Ano ba ang dengue? Ang dengue ay isang sakit na dala ng lamok...

Ano ba ang dengue?

Ang dengue ay isang sakit na dala ng lamok. Ito ay pangkaraniwan sa mga trokal at sub-tropikal na bahagi ng mundo kung saan mainit ang klima. Ang hindi gaanong malalang kaso ng dengue ay nagdadala ng mataas na lagnat, mga pantal at pananakit ng mga kalamnan at mga kasukasuan. Ang malalang dengue ay sanhi ng pagdurugo, paghina ng presyon ng dugo at pagkamatay.

Ano ang sintomas ng dengue?

Kapag ikaw ay nahawa ng dengue virus sa kagat ng lamok, kakikitaan ka ng mga sintomas nito pagkaraan ng apat hanggang anim na araw. May ibang kaso na inaabot pa ng sampung araw bago sila kakitaan ng mga sumusunod na mga sintomas.

-Biglaang pagkakaroon ng mataas na lagnat -Biglaang pagsakit ng ulo -Pagsakit ng mata -Matinding pagsakit ng mga kalamnan at kasukasuan -Pagkahapo -Pagsusuka -Pamamantal, na maaaring magpakita pagkaraan ng ilang araw na pagkakaroon ng lagnat -Pagdurugo, kasama dito ang pagdurugo ng ilong at gilagid -Pagkakaroon ng mga pasa sa katawan

Kung nakaranas ng anoman sintomas maari lamang magpakonsulta sa inyong doctor.

(c)

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie