Huh!!! Parang OKRA din haha kahit malasipon kakayanin ko!!! na...

Huh!!! Parang OKRA din haha kahit malasipon kakayanin ko!!! na ito!! #Librengsustansiya.. ANG MGA SIKRETO NG ALUGBATI SP/Segment Host: Pier Pastor Resource Person: Jean Acero, Doctor of Alternative Medicine

• Tinatawag na Malabar spinach o Indian spinach. Hindi naman talaga ito spinach pero magandang alternatibo.

• Ang hindi alam ng marami, ang mismong "slime" o mala-laway na katas ng alugbati ay mayaman sa health benefits.

• Ito ay natural na diuretic at laxative. Ibig sabihin, pinadadali ang paglabas ng dumi sa ating katawan.

• Ang malapot na property ng alugbati, yung parang laway nga, at ang fiber na taglay nito ang makakatulong para mailabas ang toxins ng katawan

• Mayaman sa folate na kailangan ng mga nagdadalang-tao para maiwasan ang ilang birth defects sa mga sanggol.

• Ang folate na taglay ng alugbati ay makatutulong din sa mental at emotional health ng isang tao.

• Nakare-relax ng isip, may calming effect, nakapagpababa ng stress level.

• Taglay din ng alugbati ang Vitamin A para sa mata at immune system, at iron na mainam para sa dugo.

• Isa rin itong antioxidant na makatutulong sa pagre-repair ng cells ng ating katawan.

• Sabi ni Doc Jean, “Ang 1 tasa ng alugbati ay sapat para sa Vitamin A na kailangan natin sa isang araw.”

• Bukod sa pagkain ng alugbati, puwede ring dikdikin ang mga dahon nito para itapal sa may impeksiyon o pamamaga na gaya ng pigsa. May cooling effect at ang nutrients mula sa katas nito ay makatutulong sa mabilis na paggaling ng pigsa.

• Para maengganyong kumain ng alugbati, lalo na ang mga bata, ihalo ito sa ginisang monggo o kaya’y pakuluan saglit ang ginayat na dahon at gawing salad.

• Hindi namin kayo pinipilit na kumain ng alugbati pero bakit ka naman aayaw kung siksik, liglig at umaapaw ito sa nutrisyon? Choosy ka pa eh ang mura nito. Tiisin mo na yung malapot na lasa. Makaka-move on ka rin diyan. Ang importante, lulusog ang katawan.?

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie