Binat at Sumpit ng Hangin

GIRLS PLEASE READ THIS!!! (Binat at sumpit ng hangin)

Kung kaya nyo po pakinggan yung videoPakilakasan nalang po ng volume! Pagpinanuod yung video at pakinggan nyo po yung boses ko.

Lalo na sa mga mommies na bagong panganak! Sa mga hindi naniniwala sa binat o sumpit ng hangin. Hindi lang binat o sumpit ang nangyare sakin kundi may sumanib din sa katawan ko ng mga oras nayan?? sa paniniwala ko at ng pamilya ko.

September 20 kakapanganak ko lang last September nakabalot na balot pa ako ng September panjama jacket socks hanggang mag 1month yung baby ko akala ko okay na kaya na ng katawan ko na hindi na balutin hanggang magshort nako ng pambaba hindi nako nagmemedyas patuloy na hanggang sa mag 2months ang baby ko at eto. Naghanap ako ng work. Para maibigay yung pangangailangan para sa baby ko. 2months palang ako nagwork nako!

Dec 9 pumunta kami ng baby ko at asawa ko at wala pangbinyagan ang baby ko sinama namin sya sa kanila doon sa phase1 navotas maayos ang kondisyon ng pangangatawan ko kumain ako sa tamang oras sabay sabay kami kumain ng family nya at nag aalaga lang ako sa baby ko.

Pauwi na kami galing phase1 8pm navotas paakyat ng tulay pa tumana. Inaayos ko yung balot ng baby ko dahil ayoko makalanghap siya ng usok nasa tricycle motor kami nun inaayos ko sya at kinakausap ko ng tumingin ako sa mga mata ng baby ko nakita ko yung mga mata nya lahat kulay itim wala akong makitang puti. Natakot ako at biglang may sumalubong samin na kakaibang hangin na sobrang nanlamig at nanghina ako. Tumingin ako sa paligid ko sa tulay papuntang phase1 navotas nakakita ako ng maraming tao na mga nakaitim. Kami lang kase ng baby ko sa loob ng trycicle yung asawa ko nasa labas ang sabi nya sa tulay daw wala naman daw kataotao. Pero nakita ko madami sila ng mga oras na yun at tumingin ulit ako sa baby ko nakita ko tulog naman natatakot padin ako hindi ko alam ang gagawin ko kasabay ng pagsulyap sakin ng kakaibang hangin na dahilan ng panlalamig ko panginginig sa mga oras na yun sumasakit ang dibdib ko hindi ako makahinga pinagpapawisan ako ng sobrang lamig. Hindi ko na mahawakan yung baby ko ng maayos dahil nanghihina at nanlalamig at hindi nako makahinga ng mga oras na yun kaya kinakalabit ko yung asawa ko dahil nandun sya sa labas ng tricycle. Hindi nya alam kung ano yung nangyayare sakin sa loob ng trycicle.

Nangmakarating na kami samin. Sa hito malabon. Agad agad kong binigay sa kanya yung baby ko dahil nararamdaman ko matutumba nako sa hilo at hirap na hirap nako makahinga. Iniwanan ko sila at agad akong tumakbo papunta sa bahay tinawag ko ang ate ko. At agad nya ako Nilagyan ng langis at pinatanggal yung bra at zipper ng short ko para makahinga ako pero hindi padin ako makahinga hanggang sa basang basa na ng pawis yung mga damit ko ang sobrang lamig na ng mga katawan ko at pawis ko at doon bumagsak ako.Binuhat ako ng asawa ko at ng bayaw ko papuntang sakayan ng motor dinala nila ako ng tondo hospital. Sa ER masyado na akong nag chichills. Nilagyan nila ako ng paperbag sa bunganga para makahinga at mag expand yung paghinga ko pero wala padin. Hindi daw kase kaya akong lagyan ng oxygen dahil malulunod daw ako. agad akong ECG para makita yung pagsakit ng dibdib ko dahil napapagod na yung puso ko ang sabi ng doctor tutubuhan ako para makahinga ng maayos at sobra na ang panginginig at paninigas ng katawan ko. Pero hindi pumayag ang ate ko na tubuhan ako at doon nagpanic na sila. halos mamalipit ako sa sakit at tumiklop yung mga daliri ko sa paa at kamay sa sobrang panginginig. At tumitirik narin yung mga mata ko

Hindi ako mapakalma ng mga doctor hindi nila malaman yung sakit ko. Sa mga oras na yan. Sinaniban na ako ng mga ligaw na kaluluwa. Ang sabi nila! Dahil siguro inunahan ako ng takot at hina ng loob. Pananampalataya. hindi ko alam na sinasabi ko yung mga nasa video. Hindi ako ganyan umiyak. At ng mapakalma ako dahil may nilagay yung ate ko sa dibdib ko na pangontra at rosary bigla nalang ako kumalma at tumigil sa pagiyak pagchichills. At nakatulog pagkagising ko ubo ako ng ubo at uhaw na uhaw yung katawan ko pagod na pagod na parang ginamit.

Sabi nila dahil daw siguro sa stress problemado ako at kakapanganak ko lang kung ano ano naiisip ko nalilipasan ako ng gutom. At kulang sa pagdadasal pananampalataya sa Panginoon. Kaya siguro nangyare sakin yan hindi lang binat o sumpit ang nangyare sakin sa mga kakaibang nakita ko. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa mga ganyan date. Pero nung ako na ang nakaranas neto. Aral na sakin to. Kaya sa mga mommies dyan na akala nila na kaya na ng katawan nila na magwork kumita ng pera para sa baby nila pambili ng gatas o pangangailangan. Wag muna kailangan alagaan muna si baby at magpahinga pa ng husto. Pasaway at matigas ang ulo ko kase kaya nagkaganto ako. kailangan ko kase magwork para sa baby ko. Hindi pala napaganda nabinat ako.

Magpalakas muna ng katawan at magdasal lumapit sa Panginoon. Sa ngayon hindi pa maayos ang lagay ko.?Sa oras ng panganib magdasal at manalig.

Yung sakin sumpit ng masamang hangin po talaga. Halos mamatay matay nako eh. Pasalamat nalang ako hindi ako pinabayaan ng ate at asawa ko at ni Lord! THANK YOU LORD! ?

Kaya po ako video ng ate ko dahil alam nya po na hindi na ako yun. Gusto nya ipakita sakin pag naging maayos nako kung ano ang mga nasasabi ko. Pero hindi ko po alam at akalain na ganyan ang boses ko at ang mga sinasabi ko parang demonyo. Kaya pray lang po☝

Pps: Mag 3months na baby ko sa 20 kahit abutin pa ng taon. Pwede kang mabinat. Please take care of yourselves after giving birth girls! ?

Sa mga mommies share ko lang po yung experience ko! Hindi basta basta ang panganganak at pagiging mommies

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie