Ano ang Ovarian Cancer? Ang ovarian cancer ay kanser na nakikita...

Ano ang Ovarian Cancer?

Ang ovarian cancer ay kanser na nakikita lamang sa mga babae. Ang ovary ang reproductive organ ng isang babae at matatagpuan ito sa ibabang bahagi ng tiyan. Ang ovaries ang gumagawa ng female reproductive hormones tulad ng estrogen at progesterone. Ito rin ang gumagawa na itlog na siyang nagiging fetus sa oras na mafertilize ito ng semilya. May dalawang ovaries ang isang babae na makikita sa kanan at kaliwang bahagi ng ibabang tiyan. Kapag nag-menopause na ang isang babae, tumitigil na rin sa paglalabas ng itlog at kaunti na rin ang nililikha nitong mga hormones.

Ang ovarian cancer ay maaring kumalat sa fallopian tubes at sa ibang pang mga laman loob tulad ng bituka. Pwede din itong kumalat papunta sa iba pang organ sa pamamagitan ng pagkalat ng cancer cells sa dugo at lymph nodes.

Ano ang mga Risk Factor para sa Ovarian Cancer?

  1. Family history ng cancer. Ang mga babaeng may history ng breast, uterus, colon at rectum cancer ay may posibilidad na magkaroon ng ovarian cancer. May mga genes na maaaring magdulot ng ovarian cancer.
  2. Endometriosis. Ang mga babaeng nagkaroon ng endometriosis ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng ovarian cancer.
  3. Ang mga babaeng may edad 55 pataas.
  4. Ang mga babaeng hindi nabuntis.

Ano ang mga Preventive Factors na Makakatulong Upang Makaiwas sa Ovarian Cancer?

  1. Oral contraceptive use.
  2. Pagbubuntis.
  3. Breastfeeding.
  4. Hysterectomy o pagtatanggal ng uterus. Nababawasan ng 33% ang pagkakaroon ng ovarian cancer.
  5. Salpingo-oophorectomy o pag-aalis ng ovaries at fallopian tube.

Wala pang screening method upang malaman ng maaga kung may ovarian cancer ang isang babae. Ang mga sintomas ay mahirap ding makita. Ngunit ang mga naobserbahang sintomas ay:

  1. Namamaga o malaking tiyan. Ang mga may ovarian cancer ay madalas na napapansing sumisikip na ang kanilang mga pants. Ang paglaki ng tiyan ay senyales na may tubig na tinatawag na ascites na naiimbak sa abdominal cavity.
  2. Pananakit ng tiyan at balakang.
  3. Nahihirapang kumain at mabilis mabusog.
  4. Madalas na naiihi.
  5. Nagkakaroon ng pagbabago sa pagdumi (nagkakaroon ng diarrhea o constipation).
  6. Nagdudugo ang ari.

Maaaring maranasan ang mga sintomas na ito kahit wala kang ovarian cancer. Ngunit kung maranasan ang mga ito ng higit sa dalawang linggo, subukang kumosulta sa inyong gynecologist upang malaman kung posibleng mayroon kang ovarian cancer.

#ovariancancer #kanser #cancer Para sa ibang katanungan maari lamang po na mag PM o comment salamat.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie