NATURAL MEDICINE MGA PAGKAIN PARA SA MAGANDANG NGIPIN ?Alam...

NATURAL MEDICINE

MGA PAGKAIN PARA SA MAGANDANG NGIPIN

?Alam mo ba ngipin mahalaga Isang mahalagang parte ng mukha ay ang ngipin ngunit madali itong masira dahil ito ang parating ginagamit sa pagnguya. Ang tooth cavity o sira sa ngipin ay puwedeng magkaroon ng abscess o pamamaga na maaaring magkanana. Masakit magkaroon ng impeksyon sa ngipin at maaari nitong maaapektuhan ang ating araw-araw na gawain.

✔Ang tsaa ay may mga kemikal na nakapagpapabagal sa paglaganap ng bacteria na nagiging sanhi ng cavity at sakit sa gilagid. Sinasabing ang pagmumumog ng tsaa sa loob ng isang minuto ay mas mabisa sa pagbabawas ng plaque sa ngipin kumpara sa pagmumog lamang ng tubig. Ang pagmumog din ng tsaa ay nakababawas sa kakayahan ng plaque na kumapit sa ngipin. Ito rin ay maaaring makapagpaalis ng bacteria na nagiging sanhi ng pagkabaho ng hininga.

✔Ang keso ay mabisang paraan para mabawasan ang acid sa bibig na nagpapahina sa ngipin. Mas mabisa na nginunguya ang keso dahil dumadami ang produksyon ng laway sa pagnguya. Makatutulong ito sa pag-alis ng bacteria. Ang keso ay may protina, calcium at iba pang sangkap na nagpapatibay sa enamel o tissue na nagtatanggol sa buong ngipin. Mayaman din ang keso sa calcium na nagpapatibay sa ngipin.

✔ Pasas Ang pasas ay natural na matamis at walang asukal na tumutulong sa bacteria na kumapit sa ngipin na nagiging sanhi ng plaque. Sa pagkain ng pasas, maaaring mabawasan ang paghahanap ng ating katawan sa mga matatamis na pagkain. Ang pasas din ay mayroong sangkap na maaaring pumatay sa bacteria na nagiging sanhi ng cavity at sakit sa gilagid.

✔Mga Pagkaing Malulutong Ang mga pagkaing malulutong tulad ng mansanas, carrot, kintsay at pipino ay kailangang nguyain nang mabuti upang mabaklas ang plaque na dumikit na sa ating ngipin. Ang mga pira-pirasong parte ng ating kinakain ay maaari ring magsilbing walis na naglilinis sa ating ngipin. Ang kintsay naman ay mayaman sa bitamina A at B na nagpapatibay ng gilagid.

✔ Itlog at Isda Ang, itlog at isda ay may mga sangkap na tumutulong sa pagpapalakas ng enamel ng ngipin. Ang mga pagkain at inuming mataas sa acid ay maaaring magdulot ng mga maliliit na crack at butas sa ngipin. Ang mga mineral na calcium at phosphate na matatagpuan sa itlog at isda ay nakapagpapatibay ng ngipin, buto at panga.

✔Madadahong Gulay Hindi maaaring mawala sa listahan ng mga pagkaing dapat kainin ang gulay. Ang mga madadahong gulay ay punong-puno ng bitamina at mineral na nagpapatibay ng katawan. Ang mga gulay na mayaman sa calcium ay dapat kainin sa pagpapatibay ng ngipin. Ang mga madadahong gulay ay puno rin ng folic acid, at bitamina B na nakatutulong magpagaling sa sakit sa gilagid lalong lalo na sa mga buntis.

✔Gatas Ang pag-inom ng isang basong gatas ay mabisa sa pagpapababa ng dami ng acid sa bibig. Ang gatas din ay mayaman sa calcium na nagpapatibay ng ngipin.

✔Pangangalaga sa Ngipin Maliban sa pagkain sa mga nakasulat sa itaas, mahalagang pagtibayin ang depensa ng ngipin laban sa impeksyon sa pamamagitan ng mga sumusunod:

✔Tama at Regular na Pagsisipilyo Marami nang naisulat tungkol sa tamang pagsisipilyo. Hindi dapat mabigat ang kamay kapag nagsisipilyo sapagka’t ito ay maaaring magdulot ng stress sa ngipin at magtanggal sa enamel. Ang mabigat na kamay sa pagsisipilyo ay maaaring magpanipis ng enamel na nagiging sanhi upang madaling kumapit ang mga bacteria.

✔Ang tamang pagsipilyo ay dapat sumunod sa direksyon ng mga ngipin. Pataas-pababa dapat ang direksyon para matanggal ng toothbrush ang mga dumi sa pagitan ng mga ngipin. Paikot-ikot naman para malinis ang ibabaw ng ngipin para maalis ang maaring pagmulan ng mantsa sa ngipin.

✔Gumamit ng Dental Floss at Mouthwash Hindi nakasanayan ng maraming Pilipino ang paggamit ng dental floss o ang manipis na lubid na maaaring ilagay sa pagitan ng ngipin upang alisin ang mga natitirang tinga na hindi abot ng toothbrush.

✔Ang pagmumog ng mouthwash ay makatutulong sa pag-alis ng mga natitirang bacteria sa loob ng bibig na maaaring magdulot ng pagkasira.

✔ Regular na Pagbisita sa Dentista Mahalaga ring ugaliin ang pagbisita sa dentist para sa dental appointment. Mapapaalalahanan tayo kung ano pa ang mga kailangang gawin para mapanatiling malusog ang ating ngipin. Dito rin maaagapan ang mga ngiping nagsisimula nang masira sa pamamagitan ng paglalagay ng pasta (dental fillings). Maaari nitong pigilan ang bacteria na tuluyang sirain ang ngipin at ang mga katabi nito.

✔Alam nating lahat kung gaano kahalaga ang ngipin subalit kadalasan, ito ay hindi nabibigyan ng pansin at karampatang kahalagahan dahil sa kapabayaan.

✔TURUAN MGA BATA KUMAIN NG GULAY AT PRUTAS IWASAN ANG SODA COLA CANDIES NA NAKAKSIRA NG NGIP IN

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie