Hinay-hinay lang sa Pagkain ng Tinapay! Alam mo ba kung gaano...

Hinay-hinay lang sa Pagkain ng Tinapay! Alam mo ba kung gaano karaming sodium ang mayroon sa isang slice ng tinapay (wheat bread)? Naglalaro sa 80mg hanggang 230mg ang sodium content ng isang piraso ng tinapay. Kung kakain ka ng apat na piraso sa isang araw, 320 hanggang 920mg agad ng sodium iyan. Ang tinapay ang pangunahing source ng salt/sodium sa diet ng mga Amerikano. Ayon sa Centers for Disease Control, ang recommended na sodium intake ng isang tao kada araw ay 2300mg kapag bata pa at 1500mg kapag edad 51 taon at pataas. Ang pagkain ng sobrang asin o sodium ay nagdudulot ng mataas na risk para sa high blood pressure na maaring mauwi sa sakit sa puso at stroke. Ugaliing magbasa ng nutrition labels sa mga pagkain na iyong kinakain. Mas piliin ang mga pagkain na mababa ang sodium. Sa susunod na pagbili mo ng tinapay, hanapin ang mga tinapay na mababa sa sodium upang maiwasan ang high blood pressure at mga komplikasyon nito.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie