NATURAL MEDICINE AMAZING ALUGBATI Alugbati Scientific name:...

NATURAL MEDICINE

AMAZING ALUGBATI

Alugbati Scientific name: Basella rubra Linn Isang uri ng halamang baging na may pagkabiyoleta ang kulay ng mga sanga at may mamintog-mintog na mga dahon ang alugbati (Basella rubra Linn.). Isang paboritong sahog sa lutuing gulay, isa rin itong halamang gamot na maaring makagaling sa sari-saring karamdaman.

✔Masustansiya, nagtataglay ang sariwang dahon at sanga ng alugbati ng Basellasaponins A, B, C, at D, oleanane-type triterpenes oligoglycosides, kasama ng betavulgaroside 1, spinacoside C, at momordins IIb at Iic. mayaman din sa calcium at iron ang gulay na ito. Maganda rin itong pagkunan ng bitamina A, B at C.

mahusay na makapagpula ng balat ang ugat ng alugbati. May nakapagsabi ring mainam na gamitin ang dinikdik na sariwang mga dahon para maibsan ang pamamaga ng kalamnan bukod pa sa mabisa diumano itong pamurga.

✔Ang murang dahon nito, ginagamit bilang pampahinog ng pigsa at pampahilom ng mga sugat samantalang ang dagta nito, ginagamit upang maalis ang pagnanaknak ng nahinog na tagihawat at acne.

✔Ang inasukalang katas ng dahon nito, kapag hinaluan diumano ng mantekilya o butter, ay makapagbibigay ng malamig na pakiramdam sa paso at paltos.

✔Mainam na paggamot sa taong may kanser, para rin sa may pigsa o bukol at mga maga sa katawan.

Paraan ✔ maglaga ng mga dahon at inumin tatlong beses maghapon

✔magdikdik ng dahon, itapal sa parteng may pigsa, bukol o namamagang katawan.

Wow Wonder Alugbati ✔Buni. Ang pagpapahid ng malapot na dagta ng dahon at mga sanga ng alugbati ay makatutulong sa masmabilis na pagpapagaling sa buni sa balat.

✔Pagtatae o disinterya. Ang pag-inom sa malapot na dagta mula sa dahon at mga sanga ng alugbati ay makagagamot daw sa pagtatae o disinterya.

✔Altapresyon. Maaaring ipainom ang pinaglagaan ng dahon ng alugbati sa taong dumaranas ng pagtaas ng presyon ng dugo. ✔ Pagsusugat. Makatutulong ang katas ng dahon ng alugbati na hinalo sa mantikilya sa mabilis na paggaling ng mga sugat sa balat. Maari ring itapal ang mga tinadtad na dahon sa apektadong balat.

✔Pagtatagihawat. Ang dagta ng alugbati ay mainam para hndi lumaki ang mga tagihawat sa katawan.

✔Ulcer. Ang pagkakaroon ng ulcer sa sikmura ay maaaring mabilis na mapagaling ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng alugbati.

✔Pananakit ng sikmura. Ang pinaglagaan ng ugat at mga sanga ng alugbati ay mainam para sa pananakit ng sikmura.

✔Pananakit ng ulo. Ang malagkit na dagta na mula sa mga dahon at sanga ay pinapahid sa ulo para mawala ang pananakit na nararanasan.

Amazing Health Benefits of Malabar spinach Malabar spinach is an excellent source of ✔iron, ✔calcium, ✔Vitamin C and Vitamin A. It contains high protein and great source of phosphorus and potassium. It has great amount of antioxidants such as ✔lutein and ✔beta carotene.

✔Healthy heart ✔Treats depression ✔Prevent dementia ✔Treatment for cancer ✔Utilizes amino acids, iron and vitamin B12 ✔Provides energy

https://www.facebook.com/OurDailyHealthPH/photos/a.1955989094640071/2154760781429567/type=3

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie