Hello! Its me again, ang #feelingerangkusinera...

Hello! Its me again, ang #feelingerangkusinera. This is my homemade "Chicken Spread" na mas masarap pa kesa sa nabibiling chicken spread sa groceries or supermarket ?

"Chicken Spread"

Mga Sangkap 180g chicken breast 1 220ml Ladies Choice Mayonnaise 2 hard boiled eggs 1 small onion (red or white) Salt and pepper to taste

Paraan ng Paggawa

  1. Pakuluan ang breast chicken. Timplahan ng asin at paminta. Pag luto na, palamigin saka himayin.
  2. Sa isang tasa, durigin ang 2 nilagang itlog.
  3. Hiwain ang sibuyas ng pinung-pino.
  4. Sa isang lalagyan, ihalo ang lahat ng sangkap. Mayonnaise, hinimay na manok, at itlog. Mix well. Tikman at iadjust ayon sa inyong panlasa gamit ang salt and pepper.

That's it!! May homemade chicken spread ka na. Masarap ipalaman sa tasty or sa pandesal. Kung medyo sosyal ang sandwich mo lagyan ng lettuce. Ganyan din po ang paggawa ko ng Tuna Spread. Minsan naglalaga din ako ng patatas, sliced ko lang ng malililiit, lalagyan ko ng spread at presto may potato salad na ko.

Happy Cooking Everyone ?‍? For more easy and simple recipes, please visit my page Feelingerang Kusinera ?

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie