My favorite dishes pag may okasyon.. Pork teriyaki (kayo na po mag budbod ng sesame seeds ?), slow cooked fried chicken in oyster sauce and sweet and sour fish fillet.
Photos was taken last May 2018. My daughter's 3rd birthday ? #justsharin' PORK TERIYAKI
Pork strips (pahiwa nyo nalang po pag bili nyo) Butter o margarine Onion Garlic Toyo Sugar Pepper powder Calamansi Mama Sita's BBQ marinade (in bottle or sachet) Sesame seeds TIP: para po madaling lumambot ang karne para sa recipe na ito casim po amg part ng pork na bilhin para less ang taba
Step 1. Marinade pork strips in 2 tablespoon soy sauce, calamansi, minced garlic, 3 teaspoonful of sugar (of any kind kayo po ang bahala kung anong sugar ang available sa kusina), 5 tablespoon of mama sita's bbq marinade. Marinate nyo po overnight para makapit ung lasa. Kung lulutuin naman po agad pwede na marinated for an hour.
-
After marinating, igisa gamit ang butter o margarine (kung hindi available sa kitchen pwede na po ang oil) ang garlic and onion ang marinated pork strips hanggang mawala ang pagkapula ng karne.
-
Simmer for 30 mins in medium fire. Every 5 mins po haluin para hindi dumakit sa pan.
-
Check po kung tender na ang pork. Kung ok na ang lambot ng pork pwede nyo na po i-set aside.
-
Kumuha ng dry pan painitin ito. Kapag mainit na isangkutsa ang sesame seed hanggang maging golden brown ang kulay nito. Patayin ang apoy at ilagay ang sesame seeds sa almires (tama po ba? Yung dikdikan? ? correct me nalang po if I'm wrong) dikdikin ang sesame seeds at saka gawing toppings sa pork teriyaki.