NATURAL MEDICINE KAHALAGAHAN NG CALCIUM ??????Alam...

NATURAL MEDICINE

KAHALAGAHAN NG CALCIUM

??????Alam mo ba ang calcium ay isang mahalagang uri ng mineral na kinakailagan ng ating katawan. Bukod sa pagpapatibay ng ating mga buto at ngipin, nakatutulong din ito sa maayos na paggana ng ating puso, nerves, at sa proseso ng blood clotting. Ngunit, ang kakulangan naman ng mineral na ito ay nakapagdudulot sa atin ng sakit na osteoporosis o ang pagrupok ng mga buto at rickets o ang paglambot ng buto. Ano ba ang Osteoporosis? Ito ay ang kalagayan kung saan ang ating buto ay unti-unting numinipis at humihina. Ang mga butong apektado ng osteoporosis ay madaling nababali at maaaring magbitak o di kaya ay gumuho. Kadalasan sa mga buto ng gulugod, baywang, tadyang, o sa may bandang pulso nagaganap ang pagkakabali ng mga butong apektado ng osteoporosis.

?Kaya’t mas makabubuting maging mapanuri tayo sa lagay ng ating pangangatawan. Ang pag-inom ng tatlo hanggang apat na cups ng ?kape sa isang araw ay isa sa nagiging sanhi ng pagkawala ng calcium. Pinalulubha rin ito nang mataas na intake ng protein o salt. Ang mga pagkain na may oxalic acid spinach, rhubarb, at chocolate maaari ring mabawasan ang calcium absorption.

?Ang aprubadong dami ng Calcium na kinakailangan ng taong may sapat na gulang sa bawat araw ay 1000 mg o isang gramo. Ngunit ito ay maaaring magbago depende edad at kondisyon ng katawan. Halimbawa, sa mga batang nasa edad na 9-13 taon, kung kailan lumalaki at tumatangkad ang pangangatawan, 1300mg ang rekomendadong dami ng Calcium. Sa mga matatanda naman na karaniwang nakakaranas ng osteoporosis, 1200mg ang rekomendado.

?Kailangan balanse Ang isang taong may sapat na gulang ay maaari lamang kumonsumo ng hanggang 2500mg na calcium. Anumang sobra dito ay maaaring may hindi magandang maidulot. Maaring magkaroon ng constipation o matigas na pagtae, pakiramdam na mabigat sa tiyan o bloated. Nakasasama rin ang calcium sa mga taong may kondisyon na hypercalcemia o ang pagkakaroon ng sobrang calcium sa dugo. Tinuturo din na nakapagpapataas ng posibilidad ng atake sa puso ang sobrang calcium.

??Kulang sa Calcium Ang kakulangan ng Calcium sa katawan ay maaaring magdulot ng panginginig at pamamanhid ng mga daliri, pamumulikat, kombulsyon at abnormal na ritmo ng puso. Kung mapapabayaan, nakamamatay ang kakulangan sa calcium. Maaari din magdulot ng osteoporosis o pagrupok ng buto kung tumagal ang kakulangan ng calcium.

?Sa kabilang banda, may mga pagkain ding mayaman sa mineral na calcium. Gatas at mga produktong gawa dito Ito ay kilalang mayaman sa calcium, protina, Bitamina A, riboflavin o B2, at cobalamin o B12. Ang isang tasa ng gatas ay maaaring maglaman ng hanggang 250 mg na calcium.

?Bukod sa gatas, maaari rin namang kumonsumo ng yoghurt o keso. Ang yoghurt ay semi solid fermented milk product, samantalang ang keso naman na mula rin sa pinrosesong gatas ay nagtataglay ng 330 mg. na calcium. Maging ang ibang dairy products tulad ng ice cream ay nagtataglay din ng calcium. ? Mga produktong soya Ang mga pagkaing nagmumula sa soya tulad ng ✔soya milk, ✔taho, ✔tokwa, at iba pa ay pinagmumulan din ng calcium. Makukuha ang tokwa mula sa buto ng soya, ang kalahating tasa ng tokwa ay nagtataglay ng 253 mg. ng naturang mineral. Hindi lang sa calcium mayaman ang tokwa kundi pati sa iron, zinc, magnesium, B vitamins, omega-3 fatty acids, at fiber.

✔ Mga isdang dagat na nakakain ang buto Maaari ring pagkunan ng calcium ang mga isda tulad ng salmon o tambakol. Malaki rin ang benepisyo ng mga maliliit na uri nito na maaaring kasabay na kainin ang mga buto tulad ng dilis at sardinas, maliliit na mga hipon o alamang.

Tandaan na ang calcium ay nasa buto kaya ang pagkain ng buto ng mga isda ay magbibigay nito sa katawan.

? Nuts at grains Mabisa ring pampatibay ng buto ang nuts at grains. Ilan sa mga ito ang almonds, pistachios, sesame seeds, at sunflower seeds. Ang almond ay nagtataglay ng potassium na nagbibigay din ng proteksyon sa katawan kapag nagkukulang ito sa calcium.

? Berde at madadahong Gulay Ang mga green at leafy vegetables tulad ng ✔malunggay, ✔saluyot,✔ alugbati, mustasa, at ✔broccoli ay nakapagsu-supply din ng calcium sa ating katawan.Hindi lang ang dahon ng malunggay ang punumpuno ng calcium, maging ang ✔prutas nito ay masustansiya at mataas din sa nasabing mineral, pati na sa carbohydrates, iron,

https://www.organicfacts.net/health-benefits/minerals/calcium.htmlfbclid=IwAR09kzve5ZZA8MdhdWwH7agsrrWleUkCoBtyG2Le06IBADOjQjcHqzqGNLw

https://www.facebook.com/groups/583389241866737/permalink/986773358194988/

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie