"Nagmahal, Nasaktan, Nagmahal Parin" J E S U S C H R I S T Maraming...

"Nagmahal, Nasaktan, Nagmahal Parin" J E S U S C H R I S T

Maraming tao busy sa trabaho. Madaming tao busy sa ibang tao. Madaming tao busy sa kung ano ano. Pero ang tanong ko lang. Bakit kaya madaming tao? Bakit kaya madaming ginawa ang mga tao ko?

Halos lahat naman busy sa ibang bagay Busy sa kanilang sariling buhay. Pero isa lang naman ang aking gusto na manggaling sa inyo. Na sabihin at isa puso na " ako ang tagapagligtas mo"

Mga kabataan. Post sa social media tungkol sa kanilang hugot sa buhay Todo sagot sa kanilang nanay at tatay. Gala dito gala doon dahil naiinip daw sa bahay. Nanliligaw para makumpleto ang kanilang buhay.

Bakit ganon? Lahat ibinigay ko. Gamit mo, damit at pagkain mo. Pero pagnasayo na lahat nakakalimutan mo na ako.

Sa oras na masaya ka. Sa oras na marami kang kasama. Sa oras na wala kang problema. Walang ako sa buhay mo na pinasasalamatan mo at parang hindi ako mahalaga.

May problema ka. May kailangan ka. May hindi ka kaya. May mabigat kang dinadala. May nanakit sayong iba. Nasa gitna ka ng disgrasya Nasa gitna ka ng sakuna. Aba himala at ako ang yung hinahanap at gusto mong makasama. Na nagmamakaawa kapa. Na tulungan kita.

Oo tutulungan kita. Kahit na naaalala mo lang ako pagmay kailangan ka. Mamahalin at tatanggapin naman kita. Basta mahalin mo lang ako tulad ng pagmamahal mo sa iba.

May iba naman na binigyan lang ng konting problema e sumusuko na. Tandaan mo hindi kita pinabayaan, bigyan lang kita ng problema para subukin ka.

Bakit ba hindi moko isama sa storya ng yong buhay diba? Kase para bang ako ay isang extra lang sa isang pelikula. Na lalabas lang pagkailangan ng bida Na hindi tatagal ang tutok ng camera. Na para bang sa buhay mo ay walang kwenta.

Sabi mo sa nanliligaw sayo mahal na mahal mo sya. Alam moba nakakainggit sya? Na sana masabihan mo din ako ng ganyan kase parang ang sarap at ang saya. Na para bang lahat ng pagdurusa at sakit e napawi na.

Madami man syang kayang ibigay sayo pero tandaan mong mas higit padin ang kaya ko. Pulang rosas lang ang kaya nyang ibigay pero ako nakaya kong ibigay ang aking pulang dugo para sa pagtubos ng yong kasalanan kaya ka ngayon maayos na nabubuhay.

Nangako siya sayo na tatawirin ang ilang ilog at bundok para mahalin mo pero ako nakaya kong pumasan ng krus papunta sa bundok ng kalbaryo saka ipako habang may tinik sa ulo para lang mapatawad ka ng ama sa lahat ng mga kasalanan mo. Lahat yun nagawa ko pero bakit iba padin ang mahal mo.

Sabi mo siya ang kasama mo sa lahat ng problema pero ako, ako ang humarang at sumalo ng mga problema na darating palang sayo.

Pinaplano nyo kung pano kayo magiging masaya nung kayo ay nagkakilala pero ako nagawa ko ng iplano ang buhay mo hindi kapa nailalabas sa mundong ito hindi mo pako kilala.

Iniligtas kita sa apoy ng impyerno pero siya iniligtas kalang nya sa kalungkutan sa mundo. Bakit ka naging malungkot? Kase walang ako sa puso mo.

Tanggapin moko na yong tagapagligtas. Mahalin moko higit sa pagmamahal mo na walang wakas. Mamahalin kita at isasama sa langit kasama ng ibang nananampalataya Sakin ng tapat at wagas.

Magbago kana at sumama sa akin. Ipinaghanda na kita ng bahay sa langit at pagdating mo doon akin kitang yayakapin. Kasama ng aking Ama. Ang Ama natin!

Lahat ng sinabi ko isabuhay at isapuso mo. Dahil may regalo ako sayo na alam kong magugustuhan mo. Pansamantala lamang ang buhay mo sa mundo. Dahil ang totoong bahay mo ay sa langit kasama ako o sa impyerno kasama ang dyablo at mga taong pinili ang makasalanang mundo.

Dumadating na ang mga sinyales ng pagdating ko. Babalik ako para kuhanin ang mga nanampalataya ng totoo. Magbasa kana ng bibliya at madasal ng todo todo, pagsisihan lahat ng kasalanan mo at tanggapin na ako bilang tagapagligtas mo at mahalin moko. Masisira na ang mundo. Malapit na ang paghuhukom Malapit na ang pagdating ko.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie