ANG HULING ENGKWENTRO?

ANG HULING ENGKWENTRO??? Hindi pa rin magka mayaw ang residente ng bario Canduyong sa pag estima ng bisita,karamihan dito ay dayo pa sa malalayong lugar.Ang kalye ay abala sa paroot parito,karamihan ay mga batang mababakas ang saya sa kanilang mga mukha,hindi iniinda ang sikat ng araw,ang iba ay hindi tumitigil sa pag buntot sa banda musiko.Ang iba naman ay kalahok sa ibat-ibang klaseng palarong pambata. At di rin nawala ang para sa matatanda kagaya ng karera ng Kalabaw at Hulihan ng Baboy sa putikan..Pag sapit ng alas dose ng tanghali,pumailanlang ang boses ni Kapitan Egay.. "Mga mahal kong kababaryo at panauhin..Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa ating Kapistahan..Oras na po upang tayo ay mag salo salo at mamahinga upang maghanda sa gaganaping prusisyon bilang pasasalamat sa ating mahal na Patron San Vicente Ferrer...at mamayang gabi! Ang pinakahihintay ng ating mga kabinataan at kadalagahan..ang sayawan sa bario Canduyong!...Kainan naaaa!"

"Huh!!?? Kainan na??" Si Tolome na sa sobrang libang sa pang huhuli ng butete may extra pang hipon at talangka sa ilog ay di namalayan ang oras. Krrruukk...kruuuk! (kumukulong sikmura ni Tolome na noon ay sapo ng kaliwang kamay) "Makauwi na nga,nag aalburoto na ang tiyan ko,marami rami rin tong nahuli ko nyehehehe" Wika ni Tolome sa sarili at nagsimulang maglakad habang sumisipol ng tong tong tong tong pakitong kitong pabalik ng bahay dala dala ang latang kinalalagyan ng mga nahuli.Walang ano ano sa daang mabato at matalahib... "HOY! Sino ka! Ano yan!???"...may nambulaga "AY BUTETE NI MANG BASTE!" Sagot ng nagulantang na Baste este Bartolome. Nang mahimas-masan sa pagkakagulat,biglang napatingin sa mga butete at kung anek anek pa na nakahandusay at nagingisay-ngisay sa batuhan..( Oh hindeh!,natapon ang mga huli nya).. "Waaaaaah...mga butete ko!."nakatingalang atungal ni Tolome..Matalim na tingin at nanlalaking butas ang ilong na sininghalan ang nanggulat.. "Ikaw ang sino??Sino ka naman??Sino ka na namaaan!waaaahhh!" dali-dali nyang pinulot ang pinaghirapang kawawang nilalang at isa-isang inilagay sa lata.. "Yucks..so kadiri!" Nakapamaewang na kandangiwing sambit ng kausap.. "Tseh!salukan mo tong lata ng tubig sa ilog...ang arte arte mo!" sabay abot ng lata sa batang halos kaidarin nya..at mabilis namang tumalima habang humahagikgik sa kaitsurahan ni Tolome.. "in fairness..kyut sya,..sungit nga lang"kinikilig na turan nito Pagkaabot ng inutos ni Tolome... "Ako nga pala si Cherry...kanina pa kita pinagmamasdan,dayo ka dito ano?Ngayon lang kita nakita,,Taga saan ka ba?Kanino kang bisita?" Sunod-sunod na tanong at pakilala ni Cherry habang nakatayong inabot ang kanang kamay kay Tolome na nakaupo at pandalas na dinadampot ang wala ng malay na lamang tubig (naluto na yata sa init ng batuhang kinalaglagan,ang iba ay na de-hydrates).. "Tolo...errrr...Bart! Ako si Bart....Oo dayo...taga Bat***as..kina Tiyang Belen" Matipid n sagot ni Tolome na noon ay nakatayo na at tinapik lang ang kamay ni Cherry..(nahihiya siguro sa malansang kamay nya)..At nag simulang lumakad pauwi,bagamat medyo humahapdi ang twit twit?,pasimpleng lumakad upang di makahalata si Cherry at mabaling ang pansin sa suot na saya..

Sinundan sya ni Cherry na noon ay daldal ng daldal..seryoso lang ang mukha at pagkaminsan ay ngumingiwi pag nadadanggil ng hita sa paglakad ang sugat ng twit twit nya..Pagdating sa tarangkahan ng bahay ni aling Belen... "Bart..mamayang gabi,daanan kita alas siyete y media ha..attend tayo ng sayawan!" Nakangiting sabi nito sa binatilyo.. "Hindi ako mahilig jan!..hindi ako marunong sumayaw!...iba na lang ang yayain mo" Sabay talikod at madaling tinungo ang kusina.. Taas balikat lang at tumalikod na rin si Cherry.. "Ah basta,dadaanan kita mamaya" tumaas ang kilay na sabi nito sa sarili,at kumandi kandirit palayo.

"Nakuuu ang batang ito! Saan ka ba nanggaling?Kanina ka pa hinahanap ng inay mo!"Si aling Belen "Sa ilog lang po tiyang..nananaw lang po ng mga butete at isda" Sagot ni Tolome habang nanghahaba ang leeg sa pag silip ng p**aheng nakahain sa mesa.. "Ay sya,ikaw ay kumain na at maligo..pinaglaga kita ng dahon ng bayabas pang langgas sa butete mo..ang inay at tatay mo ay abala pag lalagay ng disenyo ng patron kina kapitan para sa prusisyon mamaya.Pagkaligo mo ay pumaroon ka sa sala at ipapakilala kita sa mga pinsan mong nag aaral sa Maynila..at mamayang gabi,samahan mo sila sa sayawan sa plaza." Muntik ng mabilaukan si Tolome na noon ay namumuwalam sa nilalafang na morkon sa huling tinuran ng tiyahin...wala rin pala syang kawala.."Ano bang meron dun?Ano bang makikita dun?baka ma bored lang ako dun..mas gusto ko pa magbasa ng komiks..haaay..tsomp tsomp...ngasab ngasab" Wika nito sa sarili.. "Opo tiyang.. hik!" Sininok na sagot ni Tolome kay Belen..Ay anu ba yun?! Nabigla lang ba si Tolome ng sagot??Maging sya ay di makapaniwala..nanlaki ang mata "Ulk!"..napakamot na lang ng ulo pag talikod ng tiyahin.

Mapayapang nairaos ang prusisyon sa bario..natapos ito sa isang misa na pinangasiwaan ng kura paroko.Ang lahat ng dumalo ay magagaan ang loob kahit bakas ang pagod sa mga aktibidad na idinaos na nag uwian sa kani kanilang tahanan upang ipagpatuloy ang celebrasyon.marami pa rin ang dumarating na bisita,lumilisan sila sa bawat tahanan ng may ngit sa labi at may dala pang binalot karamihan ay prutas at matamisin.

Samantala...sa bahay ng ating bidang babae.. "Inay.maaari po ba 'kong sumama kay itay sa pag roronda sa sayawan?..Kasama rin sina Noknok at Bebeng ng kanilang mga itay." Si Mayumi habang tinutulungan ang inang mag lagay ng hinugasang mga kasangkapan sa tauban.. "Ikaw ang bahala anak..basta susunduin kita pag sapit ng alas diyes ng gabi,hindi ka pwedeng abutin ng hatinggabi doon " "Opo inay" Tuwang tuwang tugon ni Mayumi sa ina..Nangislap ang mga mata nito..agad inisip ang barong isusuot..(hhmm,biglang naging self conscious)

Alas siyete ng gabi..ang plaza ay nagagayakan ng makukulay na banderitas,may bakod na yari sa dahon ng niyog..may mga patay sinding ilaw na ibat ibang kulay...may mga bangkitong nakapalibot sa bawat kanto nito.bukod ang pwesto ng mga kababaihan at kalalakihan Matapos bumati at Mag paalala ni Kapitan...Ibinigay ng asawa nitong si Sonia ang hudyat...SAYAWAN NAAAA!!!

Rock!?Rock! Rock!Rock!? Rock baby rock? Rock it to my heart Rock baby rock? Say we'll never part Hey hey hey? Hey hey hey Hey hey hey? Ahh...? Ang ibang kalalakihan ay dali-daling tumayo at naglapitan sa lugar ng mga kababaihan at inabot ang kamay bilang tanda ng pag alok dito kung maaari silang isayaw...ang iba ay dagling nag bigay at ang iba naman ay pakipot ( o hindi type ang lumapit,choosy si ate?..ayun kaaantay ng type,nag butas ng bangko toinks) Paminsan minsan ay napapalitan ang tutog ng awiting pang "sweet"Kapag ganoon na,ang mga batang wala pa sa hustong gulang mababae o alalake man ay nagsisiupuan (tokhang ng mga nag roronda pag tigas ulo)..Habang abala ang marami sa pag yug-yog,syang dating ng grupo ni Tolome...Nauunang pumasok ang dalawang pinsang si Willy (Wilfredo)at Gordy (Godofredo)...Kasunod si Tolome..na noon ay naka pantalong kulduroy na maluwag..polong long sleeve naka tupi ng 3/4 at naka suspender...ang buhok ay plantsadong plantsado na may palawit pang bangs (imaginin nyo si superman )Walastik,,lufet ng japorms ng bida...halatang di pinaghandaan.

Sa bangkitong kinauupuan nina Mayumi at mga kaibigan nito...bahagya siyang siniko ni Bebeng..pag tingin nya dito ay inginuso ang entrance..Slowmong nilingon niya ang inginuso ni Bebeng sabay sa saliw ng tugtuging.. You're just too good to be true? Can't take my eyes off of you You'd be like Heaven to touch? I wanna hold you so much At long last love has arrived? And I thank God I'm alive You're just too good to be true? Can't take my eyes off you ? Slow motion din ang entrada ng damuhong Tolome...may pagbasa at kagat pa ng labing nalalaman..DUG DUG -DUG DUG...(hindi music yon Kadekada,Kabog ng dibdib ni Mayumi yon)?..Bakas sa maamong mukha nito ang matinding paghanga sa binatilyo " Mas lalo pala nyang ka gwapo kapag nabihisan" sabi sa sarili..hindi mapuknat ang tingin nito kay Tolome hanggang mabaling sa kasabay nito ang kanyang paningin.. "Diyatat si Cherry yon???" Si Noknok... Si Cherry nga!!" Si Bebeng... May kung anong kumurot sa dibdib ni Mayumi na maging sya ay di nya maunawaan..Di nya maipaliwanag..tila kakaiba...??

Kahit anong pilit ng ga kaibigang sumayaw..hindi na mapagbigyan ni Mayumi ang mga ito..parang may kung anong kulisap ang naglalaro sa loob ng kanyang sikmura habang nakikita nya ang walang puknat na hataw ni Tolome kasayaw si Cherry..Paminsan minsan ay di mawasang matawa nito kapag kanda tisod ang Tolome sa pag moon walk at roger rabbit.(himala nawala ang sakit ng twit twit...yan ba ang walang hilig sa sayaw???) Aha, aha, aha? Aha? Aha Aha? What you do and what you don't, aha? What you will and what you won't, aha What you can and what you can't, aha? This is what you got to know Loved you though it didn't show? Da da da Da da da? Da da da Da da da? Wala nang nagawa ang nagulat na dalagita ng hilahin sya nina Bebeng at Noknok.. "Tara na kase Mayumi!...Ang ganda ng tugtog oh!" si Noknok Kung bakit parang sinasadya doon sila napapwesto sa malapit sa pangdalas at walang kapagurang nangigigitata na sa pawis sa pag sayaw na Tolome may papikit pikit pa na ninanamnam ang music,,. Nang walang ano'ano'y '"AAAAAYYY BROWN OUT!!!" tili ng kababaihan...

Awooooo! Awoooo!...Alulong ng mga aso. "Wh!!!Nanay koooo!!!tatay kooooo!!! Huwaaaahhh!!! Ang jaskeng Tolome takot pala sa dilim..kakapa-kapang nagpalakad lakad ito hanggang may makapitang bagay...nanginginig na yumapos itong parang tuko sa nahawakang malambot na bagay...30 segundo sa ganung sitwasyon... "AYYYY! May ilaw na!!!" Nagpalakpakan ang mga naroroon,..tuloy ang saya! Napalunok ng sabay at laglag ang panga ni Bebeng at Noknok ng hagilapin ng tingin ang kababatang Mayumi..Iisa ang napag tuunan nila ni Cherry na noon ay nakapamaewang at nanghahaba ang nguso...teka..ano ba ang nakita nila???Wala naman...si Tolome lang naman na namumutla at katal ang babang nakayakap kay Mayumi na noon ay awang awa sa binatilyo... Biglang tugtog ng makabagbag damdaming Itanong mo sa akin? Kung sino'ng aking mahal Itanong mo sa akin? Sagot ko'y di magtatagalIkaw lang ang aking mahal? Ang pag-ibig mo'y aking kailangan? Pag-ibig na walang hangganan Ang aking tunay na nararamdaman?

Tila bahagyang nahimasmasan ang Tolome..Nagkatitigan...mata sa mata..DUG DUG-DUG DUG! Ayan na naman ang linsyak na DUG DUG...ang di maipaliwanag na kabog ng dib dib..sa pagkakataong ito ay di lang ang kay Mayuming dibdib ng kumakabog...mas malakas ang kay Tolome...palakas ng palakas...di na natagalan ni Cherry ang nakikita...nag walked out ng padabog ng dance floor.?? "Mayumiiii!" "Huh??!! Ang inay" Hindi pa man nalilingon ni Mayumi ang ina... Sino ba yang parang sumang malagkit kung makakapit sa iyo??? Hoy iho!" Pumitik pitik pa si aling Celia sa harap ng mukha ng kawawang Tolome na noon ay nakangiting parang nakalutang sa alaapaap... "Abay napaano ba itong batang ito?? Pogi pa naman parang timang lang" Ani aling Celia sabay hila sa anak.. "Tenang umuwi anak,alas diyes pasado na...bawal na ang mga bata dito sa ganitong oras.." Walang nagawa si Mayumi.. habang t***ay t***ay sya ng ina ay halos matalisod ito sa pag lingon kay Tolome hanggang mawala na ito sa kanyang paningin. Isang tapik sa likod ang nagpanumbalik sa huwisyo ni Tolome " Ano bang nangyari sayo ha insan?..para kang natuklaw ng kobra?" Tanong ni Gordy.. "Huh??!! Nasaan ako" kinalog kalog pa ni Tolome ang ulo..napadako ang paningin sa lupa...may napagtuunan ng pansin...isang bagay na kumikinang..Dinampot nya ito..Kuwintas na hugis puso.. "Locket? " kamot sa ulo...binuksan ang locket...napakunot ang noo subalit napalitan ng matamis na ngiti...ng makilala ang nakapaloob na larawan.. "Kay Mayumi! "...kinuyom sa palad ang kwintas ni Mayumi...ano man ang balak...sya lang ang nakakaalam. Pasado alas dose na ng hatinggabi,panay ang biling ni Tolome sa papag na higaan...panaka naka ay sinusulyapan ang larawan ng magandang si Mayumi..DUG DUG-DUG DUG!.. napabalikwas ito...lumabas upang kumuha ng maiinom sa tapayan..habang umiinom naulinigan nitong nag uusap ang tiyahin at magulang...

"Alas 4 ng bukang liwayway kami babalik ng Bat***as insan" Si mang Temiong "Gustuhin ko man kayong pigilan pa insan, wala naman akong magagawa kung kailangn nyo talagang magbalik na sa inyo"Si Belen.. "Gusto sana naming magtagal kahit ilang araw pa,ngunit sa makalawa na rin pala ang libing ng tiyang Maring.." Hikbi hikbing sambit ni aling Tasya. Hindi maipaliwanag ni Tolome ang lungkot na naramdaman sa usapang narinig..

Kinabukasan,madilim pa ang paligid..mabigat ang mga hakbang ng binatilyo..yuko ang ulo....kasabay ng magulang na nilisan ang bario Canduyong...Ang lugar kung saan nya naramdaman ang unang tibok ng puso...na tila kakaiba...Bago tuluyang lumisan..hinawakang mahigpit ang kuwintas ni Mayumi...na noon ay nakapaloob sa kanyang bulsa.????

PAG PAUMANHINAN NYO PO MGA KADEKADA KUNG NADELAY ANG KWENTO NG BUHAY NI TOLOME AT MAYUMI..SALAMAT PO.

ITUTULOY PO BUKAS...?❤️

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie