Kumain nito bilang meryenda agahan...

Kumain nito bilang meryenda agahan. Ang madalas kumain nito ay gamot sa diabetes, high blood, sa lahat ng uri ng sakit pay roon siyang sustansiya na nag lalaban sa mga uri ng sakit ang colon kanser ay napaka inam Kumain nito.

KAMOTE

Diabetes. Ang pagkain sa ginulay na dahon ng kamote o talbos ng kamote ay mabisa para matulungan ang paggaling ng sakit na diabetes. Makatutulong din ang pag-inom sa pinaglagaan ng buong halaman ng kamote. 2. Pigsa. Mabisang panglunas sa pagkakaroon ng pigsa ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng kamote. 3. Pagtatae. Karaniwang kinakain ang bungang-ugat ng kamote para sa kondisyon ng pagtatae o diarrhea. 4. Dengue. Nakatutulong din daw ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kamote para mapanumbalik ang nasirang mga platelets dahil sa sakit na dengue. 5. Epekto ng free radicals sa katawan

SABA

  1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.

  2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.

  3. Parang multivitamin — Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like Piolo Pascual. Tipid pa!

  4. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang sa-ging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.

  5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.

  6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba n’yo na ang sa­­ging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpa­pasaya sa atin at nagpapa­-gan­da ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka da­hil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na.

  7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang mag­baon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napa­ka­ganda ng lalagyan. Tala­gang ginawa ng Diyos para kainin.

  8. Baka makabawas ng leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong pakakainin ng saging, mas hindi sila hihi­kain, at hindi rin sila magka­karoon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.

MAIS

  1. Hirap sa pag-ihi. Makatutulong sa pagpapabuti ng pag-ihi ang pag-inom sa pinaglagaan ng buhok ng mais o ang mga butil nito.
  2. Pananakit ng sikmura. Ang pinaglagaan din ng mga butil ng mais ay mabisa para sa nararamdamang pananakit ng sikmura.
  3. Urinary Tract Infection o UTI. Pinaiinom sa taong may UTI ang tubig na pinaglagaan ng mismo ng mais.
  4. Rayuma. Makatutulong naman ang pagtatapal ng dinikdik na mga butil ng mais sa bahagi ng kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma.
  5. Pagsusuka. Para naman sa kondisyon ng pagsusuka, maaaring inumin bilang tsaa ang pinaglagaan ng tinustang mais.
  6. Bato sa bato (Kidney stones). Iniinom naman ang pinaglagaan ng buhok ng mais para sa pagkakaroon ng mga bato sa bato.
  7. Sugat. Ang dinikdik buhok ng mais ay maaari din gamitin sa para mapabilis ang paghilom ng mga sugat.
  8. Paninilaw ng balat (jaundice). Ang paninilaw ng mga balat na may kaugnayan sa karamdaman sa atay ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng buhok ng mais.

KAMOTENG KAHOY

  1. Rashes sa balat. Ang mga butlig-butlig na dulot ng ilang mga sakit gaya ng bulutong at tigdas ay maaaring matulungan ng pagpapahid sa balat ng dinikdik na dahon ng kamoteng kahoy.
  2. Sugat. Ang mga sugat na matagal gumaling ay maaaring matulungan ng pagtatapal ng dinikdik na batang ugat ng kamoteng kahoy.
  3. Iritasyon sa mata. Maaaring ipampatak sa mata ang dagta mula sa dahon ng kamoteng kahoy upang guminhawa ang iritasyon sa mata.
  4. Rayuma. Ipinangbababad o pinanghuhugas naman sa bahagi ng katawan na dumadanas ng pananakit dahil sa rayuma ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kamoteng kahoy.
  5. Lagnat. Mabisang nakakapampababa ng lagnat ang pagtatapal ng dahon ng kamoteng kahoy sa noo ng taong mayroong mataas na lagnat. By: Lita Jugo

https://www.facebook.com/pagkainathalamansamaysakit/posts/318971038556533

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie