Isinilang ka, tinawag at naisakapalaran. Sadya nga yatang mtgal...

Isinilang ka, tinawag at naisakapalaran. Sadya nga yatang mtgal k ng pinangalanan. Hinubog, pinanday at pinuno ng kaalaman. Upang mging instrumento ng karunungan.

Wala raw kapalit ang gngwa mo. Kahit na isandakot ng butas na sentimo. Sa bwat paglapat ng pinuhunan mong yeso. Kapalit nitoy kinabukasan ng mundo.

Kung minsan mgagalit ka at sisimangot. Sisigaw kapa at magpapatayo. Pero db aminin mo, kung ang ano ang totoo? Doble ang sakit na nadarama mo?

Kelangan mu daw mag ingat sa pagbanggit ng salita. O kahit sa pagkilos at sa iyong paggawa. Hndi bat sensitibo ang maging tulad mo? Pero bkit nagawa mo pa ring pasukin ito?

Walang inhinyero, doktor o mekaniko. Abogado, pintor at maging piloto. Uusbong dn kaya ang isang siyentipiko? Kung wala ang GUROng katulad mo?

Lahat tayo ay may kanya kanyang alam. Hinahangaan, tinitingala at pinupurihan. Pero mas sasaludo ako sa isang PAHAM. Na mas piniling ang sarili ay talikuran, matuto lamang ang kabataan.

HAPPY WORLD TEACHERS' MONTH?

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie