Ang bayabas ay isang maliit na puno na namumunga...

Ang bayabas ay isang maliit na puno na namumunga. Ang dahon at bunga nito ay kilala sa at ginagamit na gamot sa Pilipinas, at ito ay kinikilala ng Philippine Department of Health dahil sa mabisang kakayahan nito. Ang bayabas ay kilala bilang herbal na gamot na anti-inflammatory, antimicrobial, antioxidant, anti-allergy, antiseptic, anti-plasmodial, antidiabetic, antigenotoxic and for treatment of cough. Ang bunga nito ay kilala na nagtataglay ng bitamina C at bitamina A Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa. Ginagamit na gamot herbal sa:

Dahon at balat Sugat Hiwa Sunog Panlinis ng bunganga Ubo Pampaligo sa bagong panganak Pampabango sa tubig pangligo Panlinis at panglanggas sa bagong tuli Panghugas sa maselang bahagi ng babae Pamamaga ng gilagid Pagdurugo ng ilong Sakit ng ngipin Bunga Mapagkukunan ng bitamina C Ginagamit na gulay sa pagluluto

Paano ang paghahanda

Bilang inumin Hugasang maigi ang dahon Isang (1) basong dahon sa tatlong (3) baso ng tubig. Pakuluan sa loog ng 8 hanggang 10 minuto. Itabi, palamigin at salain. Magmumog upang gawing panlinis sa bibig. Para sa sugat o hiwa, hugasan ang bahaging apektado, tatlong (3) beses isang araw. Ginagamit na panglanggas at panlinis ng mga bagong tuli.

Bilang pampaligo

Ginagamit bilang sa unang pagligo ng bagong panganak. Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, sukatin ng naayon sa nais na init, maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.

KAALAMAN TUNGKOL SA BAYABAS BILANG HALAMANG GAMOT Scientific name: Psidium guajava Linn.; Psidium cujavus Linn.; Psidium aromaticum Blanco Common name: Bayabas (Tagalog), Guava (Ingles)

Ang bayabas ay kilalang halaman lalo na dahil sa bunga nito na paborito ng maraming Pilipino. Ginagamit ang ilang bahagi ng halamang ito particular ang dahon bilang panggamot sa ilang mga karamdaman. Karaniwan naman itong tumutubo sa iba’t ibang lugar sa kapuluan ng Pilipinas. ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BAYABAS? Ang iba’t ibang bahagi ng halamang bayabas ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang halaman ng bayabas ay makukuhanan ng mga kemikal na alkaloids, flavonoids, glycosides, polyphenols, reducing compounds, saponins at tannins. Ang dahon ay mayroong alkaloids, anthocyanins, carotenoids, essential oils, fatty acids, lectins, phenols, saponins, tannins, triterpenes, and vitamin C. Mayroon pa itong ß-sitosterol, maslinic acid, at flavonoids. Ang bunga naman ay may taglay na glykosen, saccharose, protein, at iba pa. Mayaman din ito sa Vitamin C. Ang ugat at balat ng kahoy ay parehong may mataas na lebel ng tannins ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO? Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng: Dahon. Ang dahon ay malimit gamitin na panggamot sa ilang mga karamdaman. Maaari itong ilaga at ipainom sa may sakit na parang tsaa. Maaari ring tadtarin ang dahon upang mas madaling makuhanan ng katas. Maaari ding ipanguya lamang ang murang dahon ng bayabas at gamitin ang nanguyang dahon bilang gamot. Maaari ring ipang tapal ang dinikdik na dahot sa mga apektadong bahagi ng katawan. Bunga. Ang bunga ng bayabas ay maaaring kainin lamang o lutuin at isangkap sa ilang mga p**ahe. Balat ng kahoy. Pinakukuluan ang balat ng kahoy upang ipang mumog o ipanghugas. Ugat. Inilalaga din ang ugat ng bayabas kasama ng iba pang bahagi ng halaman upang magamit bilang gamot. Bulaklak. Ang bulaklak din ay maaaring isama sa paglalaga ng ilang mga bahagi ng halaman. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BAYABAS?

  1. Ulcer. Ang pagkakaroon ng ulcer sa sikmura ay matutulungang mapagaling nang mas mabilis sa tulong ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas.
  2. Sugat. Mabilis din ang paghilom ng mga sugat kung tatapalan ng dinikdik na dahon ng bayabas. Mahusay din ang paghuhugas sa sugat gamit ang pinaglagaan ng sariwang dahon.
  3. Pananakit ng ngipin. Maaaring nguyain ang murang dahon ng bayabas upang mabawasan ang pananakit ng ngipin. Dapat ding isiksik sa bulok na ngipin ang nginuyang dahon.
  4. Pagtatae. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng tinadtad na dahon ng bayabas, o kaya pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. May bisa din ang pinaglagaan ng murang bulaklak ng bayabas.
  5. Pamamaga ng gilagid. Ang pamamaga naman ng gilagid ay maaring mapahupa ng pagmumumog sa pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. Makatutulong din ang pagnguya ng murang dahon ng bayabas.
  6. Rayuma. Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma.
  7. Hirap sa pagdumi. Ang bunga ng bayabas na ginawang jelly ay makatutulong sa pagpapadalit ng pagdumi.
  8. Epilepsy. Ang katas ng dinikdik na dahon ng bayabas ay mabisa din sa pagpapahupa ng sintomas ng epilepsy.
  9. Bagong tuli. Kilalang ginagamit ang pinagnguyaan ng dahon ng bayabas sa mabilis na pagpapagaling ng sugat sa bagong tuli.
  10. Bagong panganak. Ginagamit din ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas sa paghuhugas sa puerta ng babae na bagong panganak. Makatutulong ito sa mas mabilis na paghilom ng sugat.

https://www.facebook.com/RickyBakerAndSinger__tn__=%2CdCH-R-R&amp=;eid=ARBlMiiR20YtfrPZ8dpRttpw5yKM2UtgaxhgA2AlyYi5mOAQON9bJ22zl2ACiCnnMUhkWhB1cVQQ3GsK&hc_ref=ARTvKFs9qxSb3rkC7u-zkQR2mw3v0wHUunZYegp9WorZptLcVuuBAgqpPeMlvPX4ncQ&fref=nf&hc_location=group

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie