Nasobrahan sa fried? Palpak days mga mare.. Fried siopao...

Nasobrahan sa fried?

Palpak days mga mare..

Fried siopao with potato and fish flavor..

Yes..nasobrahan sa prito pero masarap parin ang dough lalo na ang filling...

Hahaha.. Ok lang.. Medyo inis day kasi me

FILLING RECIPE

POTATO FISH FLAVOR

2 POTATO

●GAYATIN SA MALIIT)

1 BIG WHITE ONION 4 PCS GARLIC 4 MEDIUM RED ONION

●GAYATIN SILA AT DURUGIN SA ALMERIS..MAARI RI BLENDER.●

1 CUP HINIMAY NA ISDA

●KAHIT ANONG ISDA AY MAARI. SIGURADUHIN NA WALANG TINIK NA MAIIWAN.●

1 TSP PAMINTA DUROG.

●MAARI BAWASAN ANG DAMI NIYA●

2 TSP COOKING OIL

SALT AJINOMOTO MAGIC SARAP

1/2 CUP CLEAN WATER.

PARAAN:

IGISA SA MAINIT NA OIL.ANG BAWANG SIBUYAS NA DINUROG.ISUNOD ANG PATATAS AT ISDA.LAGYAN NG TUBIG AT PAMINTA AT PAMPALASA.TAKLOBAN AT HAYAAN KUMULO AT LUMAMBOT. BUKSAN MULI AT HALUIN CHECK MO NAMAN KUNG MALAMBOT NA PATATAS.. HAYAAN MAWALA KUMATI.PERO HUWAG SUNUGIN.

PALAMIGIN.

DOUGH RECIPE.

2 CUP ALL PURPOSE FLOUR/BREAD FLOUR

1 TSP BAKING POWDER

1 1/2 TSP ACTIVE DRY YEAST.

1 TSP VEGETABLE OIL.

1 CUP HOT WATER

1/2 CUP TINUNAW NA MARGARINE.

1 TSP SALT

1 EGG

●KUNG GUSTO PUTI ANG SIOPAO ANG WHITE LANG ILAGAY● MAARI RIN NAMAN WHOLE.PERO HINDI SIYA KASING PUTI NG NABIBILI SA MGA FASTFOOD.

Mix po ang active dry yeast sa 50 ml na hot water na kinuha mo sa 1 cup hot water. Add vegetable oil and add oil.. Tunawin.

Sa isang lagayan..mix flour and baking powder and egg and tinunaw na margarine.mix tinunaw na yeast.and yong natirang water

Gawin dough..masahin ng masahin ng masahin..

Hanggang maging sticky. Yong kapag binanat mo bumabalik na siya kusa..

Bilog bilogin sa gustong size. Kung gusto malaki ay maari. Kung maliit ay maari.. Rest mo yong binolog mo dough.mga 30 minutes or kung nagmamadali ka 15 minutes nalang.. Aalsa na yan. Maumbok na yan kapag naluto.

Flat mo yong dough. Huwag mo nipisan masyado baka naman puro hangin yan kapag naluto.

Kapalan mo konti.

Lagyan mo sa gitna ng filling.

Tapos bilogin mo ulit.tapos lagay mo sa cup cake liner.o kaya sa ginupit na baking paper.

Para madali..

Magpakulo ng tubig sa steamer.kapag kumulo..steam mo na siopao mo. Steam 15 minutes.malakas apoy.

Serve..

Sa fried po..ako kasi ni steam ko muna.before ko fried para tipid mantika.

Hehehe.?

https://www.facebook.com/micascooking/posts/460155277726119

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie