Medical Update "MORAS" Scientific name: Morus Indica Linn Ang...

Medical Update

"MORAS"

Scientific name: Morus Indica Linn

Ang Moras ay isang puno na may katamtamang taas at kilala dahil sa mapula o maitim nitong bunga. Ang dahon ay may tusok-tusok sa gilid at may bahagyang bilugan na pahaba. Sa Pilipinas, karaniwan itong makikita sa mga hilagang lalawigan ng Cagayan at Batanes.

Ano ang mga sustansiya at kemikal na maaaring makuha sa Moras?

Ang iba't ibang bahagi ng Moras ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansiya na maaring may benepisyo sa kalusugan: Taglay ng halaman ang ilang substansiya gaya ng Tanins, Phytosterols, Sulfur, Langis, at Saponins. Ang bunga naman ay makukuhanan ng fat, urease; pectin, citrates, at malates. Ang ugat ay mayroon ding sterols, flavones, flavanone, stilbene, benzophenone, coumarin derivatives at succinic acid. Makukuha naman sa dahon ang calcium malate, calcium carbonate, pentosane, tannin, carotin, ash, pati na vitamin C at choline.

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

DAHON: Ang dahon ay karaniwang kinakain o nilalaga ipang mainum ang pinaglagaan.

BUNGA: Ang bunga naman ay karaniwang kinakain lamang, o kaya ay pinatutuyo bago ilaga at inumin.

BALAT NG KAHOY: Maaari ding ilaga ang balat ng kahoy ng moras para magamit sa panggagamot.

Ano ang mga sait at kondisyun na maaaring matulungan ng Moras??

  1. Diabetes.—Ang bunga ng Moras ay kinakain para matulungan ang kondisyun ng diabetes.
  2. Headache.—Ang pinaglagaan ng dahon ay maaring gamitin sa panglunas para sa pananakit ng ulo. Iinumin ang pinaglagaan.
  3. Hirap sa pagdumi.—Dapat namang inumin ang pinaglagaan ng pinatuyong bungang moras para matulungan ang pagtitibi.
  4. Breastfeeding mother: —Ang pagkain sa murang dahon ng Moras ay makakatulong sa pagpapalakas ng gatas ng ina.
  5. Fever.—Inilalaga naman ang balat ng kahoy ng puno para maibsan ang lagnat.
  6. Epilepsy.—Makatutulong naman para sa kondisyun ng epilepsy ang pag inom din sa pinaglagaan ng balat ng kahoy.
  7. Sugat. —Ang pinitpit na dahon ay dapat ipantapal sa sugat upang matulungan ito sa mabilis na paggaling.
  8. Rayuma. —Ang mga tangkay ng halaman ay kadaladang nilalaga din at pinapainom sa taong dumadanas ng pananakit da kasukasuan.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie