Matagal na ako d nagluto ng ganito...

Matagal na ako d nagluto ng ganito. Tara mga ka groupie mag merienda na tayo.

Ham And Cheese Bread Rolls

Sangkap:

8 pirasong sliced bread, tanggalin ang dulong matigas 8 pirasong ham 8 cheddar cheese squares 2 itlog, batihin 2 tasang bread crumbs mantika

Paraan:

Pipiin ang bawat piraso ng sliced bread, ilagay ang ham at ang cheese sa ibabaw at i-roll ito lagyan ng konting egg mixture sa dulo para hindi bumuka pagka roll. Itabi at huwag hayaan bumuka ang rolyo. Gawin ito sa iba pang sliced bread. Ilagay ang binating itlog sa bowl na lalagyan. Ilagay ang bread crumbs sa isa pang bowl na lalagyan. Ilubog ang bread rolls sa binating itlog at saka ilubog sa bread crumbs. Maglagay ng tamang dami ng mantika. Painitin ito at kapag mainit na ay ilagay ang bread rolls. Lutuin hanggang magkulay golden brown ang lahat ng side ng bread roll. Hanguin at ilagay sa platong may paper towel upang tanggalin ang sobrang mantika mula sa bread roll. Hiwain sa gitna na pahalang. Ihain habang mainit. ENJOY!!!

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie