5 Health Benefits ng Pagpapakulo ng Dahon ng Bayabas Ang puno...

5 Health Benefits ng Pagpapakulo ng Dahon ng Bayabas

Ang puno ng bayabas ay siguradong makikita mo kahit saan ka man naroroon sa Pilipinas. Minsan ang mga bata ay aakyat pa ng puno upang makuha lamang ng bayabas para may makain. Ito ay isang karaniwang puno na makikita kahit saang bakuran ng bawat Pilipino.

Ang Dahon ng bayabas ay kilala bilang isang medisinal na dahon na nakakapagpagaling ng maraming kondisyon. Maaari mong pakuluan ang mga dahon nito at inumin o gamitin panligo upang makuha ang mga benepisyong ito.

Naglalaman ito ng mga vitamins at minerals na nakatutulong sa ating katawan. Narito kung bakit mahalaga na subukan mo ang pagpapakulo ng dahon ng bayabas:

  1. Pagpapa-alis ng diarrhea Ang pagkain hindi lamang ang bunga ng bayabas ngunit pati narin ang dahon na ito ay nakatutulong na paalisin ang diarrhea. Dahil naglalaman ito ng disinfectant pati narin anti-bacterial properties na nakakapagpigil ng pagdami ng mikrobiyo sa loob ng ating katawan. Mayroon rin itong vitamin C, potassium at carotenoids na nagpapatibay ng ating tiyan.

  2. Pampaganda ng kutis Ito ay nakakapagbuti ng ating balat at ito rin ay nakakapagpabawas sa tiyansa na magkaroon ng mga problema sa ating balat. Ang pagkain o pag-inom nito ay nakatutulong upang maging glowing ang ating balat, pantanggal ng mga wrinkles at pati narin ang ibang problema sa ating balat.

  3. Pantanggal ng pananak!t ng ngipin Isa sa mga magandang nilalaman ng bayabas ay mayroon itonganti-inflamatory properties na nakakapagpapuksa ng mikrobyo sa ating bibig. Kaya maganda ito gawing juice para magamot ang pananak!t sa ngipin, namamagang gilagid at oral ulcers.

  4. Gamot para sa lagnat at sipon Gaya ng nasabi sa una, mataas ito sa vitamin C na nakatutulong labanan ang mga karamdamang ito. Ang hilaw na juice nito o ang sabaw ng dahon ng bayabas ay nakakapagpalinis ng ating baga at lalamunan.

  5. Maayos na daloy ng dugo Nakatutulong ang bayabas na bawasan ang cholesterol sa ating dugo. Hindi lamang ito, pinapanatili rin nito ang pagiging matubig na dugo at nagpapababa ng presyon. Sinasabi na ang mga pagkain na may mababang suplay ng fiber ay nakakapagtaas ng presyon. Kaya makakatulong ang bayabas dahil ito ay puno ng fiber na makakapag normalize ng presyon.

Tumugon sa hibla na ito

Ang site na ito ay gumagamit ng mga cookies at iba pang mga teknolohiya sa pagsubaybay upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibidwal na computer, personalized na service settings, analytical at statistical na layunin, at pagpapasadya ng nilalaman at paghahatid ng ad. Maaaring naglalaman ang site na ito ng mga third-party cookies. Kung patuloy mong gagamitin ang site, ipinapalagay namin na tumutugma ito sa kasalukuyang mga setting, ngunit maaari mo itong baguhin anumang oras. Higit pang impormasyon dito: Patakaran sa Pagkapribado at Cookie