Health Tips MADALAS PAGTALUNAN! Note: Basahing buo bago magtanong "...

Health Tips MADALAS PAGTALUNAN!

Note: Basahing buo bago magtanong

" BLOOD PRESSURE AT ANEMIC "

ANO BA ANG LOW BLOOD PRESSURE?

Ang blood pressure o presyon ng dugo ay ang pwersa ng dugo na tumutulak sa mga pader ng ugat na dinadaluyan nito, kagaya ng pwersa ng hangin sa loob ng isang lobo. Ang pwersang ito ay maaaring tumaas (hypertension) o bumaba (hypotension) at parehong nakaaapekto sa kalusugan ng tao. Ang normal na blood pressure ay 120/80, ngunit ito ay maaaring magbago dahil sa ilang salik gaya ng mga pagkilos o gawain, pagkapagod, pati na ang matinding kaba.

ANO ANG SANHI NG LOW BLOOD PRESSURE?

Ang pabagsak ng presyon ng dugo ay maaaring dulot ng mga sumusunod sa kondisyon o sakit:

  1. Pagbubuntis
  2. Kondsyon o sakit sa puso
  3. Kondisyon o sakit sa mga glandula ng katawan gaya ng thyroid at adrenal glands
  4. Mababang asukal sa dugo o hypoglycemia
  5. Diabetes
  6. Mababang tubig sa katawan o dehydration
  7. Pagkabawas ng dugo
  8. Matinding impeksyon sa katawan
  9. Matinding allergy o anaphylaxis
  10. Kakulangan ng sustansya sa katawan gaya ng Bitamina B-12 at Folate
  11. Mga gamot na iniinom: Diuretics, Alpha Blockers, Beta Blockers, at mga antidepressants.

Halamang gamot: Uminom ng supplement para makaiwas sa nababangit.

ANEMIA / ANEMIC

Ang anemia ay isang kalagayan kung saan ang red blood cells o hemoglobin ay mas mababa kaysa sa normal, meaning kulang sa dugo (lack of red blood cells)

Gaano ka importanti ang blood cells? Red blood cells= nagdala ng oxygen sa lahat ng parte ng katawan at nagdala ng hemoglobin sa dugo isang iron-rich protein na nagbibigay sa dugo ng pula nitong kulay.

White blood cells= fights infection, platelets na tumutulong sa dugo para ma-clot.

Sanhi:

  1. Pagdurugo dahil sa sugat sa katawan
  2. Menstrual bleeding (sa mga babae) 3.:stress (walang ganang kumain at kumilos)

Sintomas:

  1. Pamumutla ng balat,talukap ng mata, bibig at pqmumuti ng kuko
  2. Madalas, mabilis ang paghihina at pagkahilo
  3. Pagkalagas ng buhok
  4. Hirap sa paghinga at mabilis na tibok ng puso

Para maibalik ang level ng dugo kumain ng iron rich foods, vit.b12 at folate

Iron: karne(laman), beans, maberdeng gulay, melon, berries, brown rice

B-12: karne(laman), gatas, soya o soy milk, itlog, yogurt

Folate: citrus, saging, pasta, maberdeng gulay, fruit juice, broccoli, cauliflower.

Halamang gamot: Dahon ng malunggay at dahon ng kamote Sabay pakuloan, kainin ang dahon at inumin ang sabaw, huwag lagyan ng asin Sa may mga katanungan sa may mga karamdaman just pm or comment below.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie