7 Mga Pagkain Na Makakatulong Na Magtanggal Ng Mga Parasites...

7 Mga Pagkain Na Makakatulong Na Magtanggal Ng Mga Parasites Sa Iyong Katawan

Ang mga parasito ay mga maliliit na elemento na humahalo sa ating mga pagkain na nagiging dahilan ng ating pagkakasakit. Importanteng malaman natin kung paano maiiwasan na makontamihan ang ating mga pagkain ng mga parasito. Sinasabi ng World Health Organization na aabot sa 50 milyong katao ang apektado ng mga parasito at aabot naman sa 40,000 hanggang 100,000 na katao ang namamatay kada taon dahil sa sakit na nadudulot ng mga parasito.

Paano nga ba tayo nagkakasakit dahil sa mga parasites?

Ang pagiging hindi malinis sa katawan, maduming tubig, at mga halagang hayop ang karaniwang sanhi kung bakit nagkakaroon tayo ng mga parasito sa ating mga pagkain kung kaya’t nakakapasok ito sa ating katawan. Naninirahan ang mga parasito sa ating digestive system at kinakain nila ang mga pagkaing kinakain natin na mayaman sa carbohydrates, sugar, mga hilaw na karne at isda, at mga prutas at gulay na hindi nahugasan ng maayos.

❗Sintomas at uri ng mga parasito

Ang mga sintomas na may parasito ka sa katawan ay ang mga sumusunod: pananakit at pamamaga ng tiyan, diarrhea, pagkakaroon ng dugo sa duming inilalabas, allergy, pangangati, kakulangan sa dugo at pamumutla, at depresyon. Ang mga human parasites ay nahahati sa dalawang kategorya: ang protozoa at helminthes na naapektuhan ang 1/6 ng populasyon sa mundo. Narito ang ilan sa mga uri ng parasito na madalas makita sa katawan ng tao:

Giardia intestinalis,Cryptosporidium parvum, Enteremoeba coli, Entomoeba histolyca Dientomeba fragilis, Blastocystishominis, Endolimaxnana

Ngunit paano nga ba natin matatanggal ang mga parasitong ito sa ating katawan? Narito ang mga natural at mabisang pagkain na makakatulong upang matanggal ang mga parasito sa ating katawan.

??Sunflower Seeds: Nakakatulong ito para paalisin ang mga parasito sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpigil nito sa mga parasito sa pagdami at pag penetrate sa ating katawan.

??Niyog at sibuyas Maliban sa pagpapasigla ng ating timbang, naglalaman rin ito ng mga elemento na makakatulong upang mabawasan ang mga parasito sa ating katawan.

?Buto ng Papaya Mainam ito sa paglaban sa mga parasito dahil mayroon itong antihelminthic at antiamoebic activities. Mas magiging epektibo ito kapag kinain kasama ng pulut-pukyutan.

?Bawang Madaming gamit ang bawang bilang gamot sa iba’t-ibang uri ng sakit at isa na rito ang pagbawas ng mga parasito sa ating katawan. Madami ding pagaaral ang nagpapatunay na may magandang pagkakaugnay ang bawang at ang oras ng pagalis ng parasito sa katawan, maliban dito may kaugnayan din ang bawang sa pagkamatay ng mga parasito.

?Pinya Naglalaman ang pinya ng bromelain na tumutulong pumatay ng mga parasito at nagpapasigla ng ating digestive health.

?Fermented foods Ang mga fermented foods ay mayaman sa probiotics na nakakatulong na labanan ang mga masasamang elemento sa ating tiyan at pinapalitan ito ng good bacteria. Ang ilan sa mga produktong ito ay mga dairy products kung saan kinuha mula sa mga bakang damo lang ang kinakain, kimchi, sauerkraut at mga fermented vegetables. Itong ang isang recipe ng smoothie na naglalaman ng lahat ng sangkap na nabanggit. Tinatawag itong The Parasite Smoothie Terminator.

⬇Mga sangkap Isang tasang pinya,Isang tasang papaya,Kalahating tasa ng sunflower seeds Tatlo ng kutsara ng coconut yogurt, Isang kutsaritang turmeric powder, Kalahating tasa ng yelo, Isa’t kalahating tasa ng coconut water, Isang tasang tubig Ilagay lang sa blender ang lahat ng sangkap hanggang nahalo na itong mabuti

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie