Ano ang ibig sabihin ng kulay ng iyong dumi? Brown...

Ano ang ibig sabihin ng kulay ng iyong dumi?

Brown. Ang normal na kulay ng dumi ay brown. Ito ay dahil sa bilirubin na nasa bile. Ito ay breakdown product ng hemoglobin sa ating dugo na normal na nasisira pagkatapos ng ilang linggo.

Green. Mabilis ang pagdaan ng pagkain sa iyon bituka. Ito ay maaring dahil sa diarrhea. Maaari din na indikasyon ito na hindi natutunaw ang bile ng maayos. Naglalabas ng bile ang ating atay. Ang bile ay nakaimbak sa apdo at inilalabas sa bituka. Ito ay kailangan upang tunawin ang taba para magamit ng ating katawan. Ito rin ang nagbibigay ng kayumangging kulay ng ating dumi. Habang dumadaan ang bile sa small intestine papuntang large intestine, nagbabago ito ng kulay mula green, yellow hanggang sa maging brown na ito. Maaari ring maging green ang dumi kung kumain ng mga green leafy vegetables, pagkain na may green food color tulad ng flavored drinks, ice pops o iron supplement.

Puti o walang kulay. Kulang ng bile sa iyong dumi. Maaari itong resulta ng obstruction sa bile duct na siyang daanan ng bile mula sa apdo papunta sa bituka. Maaari rin itong senyales ng pancreatitis o pancreatic cancer. May mga gamot tulad ng bismuth subsalycylate (Kaopectate, Pepto-Bismol) at ibang anti-diarrheal drugs na nagbibigay ng ganitong kulay ng dumi.

Dilaw, malangis at mabaho. Maraming taba sa iyong dumi. Maaari itong resulta ng malabsortion disorder tulad ng celiac disorder. Hindi naaabsorb ng ating bituka ang mga natunaw na pagkain. Minsan ang protinang gluten na makikita sa mga tinapay at cereals at nagbibigay ng ganitong kulay at amoy sa dumi. Magpatingin sa doktor upang makasiguro sa dahilan ng ganitong anyo at amoy ng dumi.

Itim. May pagdudugo sa unang bahagi ng iyong bituka (upper gastrointestinal tract) gaya ng tiyan (stomach). Maaaring resulta ito ng ulcer o cancer. Ang pag-inom ng iron supplements, bismuth subsalicylate (Kaopectate, Pepto-Bismol), black licorice ay maaari ring magdulot ng itim na dumi.

Pula. May pagdudugo sa ibabang bahagi ng intestinal tract tulad ng large intestine, rectum at madalas ay resulta ito ng hemorrhoids. Maaari ring resulta ito ng pagkakaroon ng diverticulosis o outpouching ng colon. Ang pagkaing may red food coloring, mga beets, cranberries, tomato juice o soup at red gelatin ay maaari ring magdulot ng pulang kulay sa dumi.

https://www.facebook.com/doktordoktorlads/photos/a.1046913318663617/1456493214372290/type=3

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie