Bakit tayo lalaban sa 2019? Ito ang tunay na dahilan...

Bakit tayo lalaban sa 2019? Ito ang tunay na dahilan. At sinulat kong LYRICS para sa inyo. Wala pang Music pero may nagvolunteer na gumawa. God bless po. - doc willie

LYRICS: Mahal Namin Kayo

I Hangad naming kayo ay matulungan Ang bawat maysakit ay malunasan Handang dumamay sa mahirap Ang inyong pagbuti ang aming pangarap

Kalusugan ninyo palaging una Upang bawat isa'y maging masigla. At bawat tao ay giginhawa Sa simpleng paraan na aming alam

Chorus: Kaya namin ito ginagawa ay para lang sa inyo Dahil mahalaga ang buhay ng bawat Pilipino Sa maysakit at umiiyak, handang maglingkod Dahil mahal po namin kayo.

Buhay namin ay alay sa inyo. Mula sa puso ito ang pangako Tunay na pagtulong at paglilingkod Kung may sakit ay aalagaan kayo

CHORUS

At sa paglipas ng aming buhay. At sa pagharap sa poong lumikha Handa namin ialay ang munting nagawa. Para sa inyo…para sa Pilipino. Dahil mahal po namin kayo

https://www.facebook.com/DocWillieOngOfficial/photos/a.168978689963317/1041758982685279/type=3

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie