kanyang buhay. Sabe ng mga doctor 48 hours lang ang itatagal nya at kailangan ng tumawag ng pari para mabinyagan sya dahil napakababa ng oxygen nya sa katawan nya pero paglagpas ng 24 hours unti unti nag babago ang kulay nya sa pangatlong araw nakitaan syan ng doctor na napalaking improvement, tila ba sinasabe nya sakin, dyan lang po kayo magiging okay ako at magiging handa po ako para sa aking operation. Isa syang buhay na patotoo samin na ang Dyos natin ay kayang gumawa ng himala. Kaya sino kami para mawalan ng pag-asa at ipagkait sa kanya ang buhay na nararapat sa kanya.

Sabe samin sa hospital, kailangan kaming mag handa ng isa't kalahating milyon para sa kanyang operation at gamot. Dito satin napaka hirap ng medical assistance kung wala tayong sapat na pera.

Sana po matulungan nyo po kame financial para maisagawa ang operation para kay Baby Drew..

#KMJS #LabanBabyDrew

https://www.facebook.com/helpBabyDrew/posts/1980243518688906

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie