Health Benefits ng Pagkain ng Repolyo Napakarami ng mga posibleng...

Health Benefits ng Pagkain ng Repolyo

Napakarami ng mga posibleng benepisyo ng repolyo sa ating katawan. Ang pagkain ng repolyo ay nakakatulong maiwasan ang obesity, diabetes at sakit sa puso.

  1. Nakakatulong ang repolyo na malabanan ang sakit na cancer dahil sa taglay nitong sulforaphane. Ang sulforaphane ang nagbibigay ng bahagyang mapait na lasa sa repolyo at ito ay napag-aralan na nakakatulong upang maiwasan ang sakit na kanser tulad ng melanoma, esophageal, prostate at pancreatic cancer. Ayon sa pag-aaral sa University of Missouri, ayroon din itong aspigenin na nakakatulong na paliitin ang mga tumor sa breast cancer. Mayaman din sa antioxidants ang pulang repolyo na mainam ding panlaban sa kanser.

  2. Ang taglay na anthocyanin ng mga replyo ay nakakatulong upang maiwasan ang pamamaga at mgaskit sa puso. Ayon sa American Jounal of Clinical Nutrition, ang pagkain ng repolyo na mayaman sa flavonoids at polyphenols ay nakkaatulong upang maiwasan ang pagbubuo ng dugo at pagtaas ng blood pressure.

  3. Mayaman sa fiber at water ang repolyo na maganda upang maiwasan ang constipation at upang magkaroon ng healthy na bituka. Ang pagkain ng fibers ay mahalaga upang maalis ang mga toxins sa katawan ng isang tao. Nakakatulong din ang fibers upang maiwasan ang sakit sa puso, diabetes, cancer at obesity.

Ano po ang pinakapaborito ninyong luto sa replyo? Share niyo naman po.

https://www.facebook.com/ampalayaplus/photos/a.60280153807/10154884948288808/type=3

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie