KILALANIN ANG KALAKASAN AT KAHINAAN NG BAWAT ZODIAC SIGN

KILALANIN ANG KALAKASAN AT KAHINAAN NG BAWAT ZODIAC SIGN

https://www.facebook.com/pinoymajica/ https://www.facebook.com/pinoymajica/photos/a.555740901467822/598030800572165/ KILALANIN ANG KALAKASAN AT KAHINAAN NG BAWAT ZODIAC SIGN

Bawat isa sa 12 zodiac sign may kani-kaniyang taglay na karakter. Malalaman mo ang kalakasan at kahinaan ng isang tao sa pamamagitan ng kaniyang zodiac sign.

Alamin ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat zodiac sign.

  1. Aries (March 21st to April 19th)

Ang Aries ay tinuturing na pinaka-charming at smart sa lahat ng zodiac. Puhunan ng Arien ang kaniyang malakas na karisma upang makahikayat ng mga tao. Sa sandaling magsalita ang isang Arien, hindi ka puwedeng hindi makinig dahil ito ay puno ng kamangha-manghang mga impormasyon na parang noon mo nga lamang nalaman. Pero ang katangiang ito ng isang Arien ang kadalasang naglalagay din sa kaniya sa spotlight ng intriga. Dahil sa daming alam ng isang Arien, sila ay kadalasang naaakusahang “imbentor” ng mga kuwento. Kaya kadalasan, kahit totoo ang kanilang mga sinasabi ay parang wala na ring maniwala dahil too good to be true, ika nga. Labis na pinahahalagahan ng isang Arien ang kaniyang pagiging independent. Ito ang dahilan kaya mahirap itali sa rules ang zodiac na ito. Tulad ng simbolo niyang Ram, handang manuwag ang kanyang mga sungay sa sandaling hindi niya magustuhan ang mga bagay na ipinapagawa mo sa kanila. Ang mga Arien ay hindi nababagay sa office environment dahil nga hindi sila sumusunod sa rules, kaya kalimitang ang mga Arien ay entrepreneur at artist dahil hawak nila ang kanilang oras. May pagka-childish ang isang Arien, bagay na makikita mo sa pakikipagrelasyon niya. Showy at clingy ang Arien at gusto na lahat ng atensiyon ng kapareha ay sa kaniya, dahilan para maging possessive ang isang Arien. Sa sobrang pagiging showy ng Arien, wala na siyang pakialam kahit may masabi na ang mga tao sa kaniyang paligid. Who cares ang motto ng Arien. Ang alam niya, mahal niya ang tao kaya dapat ay ipakita niya ito sa lahat ng paraang alam niya. Masarap magmahal ang isang Arien dahil ikaw ang gagawin niyang mundo. Iiwasan mo lang na masaktan ang damdamin ng isang Arien dahil tulad nga ng kaniyang simbolo na Ram, humanda ka sa kaniyang paghihiganti.

  1. Taurus (April 20th to May 21st)

Ang Taurus ay siyang pinaka-praktikal sa lahat ng zodiac. Sa sobrang pagiging praktikal sa mga bagay-bagay, ayaw ng Taurean sa mga komplikasyon. Para sa zodiac na ito, ang mga bagay ay hindi dapat ginagawang kumplikado. Dahil dito, labis na pinahahalagan ng Taurus ang balance at harmony sa buhay, na siyang ina-apply niya sa kaniyang lovelife. Hindi seloso ang Taurean dahil ayaw nga niya ng mga komplikasyon. Gusto niya ay happy lang at laging smooth sailing. Anumang drama ay kaniyang iiwasan. Kaya kadalasan, ang tingin sa Taurean ay cold-blooded na malamig sa relasyon. Pero sa totoo, labis na pinahahalagahan ng Taurean ang kaniyang partner at para sa kaniya, ang susi ng isang matatag at matibay na relasyon ay ang pagkakaroon ng harmony ng magkapareha at hindi drama.

  1. Gemini (May 22nd to June 21st)

Trademark ng Gemini ang pagiging adbenturero. Taglay ng Gemini ang natatanging kakayahan sa pakikipag-usap. Madaling makapalagayang-loob ang isang Gemini sapagkat mabilis siyang maka-adapt sa mood ng lahat ng tao sa kaniyang paligid. Lahat ng trip mo sa buhay ay kayang sakyan ng isang Gemini. Iyun nga lang, ang isang Gemini ay nagtataglay ng dalawang personalidad kaya medyo mahirap kapaain ang tunay niyang pagkatao. Maaari mo siyang tingnan bilang isang bubbly o masayahing tao pero, deep inside ay nagtatago ang isa pa niyang karakter bilang isang emosyonal at sensitive diva. Ang pagiging talkative ng Gemini ay na-extend niya hanggang sa kaniyang lovelife. Ayaw ng Gemini ng boring at walang imik na kapareha. Ayaw niyang may fill in the blanks moment kapag kayo ay magkasama dahil hindi siya nauubusan ng kuwento. Kaya kung ang iyong partner ay isang Gemini, magbaon ka ng maraming kuwento upang hindi ka maubusan sa kaniya.

  1. Cancer (June 22nd to July 22nd)

Asset ng isang Cancerian sa lahat ng zodiac ang kaniyang magnetic personality. Dahil sa napakalakas na dating, lahat ay tila ibig siyang makasama at maging bahagi ng buhay. Kadalasan kasing successful ang isang Cancerian at lahat ng tao ay gustong ma-identify sa kaniya. Magaang kasama ang isang Cancerian dahil tulad ng simbolo niyang talangka na bitbit sa likod ang kaniyang tahanan, kaya niyang gawing komportable ang anumang sitwasyon sa lahat ng pagkakataon. Maituturing ding very sensitive ang isang Cancerian pagdating sa relasyon. Para sa kaniya, emosyon ang siyang pinakapundasyon ng isang relasyon. Hanap ng isang Cancerian ang kaparehang kaya siyang basahin kahit hindi siya umimik. Hindi kumikibo ang Cancerian kapag galit, kaya mahirap siyang kapain. Pero tulad ng talangka, mag-ingit ka sa kaniyang mga sipit na naninipit. Samakatuwid, hindi martir sa pag-ibig ang isang Cancerian.

  1. Leo (July 23rd to August 22nd)

Isang inborn leader ang Leo. Dahil likas na lider, siya ay may tendency na maging dominante. Gusto ng Leo na binu-boost ang kaniyang ego sa pamamagitan ng mga papuri at mga compliments. Tulad ng isang Leon na kaniyang simbolo, ang Leo ay very dignified sa kaniyang mga ginagawa, dahilan para mapagtagumpayan niya ang anumang larangan na kaniyang gustuhin. Likas na palakaibigan ang isang Leo. Mas pinahahalagahan ng isang Leo ang friendship kaysa relasyon. Kaya kung ang karelasyon mo ay isang Leo, humanda ka na maging karibal sa oras at atensiyon niya ang kaniyang mga kabarkada at followers. Pero sa isang banda, very faithful at loyal ang Leo sa kanilang partner. By nature, ang isang Leo ay happy-go-lucky type person. Ayaw niya ng drama sa buhay. Ang pagkakaroon ng “kabit” o Number 2 ay wala sa kaniyang utak dahil para sa kaniya, ito ay may kaaakibat na kompromiso at drama.

  1. Virgo (August 23rd to September 22nd)

Ang Virgo ay siyang pinaka-metikuloso sa lahat ng zodiac. Isa ito sa dahilan kaya kadalasan ay kinayayamutan siya ng mga tao sa kaniyang paligid. Pero ang totoo, gusto lang naman ng Virgo na ang lahat ay nasa tama dahil ito ay para sa kapakanan din naman ng lahat. Karamihan sa mga writers, journalist, at public servants ay Virgo dahil ang misyon nila sa buhay ay makatulong sa mas nakararami. Maluwag sa kanilang kapareha ang Virgo, dahilan para maparat***an siyang walang pakialam. Pero ang totoo, reserved lamang ang Virgo pagdating sa emosyon.

  1. Libra (September 23rd to October 22nd)

Ang pagiging patas sa lahat ng bagay ay isa sa natatanging karakter ng Libra. Tulad ng kaniyang simbolong timbangan, ang Libra ay mahusay tumimbang ng iba’t ibang opinyon at pananaw o point of view kaya hindi siya basta naniniwala sa mga sabi-sabi. Pagdating sa love life, ang Libra na yata ang pinaka-sweet sa lahat ng zodiac sapagkat mahilig siyang magsabi ng mga sweet nothings sa kaniyang kapareha. Naniniwala din ang isang Libran na may forever pagdating sa pag-ibig. Mahusay ang public relationship o PR ang isang Libran.

  1. Scorpio (October 23rd to November 22nd)

Ang Scorpion ay siyang pinaka-misunderstood at mysterious sa lahat ng zodiac. Misunderstood, sapagkat ang tingin sa kaniya ng mga tao ay weirdo dahil hindi siya takot na pasukin ang isang sitwasyon na hindi pangangahasang pasukin ng alinmang zodiac. Mysterious, dahil ang Scorpion ay labis na malihim sa buhay. Naglalagay siya ng wall sa kaniyang sarili at tanging mga taong nakakuha lamang ng kaniyang tiwala ang pinatutuloy niya sa kaniyang mundo. Dahil mahirap kunin ang simpatiya at tiwala ng isang Scorpion, kadalasang ang mga zodiac na ito ay hindi agad-agad pumapalaot sa larangan ng pag-ibig. Pero sa sandaling siya ay iyong makapareha, doon mo lamang matutuklasan na ang Scorpion ay very sensual.

  1. Sagittarius (November 23rd to December 21st)

Maituturing na isang comedian sa lahat ng zodiac ang Sagittarius. Napakapositibo at very light lang ang pananaw nila sa mundo. No dramas. No worries. Kaya nilang gawing katatawanan ang isang problema. Dahil insensitive, kadalasan ay maraming naiinis sa paraan ng pananalita ng isang Sagittarian na walang pakundangan kahit may masaktan. At dahil komedyante ang tingin sa kanila ng mga tao, ipinagpapalagay ng marami na hindi magseseryoso ang isang Sagittarian pagdating sa relasyon. Hindi kaagad nakikipag-commit ang isang Sagittarian dahil ayaw nila ng drama. Ang tanging tao lamang na pupukaw sa kanilang atensiyon ang paglalaanan nila ng panahon. At kapag ikaw ay pinalad na maging chosen one ng isang Sagittarian, asahan mong sila ay magiging very attentive at caring sa iyo. Sila iyung tipo na gagawin ang lahat para maipadama sa kanilang partner na sila ay mahalaga.

  1. Capricorn (December 22nd to January 20th)

Sa lahat ng zodiac, ang Capricon ang siyang may pinaka-old fashioned na paraan ng pag-iisip. Taliwas sa isang Sagittarian na masayahin, ang mga Capricornian ay napakaseryoso sa buhay. Sila iyung tipo na hindi mo pangangahasang biruin. Walang oras sa mga walang kabuluhang bagay o kababawan ang isang Capricornian dahil ang utak niya ay naka-focus sa kung paano magtatagumpay sa buhay. Hindi siya titigil hanggang hindi nila nakukuha ang kanilang gusto. What Capricon wants, Capricorn gets, ika nga. Mapili sa taong iibigin ang isang Capricorian. Mas uunahin niya ang karera kaysa lovelife.

  1. Aquarius (January 21st to February 18th)

Loner sa lahat ng zodiac ang Aquarian. Tila may sarili silang mundo at wala silang pakialam kahit wala silang kaibigan. Mas mahalaga sa kanila ang pagsu-soul searching kaya pumunta sa mall kasama ng mga kabarkada. Para sa kanila, ang mundo ay puno ng oportunidad na dapat tuklasin. Sila ay unpredictable at mainitin ang ulo lalo na kapag nadadambala mo ang kanilang privacy. Likas na walang imik ang isang Aquarian pero very observant siya sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Straight-forward din ang isang Aquarian at hindi siya magdadalawang-isip sabihin ang katotohanan kasehodang may masagasaan siya. Ito ang dahilan kaya bihirang may makipagkaibigan sa isang Aquarian. May sariling rules ang isang Aquarian pagdating sa kaniyang love partner. Lagi niyang sinosopresa ang kaniyang partner tulad ng mga biglang date at out-of-town.

  1. Pisces (February 19th to March 20th)

Ang Pisces ay maituturing na pinaka-intuitive sa lahat ng zodiac. Mas pinakikinggan ng Piscean ang kaniyang kutob kaysa sa opinyon ng isang tao, bagay na hindi mo masisisi dahil lahat ng kaniyang kutob ay tumpak. Taglay ng isang Piscean ang wisdom at knowledge, dahilan para gustuhin niya na siya na lang lagi ang mag-lider o mamuno sa isang pangkat. Sa kasamaang palad, ang ugaling ito ng Piscean ang nagbibigay dahilan para bansagan siya ng iba na epal at pabida. Madali mong malalaman kung interesado ba o hindi ang Piscean sa isang bagay kapag ito ay kaniyang pinag-aksayahan ng oras, atensiyon, at enerhiya. Ito ang dahilan kaya ipinagpapalagay ng iba na may pagkabatugan ang isang Piscean pero ang totoo, sadyang hindi mo lang siyang maaasahang mag-effort sa bagay na hindi siya interesado. Isa na yata ang Piscean sa pinaka-selfless pagdating sa pag-ibig sapagkat handa niyang ibigay ang lahat sa kaniyang partner. Masasabing masarap makasama sa buhay ang isang Piscean sapagkat tutulungan ka niyang ilabas ang lahat ng potensiyal mo.

-Rey Ang

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie