Bakit Namamanhid o Namimitig ang Paa? Ni Dr Willie Ong Ang pamamanhid...

Bakit Namamanhid o Namimitig ang Paa? Ni Dr Willie Ong

Ang pamamanhid o pamimitig ay puwedeng maramdaman sa iba’t ibang parte ng katawan, tulad ng kamay at paa. Kadalasan ang dahilan ay ang naiipit na ugat o nerves kaya namamanhid o namimitig. Ang nerves natin ang nagbibigay ng pakiramdam sa ating katawan at kapag naipit ito, may mararamdaman kang parang kinu-kuryente, o parang may langgam na naglalakad sa iyong kamay o paa. Pero kapag ginalaw-galaw mo ang iyong paa o kamay, ay babalik naman ang pakiramdam pagkatapos ng ilang segundo. Ang mga posibleng dahilan ng pagkaipit ng nerves ay ang pagubo o pagtayo ng matagal na panahon. Puwede din maipit ang ugat o nerves sa paa o likod. Kung mahilig kang magdala ng makapal na pitaka at madalas mo itong maupuan, puwede maipit ang iyong nerve sa puwit (sciatic nerve) at magdulot ng pamamanhid sa paa. Ang tawag dito ay “Fat Wallet Syndrome”. Bawasan ang kapal ng iyong pitaka o ilagay ang pitaka sa harapang bulsa. Huwag din gawing unan ang kamay dahil maiipit ang nerve at magdudulot ng pamamanhid ng kamay. May iba pang dahilan ang pamamanhid o pamimitig. Posible na mababa ang lebel ng electrolytes sa dugo tulad ng calcium, potassium at sodium. Ipasuri ito sa pamamagitan ng laboratory tests. Kapag may nasirang ugat dahil sa alak at sigarilyo, puwede din maka-apekto sa iyong nerves. Sa mga nagkaka-edad, ang posibleng dahilan ay ang sakit tulad ng diabetes, carpal tunnel syndrome at stroke. Ang solusyon sa pamamanhid ay ang paggamot sa sakit tulad ng diabetes at stroke. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay at isda. Uminom ng vitamins araw-araw. Mag-ehersisyo din palagi para maging malakas at masigla ang ating katawan. Tandaan: kumonsulta sa doktor kapag madalas ito mangyari, nahihilo o nahihirapan maglakad.

https://www.facebook.com/DocWillieOngOfficial/photos/a.168978689963317/1059321160929061/type=3

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie