Mandirigmang lobo ( 11 ) Sa Pagpapatuloy

Mandirigmang lobo ( 11 )

Sa pagpapatuloy.

Kinabukasan maagang nagising ang mga katribo ni haring sandro.upang magsimula na silang magayos,at magkakaroon ng kasiyahan inuman kainan.Dahil sa pagbabalik ni prinsesa iwa?

Habang masaya ang lahat,naalala ni iwa si gon.at nalungkot na naman dahil sa naganap na pangyayari. At napansin ito ng hari at lumapit ito.

Anak ano nanaman ba ang iniisip mo.hindi kaba masaya sa araw nato? May kulang paba.oh iniisip mo nanaman ba si gon.

Ama? Masaya po ako,sa pagdiriwang ito.pero nanghihinayang ako sana nandito si gon sana masaya siya ngayon.sana mging maayos napo siya ama.

Wag mo munang isipin yan anak pakiusap? Ang nais koy maging masaya tayong lahat.sanay pagbigyan moko,di bale sa pagdalaw mokay gon? Akoy sasama sayo anak.

At masaya si iwa sa sinabi ng ama niya,at bumalik nasa kasihayaan.at winaksi muna niya sa isip niya si gon?

SA TRIBO NI GARDO

nagising nasi leo sa mahimbing na pagkakatulog.at kinasaya naman ni tandang ador at si alex

Ha? Anong nangyari? Bat ako nandito anong nangyari.takang tanong ni leo

Mabuti at gising kana prinsepe? Wagka munang masyadong gumalaw,magpahinga ka muna.

Pero biglang bumangon si leo? At ramdam niya ang sakit ng kanyang katawan dahil sa ginawa niya.at napa aray ito sa sakit?

Ohh sinabi ngang wag kang masyadong gumalaw eh? Sabat ni alex

Hindi kaya konato at tumayo na ito sa kanyang kama? Ohh anong nangyari sa taong yan.tanong ni leo kay mang ador na pinapalitan ng dahon na nakatapal sa sugat ni gon.

Na kalmotan siya ng taong lobo prinsepe? Kaya ko ginagamot itong binata.

Alam naba ni ama ito? Pano kung magalit siya.

Wag kang magalala leo sinabi kona sa hari ang lahat,pati sina diego at iwa.pinaliwanag nila sa hari ang lahat ng nangyari? Kaya ok lang sa hari na manatili siya muna rito upang magamot?sagot ni alex sa pinsan

Ganon ba,,ehh si mino alex? Anong nangyari sa laban pwede bang sabihin mo ang nangyari noong akoy nawalan ng malay?

Nakatakas si mino kasama ang mga natirang taohan niya? PINASUNDAN KO SILA PERO NAILIGAW NILA ANG MGA KASAMA NATIN.

pinaliwanag nani alex ang lahat kay leo at naintindihan naman ni leo yun? merong pagkainis ang binata kasi hindi niya napatay si mino.At ang masakit paron siya ang natalo sa laban nila.kaya lumabas nasiya sa silid niya at nagtungo sa mahal na hari kahit masakit pa ang kanyang,tinamong mga sugat?

Mang ador? Ano naping balita sa kanya,magigising napoba siya.tanong ni alex

Diko alam alex? Kasi hindi umiepekto sa kanya ang mga gamot ko diko alam kong bakit.at habang tumatagal pahina ng pahina ang pagtibok ng kanyang puso.pero pipilitin ko parin na mapagaling siya pero di ako sigurado kong magtatagal pasiya.paliwanag ni ador

Basta mang ador.gawin mo ang lahat para sa kanya upang tayoy makabayad sa kanyang kabutihan.at bilang ganting pala niya.sabi ng dalaga

Natapos narin ang kasiyahan sa tribo ni haring sandro.at masaya silang lahat doon.

At sa tribo naman ni haring gardo.nagdeklara siya ng malaking salosalo.dahil sa tagumpay na matalo ang mgakalaban,pero alam nila na diyon ang huli nilang paghaharap sa tribo ni gabriel.kasi buhay pa ito at dipa ito kumikilos..sa madaling salita nagsisimula palang ang laban.

AT MAKALIPAS ANG ISANG LINGO

ganon at ganon parin ang sitwasyon ni gon,wala paring mahanap na paraan si mang ador.at nagpatawag si haring gardo sa ibatibang tribo ng manggagamot.pero pati ang mga itoy?walang magawa sa sitwasyon ni gon.

At parang wala ng pagasa pa.halos hindi narin tumitibok ang puso nito? Nalungkot ang dalagang si alex,dahil sa kalagayan ng binata,kahit isang linggong pagbabantay lang kay gon ay?parang Napamahal na ito sa kanya.

Habang sina iwa diego haring sandro ay.naghahanda na sa pagpunta nila sa tribo ni haring gardo. At excited nasi iwa na makita si gon at alam niang mabuti na ang lagay nito. Atsi haring sandro naman ay may galak din na makita na ang kanyang matalik na kaibigan.na inaakala niyang patay na.

SA TRIBO NAMAN NI GABRIELmaswerte si mino dahil hindi siya pinarusahan ni gabriel..at di nagtagal humilom na ang mga sugat nito?

At sa loob ng isang linggo,ay marami na ka agad ang nakuha nilang tauhan at handa na muling makipag digmaan.pero gusto ni gabriel na palakasin ng palakasin muna ang hukbo bago sumalang sa digmaan.at hindi siya titigil hanggat di niya nakukuha ang gusto niya.

Dahil ang pangarap ni gabriel noon ay maging pinakamalakas na tribo sa buong kagubatan,at kinatatakutan ng,ibang lobo? At ang higit sa lahat ay ang makilala siya bilang diyos? Ng mga lobo?

At ng makarating na sina haring sandro sa tribo ni gardo ay? Masaya ang mga ito lalo nat nagkita na ang magkaibigan at totoo nga ang hinala ni leo at iwa na magkakilala sila.

Hindi ko inaasahan kaibigan na buhay kapa? Pero panoka nakaligtas sa bangin nayon? Tanong ni sandro

Hahaha noong naganap na ang pinaka matinding digmaan ng grupo natin laban sa mga kalaban.wala nakong ibang naisip kundi ang magtagumpay sa laban?Pero nagkataon na,malakas ang nakalaban ko.kaya nahulog ako sa bangin.Pero sa diko inaasahan tubig yung nabagsakan ko.tapos nawalan ako ng ulirat.pagkagising ko nasa ibang tribo nako at itong tribong to ang tinutukoy ko.At yung tumulong sakin.na babae ay ang naging asawa ko at heto nga pala ang aming bunga? Si leo.pakilala ng hari

At yumuko nga si leo tanda na paggalang sa kanya.

Ikaw kaibigan? Anonang nangyari sa laban nayon.tanong ni haring gardo

Noon kaibigan,nakita ko kong pano ka mahulog sa bangin,at yung kinalaban mo noon.ako ang tumapos don.at tayo ang nagtagumpay ng gabing yun? At di kami tumigil sa paghahanap sayo.hanggang sa nawalan na kami ng pag asa at tinanggap na namin na wala kana.at heto na ako ngayon hari narin? At mayron din akong anak na babae?at yon si iwa.

Masayang nagkwekwentuhan ang dalawang magkaibigan.sa nangyari sa kanila noon at ngayon?

Atsina iwa diego at alex naman ay nasa kwarto kong nasaan si gon? at pinagmamasdan lang nila ito.At sinabi rin ni ador ma wala silang nagawa pati narin ang ibang manggagamot.

At dahil sa paliwanag ni ador kay iwa.ay di niya mapigilang umiyak nito.at paulit ulit na nagsosorry.

Pasensya kana iha? Pero wala na tayong magagawa pa.at sana may himala,na matanggal ang lason sa kanyang katawan pero wala ng paraan di sapat aking kakayahan.yukong sabi ng matanda?

At patuloy parin sa pagiyak ang dalaga,ad dirin mapigilan ni alex at nakisabay narin ito? At parang naninikip ang kanyang dibdib nadi niya maintindihan kong ano ang kanyang nararamdaman.

Lumipas ang isang oras.at pumasok si leo sa kwarto kong nasaan ang lahat..pinapatawag na tayo ng aking ama upang tayoy mananghalian na,halina kayo sumabay na kayo sakin.sambit nito sa mga kasama

At lumabas na silang lahat sa kwarto ni gon tanging si ador lang naiwan doon.at sinusuri parin si gon.

Hmm nagsarana ang sugat ng taong ito pero bakit di parin siya nagigising? Marahil sa lason ito,at nagulat nalang si ador? Ng wala ng buhay si gon wala na itong pulso.at wala narin itong pitik sa puso niya?

Dalidali siyang lumabas at nagpunta sa kinaroroonan ng lahat.upang ipaalam ang nangyari?

At nagulat ang lahat sa pagsulpot ni ador at sa sinabi niyang patay na ang taong si gon? Kahit nasira na ang kainan nilang lahat ay? Bilis nilang tinungo si gon?

At totoo nga wala na siya,si iwa ang unang lumapit dito dahil siya ang pinakamalapit kay gon?.at nagsisigaw ito

Gnnn! Wag mokong iwan? Pakiusapp? Lumaban ka? Dika pwedeng mamatay!

Kong gaano umiyak si iwa kay gon ay ganon din si alex kasi.iniibig na niya ang binata pero? Dina niya yun naipadama dahil wala na siya.

Habang nagtitinda naman ang ina ni gon sa palengke ay bigla nalang itong,nakadama ng kakaiba sa sarili.pero di niya maipaliwanag kong ano? At naisip niya si gon sa pagkakataong iyon? Dahil ganito rin ang nadama niya noon nong namatay ang kanyang asawa.Pero dahil sa maraming bumibili,naiwaksi na niya sa isip niya si gon.at inatupag nalang ang mga ito?

bago nila buhatin si gon upang ipunta sa kweba? Dinasalan muna ng dalawang hari ang binata.ng matapos na ang dasal binuhat na nila si gon.upang ipasok nasa kweba?

Puro? Sakit ang nadarama ni alex at iwa dahil sa nangyari.patuloy parin sila sa pagiyak paghagolgol? Pero wala na dina maibabalik pasi gon?

At ng malapit na sila sa kweba? Sa kweba kung saan nila dinadala ang mga patay.malawak ang kwebang yon? Marami ring mga buto doon.

Pinasok nanila si gon habang nakahiga sa kaniyang kama,at doon nila ulit dinasalan.

Ng matapos na ang dasal ay,umalis na silang lahat,habang si gon ay patay na at nakahiga lang sa kanyang kama?

At ng nakabalik na ang lahat sa tribo ni gardo ay.tulala si iwa parang diniya matanggap ang nanguari naaalala niya ang bawat sandali na kasama niya ang binata.na lalong nagpaiyak sa kanya? Nahalata naman ni leo ito kaya linapitan niya at kinausap at inaliw ang dalaga.

Habang ang dalawang hari naman ay,nanghihinayang sa namatay na binata.at patuloy parin sila sa paguusap?kasama si diego.

Si alex naman? Nasa sanga siya ng ouno at doon nagpatuloy na umiyak? Kasi mahal na niya ang binata.

At bago magdilim ay nagpaalam na ang hari si iwa at diego.sa oras nayon.at nagyakapan ang lahat...at ng nakauwi na sina iwa sa tribo nila ay dumiretso ito sa kwarto nito.at doon nagpatuloy sa pagiyak.

At nagaalala naman ang ama nito parasa kanya?

ITUTULOY...

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie