Mga pakinabang ng sambong sa kalusugan na dapat nating malaman Ang...

Mga pakinabang ng sambong sa kalusugan na dapat nating malaman

Ang Sambong ay kilala bilang isang maliit na uri ng halaman na nagtataglay ng mapayat ngunit matigas na mala-kahoy na katawan at nababalot ito ng mabalahibong dahon. Ang bulalak nito ay kadalasang tumutubo nang kumpl kumpl sa isang sanga. Ito ay madalas at karaniwang tumutubo sa mga mabababang lugar at maging sa mga bakanteng lote sa ilang mga bansa sa Asya at kabilang na rito ang bansang Pilipinas.

Ang Sambong ay karaniwang makikita sa iba’t ibang klase na mga form katulad na lamang ng teas, dried leaves, powders, tablets, capsules at nakaparami pang iba. Ito ay nagtataglay ng isang mainam na menthol taste na siyang lubos na epektibo para sa ikabubuti ng pakiramdam ng tiyan lalo na kung hindi maganda at nakakaranas ito ng pananakit.

Upang makagawa ka ng tsaa na mula sa Sambong simple lamang ang kinakailangan mong gawin. Kumuha ka lamang ng isang (1) kutsarita ng dried leaves nito at ibabad mo ito sa isang mainit na tubig sa loob ng ilang minuto. Pabayaan mo lamang ito na lumamig at maari kang uminom ng mahihit tatlo (3) hanggang sa apat (4) na tasa ng tsaa nito sa pang araw araw. Maari mo rin itong inumin sa loob ng matagal at mahabang panahon dahil hindi naman ito nagtataglay ng kahit na anong klase ng side effects at hindi ito makakapagdulot ng ano mang klase ng problema, huwag ka nga lang sosobra sa pagkonsumo nito sapagkat hindi rin ito maganda para sa iyo.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring natutuklasan at napagaalaman na side effects ng paggamit ng Sambong. Subalit katulad na lamang ng karamihang medikasyon o herbal remedy ay dapat hindi ito gamitin ng mga buntis na babae at nagpapasuso. Napakaraming bilang na ng mga tao na siyang nagpapatunay na talagang nakakagulat ang epekto ng Sambing para sa kanilang kalusugan.

Ano nga ba ang sustansiya na makukuha sa Sambong? Ang iba’t ibang parte ng halaman na ito ay maaring mapagkuhaan ng napakaraming bilang ng sustansiya at ang mga ito ay nagtataglay ng mga benepisyo para sa iyong pangangatawan at narito ang ilan sa mga ito:

Ang halaman ng Sambong ay nagtataglay ng volatile oil, I-borneol, I-camphor, limonene, saponins, sesquiterpene, tannins, sesquiterpene alcohol, palmitin at myristic acid. Mayroon din itong taglay na flavonoids, terpenes (borneol, limonene, camphor, a-pinene, b-pinene, 3-carene, sesquiterpenes, monoterpenes, triteroenes, at cryptomeridiol) at lactones (blumealactone A, B, C). Ano naman ang mga bahagi ng halaman na ito na maaring gamitin bilang gamot?

Ang dahon nito ay ang bahagi na siyang madalas na ginagamit bilang panggamot sa iba’t ibang uri ng kondisyon at sakit. Kadalasan itong nilalaga at iniinom na parang tsaa o kaya naman ay inihahalo sa tubig na siyang ipinangliligo. Maaru rin itong pinuhin at dikdikin upang ipangtapal sa ilang kondisyon ng katawan. Sa kabilang banda, ang ugat naman nito ay maaring gamitin bilang panggamot. Inilalaga rin ito at iniinom na parang tsaa. Narito ang mga health benefits na siyang makukuha mulas sa Sambong: Sakit sa atay o liver disease Ang Sambong ay nagtataglay ng methanolic compound na mayroong kakayahan na mapabagal ang paglala ng liver cancer na walang kahit na anong klase ng toxicity.

Antibacterial at anti-fungal Ang halaman na ito ay nagtataglay ng cyptomeridiol at icthythereol na siyang mayroong kakayahan na pumatay ng mga bacteria at ng mga fungus na kagaya na lamang ng E. coli, P. aeruginosa, B. subtilis, S. aureus, C. albicans at A. niger.

Lagnat Kapag uminom ka ng Sambong tea ay mabilis na mababawasan ang taas ng iyong lagnat. Maari mo ring lagyan ng Sambong tea ang gagamitin mong tubig na pang ligo upang mapababa rin ang iyong lagnat. Bukod sa dahon nito, maari mo ring inumin ang pinaglagaang ugat nito at gawing tsaa.

Maari itong makabawas sa sakit sa bibig Ang halaman na ito ay lubhang nakakatulong sa sakit ng ngipin, sa pananakit at pamamaga ng gums o gilagid o dahil sa mga dental procedures. Kinakailangan mo lamang na magmumog ng tsaa nito at unti unti mo nang mararamdaman na nawawala ang sakit nito.

Para sa ubo at sipon Dahil sa methalonic content na taglay ng Sambong, nakakatulong ito upang mabawasan ang mga sintomas ng ubo, sipon at maging ng lagnat. Ang regular naman nap ag-inom ng tsaa na siyang nagmula sa dahon nito ay isang mabisang gamot upang mawala ang sintomas ng ubo at sipon.

Sugat sa balat Dahil sa taglay na antimicrobial ng halaman ng Sambong, ang paggamit nito bilang tsaa at powder na gawa sa dahon nito ay maaring gamitin bilang gamot sa sugat upang mas mapabilis ang paghilom nito at upang maibsan ang sakit na nararamdaman mula rito. Maari ring ipantapal sa sugat ang dahon na siyang dinikdik. Makakatulong ito sa mabilis na paggaling ng sugat saang mang parte ng katawan.

Sakit sa bato Ang pagkonsumo at pag inom sa pinaglagaang dahon ng halaman ng Sambong ay kilala bilang isang mabisang gamot upang makatulong sa pagpapabuti ng kondisyon ng mga tao na mayroong sakit sa bato o kidney. Nakakatulong ito sa tuloy tuloy na daloy ng pag ihi ng tao.

Para sa rayuma Mabisa naman para sa kondisyon ng rayuma ang pagbabad sa bahagi ng katawan ng tao na siyang nananakit sa isang tubig na siyang nagtataglay ng pinaglagaang dahon ng Sambong. Gawin ito ng madalas at magugulat ka sa resulta na ipapakita nito.

Sinusitis Madalas din na iniinuman ng pinaglagaan ng dahon ng Sambong ang kondisyon ng sinusitis upang mas mapabuti ang pakiramdam nito.

Sakit sa ulo Ang pananakit ng ulo ay ang madalas na problema ng mga tao. Matutulungan ka ng Sambong sa isang napakasimple at epektibong paraan. Kinakailangan mo lamang na itapal sa iyong noo ang ilang piraso ng dahon ng Sambong kung sakaling sumasakit ang iyong ulo. Iwan mo ito sa loob ng ilang minuto at magugulat ka na lamang sa epekto na naidudulot nito.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie