Magandang Gabi, Pwede po bang magtanong? May tito po kasi ako...

Magandang Gabi,

Pwede po bang magtanong? May tito po kasi ako 79 years old na nagmamay-ari ng isang catering business, tapos mayroong family po na kumain tapos yung anak nila bata pa yung anak mga 5 yrs old ay naglaro o ginalaw yung mga utensils tapos sinita po ng tito ko ng tatlong beses ayaw parin makinig ng bata, kaya hinablot po nga tito ko ang kamay ang bata pero hindi naman po malakas parang inalis lang kasi costumer nila yon dapat pangalagaan, tapos yun umiyak yung bata, nagalit yung magulang at hinagisan ng pizza yung tito at nagkasagutan sila. Sa ngayon po ay naka detained po ang tito ko sa police station at nagtangkang magfile ng kasong child abuse, wala pong physical injury yung bata, walang bruised o kung ano paman. Sabi daw ho nila mental health daw po ang naapektohan sa bata eh hindi naman na trauma, umiyak ang naman.

Ang tanong ko po, ano po pwede kong ikaso sa mga magulang ng bata? at maari ba nila kasuhan yung tito ko ng child abuse, effective po kaya ang child abuse sa tito ko salamat po.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie