Hakbang Na Pwedeng Gawin Kung Ikaw Ay Laging Naiihi Ang isang...

Hakbang Na Pwedeng Gawin Kung Ikaw Ay Laging Naiihi

Ang isang average na tao ay umiihi 6-7 beses sa isang araw. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas ng laging pag-ihi, nahihirapang pigilan ito, at nagigising ka sa gitna ng gabi dahil naiihi ka ng madalas, maaaring ang iyong bladder ay overactive.

Ang overactive bladder ay isang kondisyon na kung saan palagi mong nararamdamang naiihi ka. At minsan ang kondisyong ito ay nakakaabala na sa iyong pang-araw araw na gawain. Ang mga taong mayroong overactive bladder ay minsan ay nakakaranas na rin ng urge incontinence o ang hindi na makontrol ang kanilang pag-ihi.

Narito ang ilang natural na epektibong tips upang maiwasan ang overactive bladder o ang kadalasang pag-ihi:

  1. Kontrolin ang pag-inom tubig Importante na uminom ng 8-10 basong tubig araw araw upang mapanatiling hydrated ang iyong katawan. Ngunit ang sobrang pag-inom nito ay hindi rin maganda sa katawan dahil ang resulta ay madalas na pag-ihi. Upang maiwasan ang overactive bladder, bawasan ng 25% ang iyong fluid intake.

  2. Umiwas sa mga inuming may kulay Ang mga inuming ito partikular ay mga kape, tsaa, al^k, at mga softdrinks. Dahil ang mga ito ay nakakapagbigay lang ng stress sa iyong bladder na ang resulta ay madalas na pag-ihi.

  3. Magbawas o kontrolin ang iyong timbang Ang pagiging overweight o obese ay isa sa mga kadahilanan na nakakapagpalala ng pag-ihi ng madalas. Dahil ang taba sa iyong katawan ay nagdudulot ng pressure sa iyong bladder kaya madalas kang naiihi.

  4. Pag-iskedyul ng pag-ihi o bladder training. Ito ay isang karaniwang lunas sa may overactive bladder na hindi kinakailangan ng medikasyon. Sa paraang ito, gagawa ka ng set ng mga oras kung kelan ka iihi hindi kung kelan mo lang naramdaman. Makakatulong ito upang hindi ma-istress ang iyong bladder at makontrol ito.

  5. Magkaroon ng pelvic floor exercises Ang pageehersisyo ng iyong pelvic muscles ay nakakatulong upang palakasin ang iyong mga muscles na nagkokontrol ng iyong ihi. Isang halimbawa ni ay ang Kegel exercise na kung saan kikokontract mo ang iyong mga muscles sa daluyan ng ihi. Nakakatulong din ang ehersisyong ito upang hindi ka maihi ng basta-basta.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie