Ayaw tigasan o tumayo: Ano Sanhi, Lunas, Gamot ng Pagka-Inutil, Impotence...

Ayaw tigasan o tumayo: Ano Sanhi, Lunas, Gamot ng Pagka-Inutil, Impotence Erectile Dysfunction Ang pagkabaog ay nakaka-apekto sa abilidad ng isang lalaki na magpatigas o magbulalas. Ito ay isang uri ng erectile dysfunction (ED). Marami ang maaaring maging dahilan ng pagkabaog kasama na dito ang emosyonal at pisikal na diperensya. Ang pagkabaog ay karaniwan na sakit ng mga lalake at ito ay nailalarawan sa hindi o kahirapan na mapanatiling matigas ang titi na kailangan sa pagtatalik o ang kahirapan na magbulalas. Ang pagkabaog ay maaaring madanas habang tumatanda. Ano ang Erectile Dysfunction o kawalan ng kakayahang patigasin ang titi o ari ng lalaki? Nagkakaroon ng Erectile Dysfunction (ED) kapag hindi tinitigasan, nahihirapang tigasan o mapanatiling matigas ang titi ng lalaki. Mahihirapan masakatuparan ang pagtatalik kapag nagkaron ng Erectile dysfunction (ED). Ayon sa iilang studies, maaaring magkaron ng Erectile dysfunction simula sa edad na 40. Napag-aralan din na 18 hanggang 30 milyon na kalalakihan ang may sakit na ito. Ano sanhi ng Erectile Dysfunction o panlalambot ng titi? Iilang dekada lamang nakaraan, sinisisi pa ng mga doktor na ang sanhi ng sakit na ito ay dahil sa pangkaisipan lamang o sa pag-edad, para sa mga matatandang lalaki. Ngunit ang mga ideyang ito ay nabago sa panahon ngayon. Nagkaroon ng medikal na atensyon ng mapansin na humihina sa pagtatalik ang mga lalaki habang sila ay tumatanda. Ang mga urologists ay naniniwalang may pisikal na dahilan sa sakit na erectile dysfunction sa mga lalaking edad 50 pataas. Dahil naiuugnay ang pagtigas sa daluyan ng dugo o blood vessels, hindi malayong isipin na ang dahilan ay ang mga sakit na nagpapatuloy sa pagbara o ang kahirapan sa pagdaloy ng dugo papunta sa titi, katulad na lamang ng atherosclerosis o diabetes. Ang isa pang iniisip na dahilan ay ang sakit sa ugat na nagpapabilis ng pagsaid ng dugo sa titi. Ang iba pang sakit tulad ng hormonal imbalances ay maaaring maging dahilan ng erectile dysfunction. Erectile Dysfunction o pagkainutil sa mga kabataang kalalakihan wala pang 40 anyos Para sa mga mas nakababatang kalalakihan, problema sikolohikal o psychological ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng erectile dysfunction o hirap sa pagpapatigas ng ari. Madalas na nagkakaroon din ng tensyon at pagkabalisa dahilan ng hindi magandang komunikasyon sa kanilang sexual partner o pagkakaiba din ng kani-kanilang gusto pagdating sa sex. Ang iba pang dahilan ng problemang sekswal ay ang mga sumusunod:

  • Depresyon
  • Pagkapagod
  • Stress
  • Pakiramdam ng kakulangan o pagkukulang
  • Mga takot pang sekswal
  • Pagtanggi o rejection galing sa mga magulang o kaibigan
  • Naranasang sexual abuse noong kanilang kabataan Mga pwedeng gamut sa Impotence o Pagka-inutil (Ayaw tigasan ng ari) Madalas na mapanghusga ang mga lalaki sa kanilang mga sarili pagdating sa kanilang kakayahan sa sex. Ang takot na hindi nila kayang ma-satisfy ang kani-kanilang mga partner sa kama ay paulit-ulit na bumabagabag sa kanilang pag-iisip at madalas naihahalintulad sa kabiguan, kawalan ng dignidad at pagkalalaki. Kung ikaw ay nakakaranas ng erectile dysfunction (ED), huwag mo masyadong sisihin at pahirapan ang sarili mo, dahil ang impotence ay kayang kayang ayusin sa pamamagitan ng iba’t-ibang uri ng pamamaraan nang hindi kinakailangang gumamit ng Viagra o kung ano pang mga gamot. Kapag ikaw ay nakakaranas ng ED o gustong mapigilan ang pagkaroon nito, heto ang ilang paraan para malampasan ang impotence ng walang side effects.
  1. Maglakad ng hindi bababa ng 2 kilometro o milya Since you're here... May we ask for a small favor? Unlike others, we don’t charge user fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status. But it’s difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues across are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/ legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations. So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends – then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work. PayPal - The safer, easier way to pay Maglakad ka lang – hindi tumakbo – ng hindi bababa ng 2 milya sa isang araw. Ayon sa isang study noong 2005, ang paglalakad, kasama ng pagkakaroon ng mas malusog pamumuhay o lifestyle ay makakatulong lalo na sa mga matatabang kalalakihan upang pababain ang posibilidad na magkaroon ng ED, o maiwasto ang kanilang kasalukuyang kondisyon. Ito ay napaimportante, dahil ang pagpananatili ng maliit at payat na waistline ay isang mabisang depensa laban sa ED, dahil ang mga kalalakihang may 42 pulgadang baywang ay may 50% chance na magkaroon ng ED kumpara sa mga lalaking may 32 inches na baywang. Ang pagpapanatili ng malusog pangangatawan ay isang mabisang paraan para mapigilan at maiwasto ang ED.
  2. Galawin ang balakang at baywang na bahagi ng katawan Ang mga pelvic exercises, na mas kilala bilang kegel exercises, ay karaniwang ginagamit upang magpanatili ng masiglang urinary continence at kalusugang sekswal o sexual health. Nakakatulong ito para mapalakas ang iyong bulbocavernous muscle na syang responsable sa tatlong bagay: ang pagpapa “absorb” ng dugo sa iyong ari upang ito ay tumigas, ang nagbobomba ng tamod o sperm kapag nag-e-ejaculate, at ang nagbabakante ng iyong urethra sa tuwing umiihi. Ang pagsusuot ng masikip na pantalon ay nakakaapekto din sa impotence kasama ng ilang mga kondisyon gaya ng diabetes, problema sa puso na sya ding may kinalaman sa antas ng impotence o “degree of impotence” ng isang lalaki.
  3. Uminom ng Herbal Viagra Ayon sa iilang eksperto, ang Ginseng, o ang “red ginseng,” ay kinikilalang “herbal Viagra” ay nakakagamot ng pagka-inutil. Nagagawa ang Red ginseng sa pagpapakulo at pagtuyo ng ugat. Ang ugat ng ginseng root ay ang parte ng halaman na ginagamit sa paggamot, ngunit kailangang antayin ng 5 taon bago lumaki ang halaman. Ayon sa isang study, nakakatulong daw ang dosages mula sa 600 hanggang sa 1,000 milligrams tatlong beses isang araw.
  4. Uminom ng katas ng pakwan o watermelon juice Ang Citrulline, isang amino acid na nakikita sa pakwan ay nakakatulong sa pagdaloy ng dugo sa titi o ari ng lalaki. Ayon sa isang 2011 study, bumuti ang pagpapatigas ng ari ang mga lalakeng uminom L-citrulline supplementation. Isa pa, ang natural watermelon juice, o “nature’s Viagra” ay naiiwasan na sumama ang tiyan, hindi katulad ng paginom ng Viagra na sinasabing maaaring magsanhi ng pagsusuka at pagtatae. Ngunit kailangan tandaan na hindi lahat ng natural o herbal treatments ay safe. Lahat ng gamot o supplement man ay mayroong side effects. Maaari rin magkaroon ng overdose kapag naparami ang paginom, kaya mag- ingat at kumonsulta muna sa doctor. Ano ang lunas, gamot sa pagka-inutil o ayaw tigasan ng ari? Karaniwang lunas sa ED: Gamot o medisina Standard na lunas sa ED: Kabilang dito ay ang pag-eehersisyo, pagbawas ng timbang, pagtigil sa paninigarilyo at pagtigil sa pag-inom ng alak. Karaniwang lunas sa ED: Sa pamamagitan ng hindi pag-inom ng gamot Kabilang sa paggamot ng ED na hindi ginagamitan ng anumang gamot ay penile vacuum pumps, penile implants, at blood vessel surgery. Ang penile vacuum pumps ay ang paggamit ng pambomba bago ang pagtalik upang makadaloy ang dugo patungo sa titi. Ngunit ang paraan na ito ay maaaring magdulot ng sugat o gasgas. Ang penile implants naman ay ang implants ay dapat na ipasok sa titi sa pamamagitan ng opera. Ito ay pwedeng palakihin kung kinakailangan. Ang pagkaroon ng impeksyon ay isa sa mga panganib ng surgery o opera. Ang blood vessel surgery ay rinerekomenda lamang kung ang sanhi ng ED ay ang pagtagas ng vessels. Bagaman lahat ng mga ito ay nakakatulong, ang natural na alternatibo ay epektibo din at hindi kinakailangan ng pag-oopera.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie